"Jisatsu" bulong ko sa unang talata ng diyaryong binabasa ko. //Suicide//
Muli kong ibinaling ang paningin ko sa monitor at tinipa ang Jisatsu High na nagpukaw ng kyuryosidad sa isipan ko.
Ngunit walang lumabas dahil pribado ang bawat detalye ng paaralan. Meron sa dyaryo ngunit pulos pagpapakamatay lamang at mga misteryo nito.
Subrang kakaiba.
"Omg! Burikat we're here!!" bati ni Jenny hawak-hawak ang ulo ng bangkuan ko.
"Ohh nakakuha kayo ng info?" agad na tanong ko dahil nagpa-research ako sa kanila ng info sa dating mga dyaryo tutal ayoko naman lumabas ng kwarto ko.
Sumimangot sakin si Mika na katabi niya dahil sa inasta ko at alam ko na kung bakit. Gusto niya na yakapin ko muna siya at sabihan na miss ko siya.
"Hi baby Mika!! Miss na miss kita" lumawak ang ngiti sa labi niya at ngumiwi naman ang ekspresyon ko bago siya yakapin.
"Sigurado ka ba sa binabalak mo Liora?" tanong ni Jenny.
Desidido nako na pasukin ang lugar na yun. Tatlong buwan ko na iyon napagdesisyonan, kaya tumango ako sa kanya bilang pagsagot.
Suminghal na lamang siya bago magsalita "Sasama kami ni Mika."
Nanlaki ang butas ng ilong ko dahil sa sinabi niya. Sigurado ba siya?
"Huh? Sinabi ko ba? Hala! Subrang lutang na yata ako" walang ka-alam alam na sagot ni Mika.
"This is not a game, Jen-"
"I know! Kaya sasama ako kahit 'di sasama si Mika. I can't risk my friend dying inside that hell! I will never let you guys die unhappy!" She hissed kaya sumuko nako.
Tumingin ako kay Mika kung papayag ba siya dun pero inosenteng sagot lamang ang tinugon niya.
"Alam kong maganda ako pero wag nyo 'ko tunawin, di ko pa nahahanap bebe ng buhay ko"
Nasapo ko ang sintido ko dahil sa sagot niyang walang saysay.
"Sure ka bang sasama ka, Jenny?" tanong kong muli sa kaniya "You can back out now"
"You think I'm Weak? and Indecisive?!" matigas niyang tanong "Of course I'm sure!" sagot niya sa tanong ko.
Wala na talaga akong magagawa upang pigilan siya.
"Mika, sasama ka sa Jisatsu High?" napatingin ako kay Mika nang maitanong yun ni Jenny.
"Can I bring Megumi Fushiguro??" masayang saad niya.
"Maiwan ka na lang pala Mika" bawi ni Jenny sa salitang binitawan niya.
Humagikhik ako ng kaunti pero may tama naman si Jenny dahil baka kung anong katarantaduhan lang ang gawin ni Mika doon.
"Please!! Imbestigador kaya ako!!" pagmamalaki niya sa sarili niya.
"Promise to stay with us?"
"uh-hum!" maligayang tango niya bago ako niyakap.
๑~~๑
Matapos ang isang linggong pag-aasikaso na lumipat sa paaralang aking pinapangarap. Narito ako ngayon nakatayo sa harapan ng malaking paaralan na may nakalagay na 'WELCOME TO JISATSU HIGH!!!'
Tahimik ang paligid, napapalibutan din ito ng mga damo at talagang hindi ordinaryo. Walang katao-tao at kami lang tatlo ang nakatayo sa gate ngayon.
"Sure ka bang tama yung napuntahan natin Lira?" bakas ang takot sa boses ni Mika.
I nodded as I opened the map again. The location was right, It was here but It looks like It's closed. It is now Saturday and It's Impossible that they're on class hours right now.
BINABASA MO ANG
Jisatsu High
Mistero / Thriller"There's Full Of Misery behind those Mystery" A mysterious school that suddenly became so famous because of students dying inside of it. Liora Alohi Del Rio, is dying in curiosity to know all about this school secret with her two friends, Mica Delga...