3- Trois

0 0 0
                                    






"Ano ang mayroon ka para mapakinabangan kita?" Isang tanong na nagmumula sa aking bagong amo.

Naririto ako ngayon sa isang silid na may maraming libro. Hindi mabilang ang mga libro na nakahilira pataas papunta sa kisame. Ilang tao muna ang pagpapatungin bago mo makuha ang nasa itaas na mga libro. Naiisip ko tuloy kung paano nila nailagay ang mga libro na nasa itaas?

"Hindi ka naman siguro bingi para hindi sagutin ang tanong ko, 'di ba Kandra?" Muli ay kinuha niya ang aking atensyon sa pamamagitan ng pagtawag sa aking pangalan.

Umiling ako sa kaniyang tanong. Sa ngayon ay ayaw ko lang na sagutin ang kaniyang mga tanong at magsalita. Masyadong mahaba ang aming byahe nina Robin at Rafael na ngayon ay ibininta na nila ako. Gusto ko munang magpahinga.

"Kandra Caseres ang iyong pangalan, tama ba?" Muli ay tumango ako. "May kilala akong Caseres noon, Emiliana Caseres."

Napatitig ako sa kaniyang mukha habang ito ay nagbibigay sa akin ng mapanglarong ngiti. Bakit niya kilala ang nanay ko?

"Sa pagkakaalam ko ay wala itong kasintahan para magkaroon siya ng anak. Kaya paano ngayon sa aking harapan ay may labing-anim na taong bata ang mag-aalagad sa akin? At ang masaklap ay anak ito ng aking dati kong kaibigan na si Emiliana?" Nanatili akong tahimik sa kaniyang harapan. May balbas ang kaniyang mukha. Lalaki na lalaki ang itsura ngunit kitang kita ang mga nalulukot na balat sa mukha na palatandaan na ito'y matanda na. "Nararamdaman kong sa unang pagtingin ko sa iyo ay may nababalot na mga lihim sa iyong katauhan. Sabi nina Robin at Rafael ay isa kang tao na nakapatay ng dating amo. Ngunit hindi ako naniniwala sa kanilang sinabi na isa kang tao sapagkat nararamdaman ko ang dugong Magus na nanalaytay sa iyong katawan. Pero kung totoo mang isa kang mamatay tao ay hindi ako natatakot."

Napangisi ako sa kaniyang mga sinabi. "Nakagagalak nga at may nakaa-alam na sa aking tunay na anyo. Ikaw nga ang dakilang Armani Haussecul ng Satori. Ang mandirigmang marunong kumilatis, makisig at higit sa lahat ay isang Magus na nakababasa ng isipan. Hindi nga ako nagkakamaling pumunta rito sa bayan ng Satori para hanapin ka. Sabi ni Emiliana ay maaari mo akong tulungan sa aking misyon." Mahabang aniya ko.

Tumaas ang kaniyang kilay nang sabihin ko ang huling linya. "Tulungan? Kahit kailan talaga ay iniisip ni Emiliana na makukuha niya kaagad ang gusto niyang makuha. Ngunit sa pagkakataong ito, ayaw kong tumulong. Masyado na akong matanda para sa mga panibagong pagsubok." Kausap nito ang kaniyang sarilil. "Kakayanin mo 'yan, anak ka naman ni Emiliana."

Naparolyo ako ng mata dahil sa kaniyang sinabi. Ganito ba talaga ang mga matatanda? Masyadong walang pasensya at masungit?

"Hindi ko ina si Emiliana at hindi niya ako anak. Naging nanay-nanayan ko lamang siya nang malayo ako sa aking totoong magulang." Nanatiling seryoso ang parehong naming mukha.

Ilang segundo ang lumipas ngunit nanatiling tahimik ang kapaligiran. Pino-proseso pa siguro nito sa kaniyang utak na kung hindi ako anak ni Emiliana ay bakit ako lumapit sa kaniya para humingi ng tulong?

Alam kong marunong siyang magbasa ng aking isip kung kaya naman ay minabuti kong isara ang aking isip. "Magaling," isang salita na kaniyang binitawan. "alam mo nga kung sino ako. Namali ata ako ng nabiling na alipin. Masyado kang mautak at iniisip na matutulungan kita ngunit pasensya na hija, hindi ako 'yung Magus na hinahanap mo para tulungan ka."

Hindi na ako nagmatigas pa. "Kung ganoon ay nagagalak akong makilala ka Armin. Ngunit maaari ba akong manatili rito sa iyong bahay pasamantala hanggang sa matapos na ako sa aking misyon? Gagawa pa rin ako ng mga gawaing bahay at susunod sa iyong mga utos. Pasamantala ay magiging alipin mo muna ako." Sa ganitong paraan ay mapapadali akong makalapit at makahanap ng sagot sa aking misyon bago ko gawin ang dapat kong gawin.

Sa huli ay napapayag ko si Armin. Magiging alipin niya ako pasamantala ngunit sa isang kundisyon ay hinding hindi siya tutulong sa misyon na mayroon ako. Hindi ko naman siya pinipilit na gawin iyon sapagkat alam ko naman sa aking sarili na kaya ko ito mag-isa. Inilahad niya sa akin ang susi sa magiging kwarto ko. Hindi niya na ako inihatid pa dahil isa raw itong pagsubok sa akin na hanapin ang aking silid.

Nagsimula na akong maglakad lakad sa buong mansyon. Nakapagtataka dahil kahit ni isang anino ng Magus o alipin ay wala akong nakita. Masyado na bang malaki itong mansyon ni Armin? Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makakita ng mga silid na nakasara. Iniisip ko na baka iyon na ang aking magiging silid ngunit bigo ako.

Ilang oras na ang nakalilipas ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Sa mga ganitong sitwasyon ay gusto kong magbago ng kapangyarihan. Paano ba naman kasi, walang silbi ang kapangyarihan ko ngayon.

Lakad pa rin ako nang lakad sa mahabang pasilyo nitong mansyon. Mautak naman ako, bakit hindi ko iyon gamitin sa mga ganitong sitwasyon? Mas pinili ko na lamang na magpahinga sa gilid at maghintay ng kung sino mang makita ko na maaari akong magtanong.

"Ano? Susuko ka na?" May narinig akong boses ni Armin sa aking utak. Huwag niyang sabihin na- "Oo, magkakapagsalita ako sa iyong isipan."

"Bahagi pa rin ba iyan sa iyong kapangyarihan?" Tanong ko.

"Ano sa tingin mo?" Pinili niyang huwag sumagot. Ewan ko talaga rito sa mga matatanda, ang hilig magbigay ng komplikadong bagay. "Huwag kang umupo lang diyan sa sahig. Maglakad ka na at hanapin mo ang iyong silid. Mag-ayos ka saglit at saka pumunta ng kusina para ipaghain ako ng makakain ngayong gabi." Utos nito.

"Wala ka bang iba pang mga alipin?" Naiinis kong tanong. Ano ba ang iniisip niya? Eh hindi naman ako marunong magluto o gumamit ng kahit na anong kasangkapan sa kusina.

"Gawin mo nalang ang inuutos ko."

Tumayo na ako at hindi na nagsayang ng oras. Hinanap ko ang aking silid at sa wakas ay nahanap ko na rin. May simpleng higaan at mesa itong kasama. Mayroon ding hindi ganoon kalakihan na aparador at salamin. Nag-ayos na ako sa aking sarili dahil may nahanap akong mga damit na maaari kong suotin.

Tiningnan ko ang aking sarili sa repleksyon ng salamin. Kulay kahel at tila mga alon ang aking buhok. Nakalugay ang aking buhok habang may puting telang nakalagay. Nababagay ito sa aking mukha na hugis bilog at may 'di kalakihang mga mata. Ngayon ay mukha na akong tao- ay hindi pala, isang Magus.

Nang matapos ako sa pag-aayos ay lumabas ako sa silid. Aakalain ko na sana na magiging maayos ang lahat nang mapagtanto kong hindi ko pala alam ang daan papunta sa kusina. Ngayon, paano naman ako makakapagluto eh ni daan papunta sa kusina ay hindi ko alam?

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong tatlong pinto sa aking harapan. Pagtingin ko sa itaas ay wala itong mga marka na kahit na ano.

Saan ba kasi rito ang kusina?

Kung may kapangyarihan lamang ako gaya ng isang Magus ay maaari ko itong gamitin para mapadali ako ngunit nakadidismaya dahil wala.

Pinihit ko ang nasa gitnang pintuan at saka pumasok sa loob. Nakapagtataka dahil madilim ang loob at nararamdaman ko ang katahimikang bumabalot sa buong silid.

Hindi pala ito ang kusina, lalabas na nga lang ako.

Sa paghakbang ng aking paa patalikod ay may naramdaman akong mabibigat na kamay sa aking balikat kung saan ay napatigilan ako. Naramdaman ko rin ang nakapanindig balahibo na mga hininga. Mabilis ang kaniyang paghinga na para bang galing siya sa pagtakbo.

"Sa wakas, naririto ka na binbini."

Para akong hindi makahinga at makagalaw sa tindi ng panginginig na nararamdaman ko. Babae ang kaniyang boses at ito ay may halong kasiyahan at kasabikan.

Naramdaman ko ang pag-alis niya sa aking likuran ngunit dahan dahan naman itong naglakad papunta sa aking harapan ilang segundo bago ko makita ang kaniyang pagmumukha ay bumukas ang pintuan at may kung sino mang hugis lalaki ang humatak sa akin papalabas sa silid kung nasaan ang nakatatakot na nilalang.

"Anong ginagawa mo rito?" Galit na tanong nung lalaki. Wala man lang halong pag-aalala ang kaniyang boses.


Author's Note:

Uy nagbabalik, HAHAHAHA. Wala naman sad gyuy klase :>

Mokita: The Betrayal and Agony Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon