Napasabunot ako sa sarili kong buhok na napagtanto kong ano nga ba ang totoong nararamdaman ko pagdating sa kaniya.
"AGGGHHHHHH!!!!" sigaw ko habang nakatakip ang unan sa mukha ko.
Nasa likod ko naman ang dalawa kong kaibigan na hinihimas ang likod ko dahil kunting kunti na lamang at baka wala nang tutubo pang buhok sa anit ko.
"Beh, normal lang talaga yun! Oa ka eh, si OA!" pang-aasar ni Mika sa gilid ko.
"Ayoko nga!!!!!!" sigaw kong muli.
Di naman yun ang dahilan kung bakit nagtungo ako sa liblib na lugar na toh eh!
Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan at alam ko na ang susunod pang mangyayari pa.
"Lumabas ka diyan Liora!" sigaw niya sa kabilang banda ng pintuan "Kung hindi ka lalabas ngayon, baka sirain ko tong pintuan!" galit niyang dagdag.
"AYOKO!!" sigaw ko pabalik "Sirain mo! Ikaw din naman babayad, gagu!"
Nasa mukha ko pa din ang unan at narinig na lamang na bumukas ang pinto. Napa-balikwas ako at tumindig ng maayos para tignan kung sino ang nagbukas.
"Mika!!" galit kong sigaw ng makita kong apat na sila ang pumasok sa look ng dorm.
"Lira, hindi toh maaayos kung di kayo mag-uusap" sabat ni Jenny.
Tinignan niya ako ng masama kaya wala akong nagawa kundi umiwas ng tingin.
Ang ganda pala ng pintuan.
"Liora Alohi Del Rio." malamig na salita ng hari ng Superior 4. "Alam ko kung ano ang pinaplano mo" salitang kinagulat ko.
"Uh-uh anong plano?" magkanda-utal kong tugon.
"At 'di ako papayag sa gagawin mo, Del Rio" he stated.
-MsPres_Reign.
BINABASA MO ANG
Jisatsu High
Mystery / Thriller"There's Full Of Misery behind those Mystery" A mysterious school that suddenly became so famous because of students dying inside of it. Liora Alohi Del Rio, is dying in curiosity to know all about this school secret with her two friends, Mica Delga...