4- Quatre

0 0 0
                                    











"Anong ginagawa mo rito?" Galit ang tono nito.

Nag-init kaagad ang ulo ko dahil sa kaniyang tanong. Ngunit hindi ko agad sinagot ang kaniyang katanungan. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa.

Kulay puti ang buhok nito. Kakaiba ang kulay ng kaniyang mga mata. Kulay asul ito na para bang isang karagatan. Makakapal ang mga kilay, matangos ang ilong at pahaba ang hugis ng kaniyang pagmumukha.

Sa kaniyang katawan naman, hindi ito maskulado ngunit hindi rin ito ganoon kapayat nasa sakto lang. Gwapo siguro pero para sa akin sapat na para sa mga babaeng may mababang panlasa.

"Naririnig mo ba ako babae?"

Aba't, kung makapagsalita akala mo kung sino ang matanda na.

"Bakit sino ka ba?" Pinili kong huwag sagutin ang kaniyang tanong.

"Ako ang unang nagtanong kaya't sagutin mo." Galit pa rin ang tono nito.

Hindi ko siya sinagot at naunang naglakad. Hinayaan ko siyang tumayo roon. Wala akong panahon para mag-aksaya ng oras kakasagot sa kaniyang tanong.

"Alam mo bang napaka-delikado nang iyong ginawa? Kung hindi kita nakita sa tamang oras ay baka kanina ka pa nasunog sa impyerno ngayon." Pagpapatuloy niya sa pagsasalita. "Pipi ka ba? Kung isa kang matinong Magus ay dapat kanina ka pa lumuhod sa akin at sinamba ako dahil ako ang nagligtas sa iyong buhay."

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya. "Kung ganoon naman edi salamat ha?" Walang modong anya ko.

Binalewala nito ang aking sinabi at tiningnan ako ng seryoso. "Isang mapanganib na nilalang ang nakakulong sa silid na iyon. May kapangyarihan iyon na gamitin ka gamit ang kaniyang isipan. Mapapasakamay ka niya sa isang tingin mo lang sa kaniyang mga mata kaya sana tandaan mong huwag ulit pumasok doon kung ayaw mong mamatay." Mahabang pababala nito sa akin. Akmang aalis na sana ito nang mapahinto. "Magpatuloy ka lang sa paglalakad, makikita mo rin ang kusinang hinahanap mo."

Sa kaniyang lintaya ay napakunot ang aking noo. "Paano niya nalaman?" Tanong ko sa aking sarili.

Tanga, isa iyong Magus malamang baka isa iyon sa kaniyang kapangyarihan. Pero salamat sa kaniya dahil buhay pa ako ngayon dahil kung hindi niya binuksan ang pintuan sa tamang oras ay baka nga magkatotoo 'yung sinabi niyang nasusunog na ako ngayon sa impyerno.

Sayang hindi ko man lang naitanong kung ano ang kaniyang pangalan, paano ba kasi inuna ko ang pagkairita at init sa aking ulo. Pero kung tutuusin siya naman kasi ang may kasalanan kung hindi lang ganoon ang tono ng kaniyang boses edi naging mabait at mahinahon ako sa kaniya.

Sinunod ko ang kaniyang sinabi na maglakad lang ako nang maglakad para mahanap ko ang kusina, hindi nga siya nagkakamali nang makita ko ang kusina.

"Ilang oras mo hinanap ang kusina nang makapagluto ka at dalhin ito sa akin?" Tanong ni Armin nang marating ko ang kaniyang silid pagkatapos kong magluto.

"Hindi ako nagbibilang ng oras eh." Aniya ko. Nagsimula na siyang kumain at hinayaan na siya nang may naalala ako. "Nga pala, may nakita akong lalaki na kulay puti ang kaniyang buhok at mukhang pareho kami ng katandaan, kilala niyo ho iyon?"

Tumigil ito sa pagsubo. Seryoso itong tumingin sa akin. "Huwag mo na lamang pansinin iyon. Kung kailan may kailangan siya ay saka lang iyon umuuwi ngunit ang nakapagtataka ay bakit siya umuwi ngayon at hindi man lang ako pinuntahan dito?"

Hindi ko alam kung sino ang kinakausap ni Armin ngayon pero dahil nakuha ko na ang sagot sa aking tanong ay pinili kong magpaalam sa kaniya at lumabas para makapagpahinga na rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mokita: The Betrayal and Agony Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon