Chapter 5 Sya pala yung nagtext

218 4 1
                                    

Chapter 5

Siya pala yung nagtext.

Queenie's POV

Bzzzzzt.. bzzzzzt…

“Sino nman kaya to?!?” Papasok na ako ng gate ng school namin.

From: Best Chin

Best .. nagtext nab a sayo si Chad?

End

Me:

Hindi. Bakit nya naman ako itetext. Close ba kami? Tsaka wala kaming number sa isa’t-isa.

End

Bzzzt.. bzzzt..

From: Best Chin

Bago kasi ako bumaba kahapon ng sasakyan nya, hiningi nya yung number mo. Kaya binigay ko na.

End.

Oo nga pala, si Chin yung huli kahapon na naihatid nya kasi mas malayo yung bahay nya sa amin ng konte. Pero Hindi ko ina-akala na basta-basta lang nya ibinigay yung number ko.  -_-

Me:

Bakit mo naman binigay?

End

Bzzzt.. bzzzt..

From: Best Chin2x

 Eh hiningi e. Kapalit daw ng paghatid nya satin.

End.

Di ko namalayan na habang text ako ng text eh may nakabangga ako.

Booggssh!  “Can’t  y—” o.0 di ko na napatuloy yung sasabihin ko nang biglang mapansin ko kung sino yung taong nakabangga sakin.

“ Nasaan ba nakalagay yang mata mo?” na-iiritang tanong ng lalaki sakin.

“ Ikaw?!? Ikaw si Mr. Sungit na naghatid samin ng bestfriend ko. Bakit ka ba nandito?”

“ Mr. Sungit? Chad sabi yung pangalan ko. Huwag mo kong binyagan ng ibang pangalan.” -__-

*pout* Eh . Sorry naman kasi ang sungit mo samin kahapon.”

Walang pasabi-sabi ay umalis na sya. Hmp. Halata naman na di yun nag-aaral dito. Well hindi naman kasi familiar yung face nya nung una ko syang makita kahapon. And besides, naka-civilian naman sya. Pero bakit ba nandito yung masungit na yun? Pero never mind na nga. Kaganda ng umaga ko. Makakasalubong lang ako ng masungit na nag me-menopause. Whahaha

Bzzzt bzzzzt

“Ay kabayo! Buhay kapa!” Biglang sambit ko habang seryosong nakikinig sa nagrereport sa harap. Nandito na nga pala ako ngayon sa loob ng klase namin. Bwiset  talaga tong nagte-text sakin nanggugulat. Sino ba naman kasi di magugulat eh bigla lang nag vibrate yung phone ko na kasalukuyang nasa bulsa ko. -__- kill me now.

“ Anything wrong Miss Fernandez?” tanong ni ma’am sakin na halatang nagulat.

“ Ah – eh, ” anung palusot ba? Tsk. Isip-isip naman Queenie. Di ko naman pwedeng sabihin na dahil sa cp ko. Baka i-confiscate ni ma’am . Kapag class hours kasi dapat off  talaga yung phone. Basta bawal talaga yung phone. Hmp.

“Yes? Anung problema?” tanong ulit ni ma’am habang ang atensyon ng buong klase ay nasa akin na. At anu pa ba ini-expect nyu? Malamang tawa-sila ng tawa sakin. -__- lagot talaga sakin yung nagtext.

“ kasi ma’am yung kabayo po.”

“ anung kabayo?”

“ May nakita po kasi ako kanina sa t.v. na kabayo. Malapit na mamatay kya nasabi ko po na “kabayo buhay kapa”. Gusto ko po talaga kasing mabuhay yung kabayo nay un nakaka-awa.”    Sinasabi ko yun with matching pa-awa-awa eyes look para naman syempre di mahalata na nagsisinungaling ako. Yung mga kaklase ko naman, halatang natatawa na naman sa pinag-sasabi ko eh nahalata siguro nila na nagsisinungaling lang ako.

“ Miss Queenie, nandito ka ngayon sa school. Kung ano man yung nakikita mo dun sa t.v., kalimutan mo muna yun okay? Huwag ka mag day-dreaming dito.” Seryosong sabi ni ma’am.

Bzzzt.bzzzt..

“ Ano na naman!” Bigla ko ulit nasambit. Eh anu pa nga ba? Nag vibrate ulit si cp eh. Saksakin ko nalang muna kaya ng kutsilyo si Cellphone? Para mawalan sya ng malay at ipa-paospital ko pag kailangan ko na  magtext. Psh! -_- wala na. wala na akong rason na isusunod eh TT_TT nasa akin na lahat ng atensyon nila. waaaaaaahHhhhh. Kill me. Kill me!

“ What was th—” Naputol yung sasabihin ni ma’am nang may biglang dumating sa room namin.

Yes! Saved by “Mr. Sungit?!?!” Ano kayang ginagawa nya dito?

“ Class may new classmate kayo.” Sambit ni ma’am na kasalukuyang nasa harap ngayon habang katabi si Mr. Sungit. Napa nga-nga naman lahat ng mga classmates ko lalo na yung mga babae. Ganito oh ---------------- > 0o0

“ Ang gwapo”  bulong-bulungan nila na dinig na dinig ko naman . Sowwws . gwapo daw eh di nila alam masungit yan . -__- che!

“ Please introduce yourself Mr. Cordova”.

“ I’m Chad Cordova. From *** . I’m 18 years old.” Pagkasambit nya ng 18 ay nagulat naman yung mga kaklase ko. “ I’m sure some of you wanted to know why I’m already 18 and 4th year highschool palang ako. The reason is, palagi akong tina-transfer ng mom and dad ko. Nanggaling akong States at doon nag-aral for ilang months tapus pag-uwi namin dito sa Philippines, trinansfer na naman nila ako . hanggang sa hindi ko na natapos dahil sa puro transfer nalang. Bumalik ulit kami ng States at napagkasunduan na rin naman ng parents ko na huwag muna ako pag-aralin since wala na daw ako matututunan kapag ganung transfer lang ng transfer. Pag balik nalang daw namin dito sa Pilipinas. At dito nga na school ako pinapa-enroll ng parents ko. Yung reason lang naman ng pag balik-balik naming ng States at Philippines ay dahil sa business matter. Gusto ng parents ko na kung saan sila ay doon din ako para matutukan nila ako kahit may works sila. Kaya kung saan man na lugar sila pupunta ay sinasama ako.”

 Tahimik na tahimik lang naman ang buong klase sa pakikinig sa kanya . Kaya naman sinamantala ko ang pag-bukas ng message sa cp ko .

From: 09_______

Di ka talaga tumitingin sa dina-daanan mo! -_-

End

Hala parang eto din na number na to yung nagtext sakin kagabi.  Yung hindi daw ako nagpasalamat.  Na-alala nyu pa ba? -__- May isa pang message. Binasa ko ulit.

From 09_______

Babaeng di tumitingin sa dina-daanan, nasaan ba ang room ng 4-A dito?

End

Ako pa talaga yung di tumitingin sa dinadaanan? Eh sya nga tong nang bangga eh ! buti nalang di ako natumba kanina. Sya na kasi ! sya na yung masungit at mayabang na tao na nakilala ko ! ang sungit . Tapos tatanung-tanungin nya naman ako ngayon? duhhhHHH . ma esave nga yung number nya at syem pre yung name nya ay si : “MR. SUNGIT =__=” whahaha .

Love is Just a Word (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon