Henriette's PoV:
THE first and second period classes were fast. Wala kasing naging lesson discussions at tanging "introduce yourself" at reading of classroom rules lang ang naganap. Gan'yan naman talaga kapag first day of school, hindi muna ibabagsak ang lahat ng pasanin ng students sa kanila. Papagaanin muna ang loob naming mga estudyante para mas lalong ma-pressure kapag nagsimula na ang totoong lessons.
It's lunchtime already, at dahil nga ayaw kong makipagsapalaran sa canteen at wala rin akong determination na makipagkaibigan sa mga tao, nagbaon ako para ngayong araw. I'll see to it kung may magiging circle ba ako ngayong academic year na maari kong samahan kapag lunchtime. My hope is not that high, though.
Inilabas ko ang baon ko at nagsimula nang kumain. While munching, I look around the classroom and watched a few of my classmates who chose to eat their lunches here. Nasa kani-kanila silang circles at wala akong makitang alone sa upuan. They're quite loud pero bearable naman. Halatang nasa kani-kanila silang mundo dahil hindi man lang nila napansin na nag-o-obserba ako sa kanila, o baka naman wala talaga silang pake sa akin. The latter is better.
When I finished my meal, inilabas ko ang cellphone ko mula sa bag at nag-open ng Minecraft na app. Wala naman akong gagawing importante kaya magpapalipas nalang ako ng oras gamit ang cellphone ko.
Hindi pa natapos ang paglo-loading the Minecraft app ay nagulantang ako sa static na tunog na nanggaling sa speaker na sa pagkakaalam ko ay nakakabit sa hallway malapit sa room namin. Nasundan ang static noise ng boses ng isang lalaki na kunwari ay umubo na parang hinahanda ang sarili na magsalita.
"Good afternoon, students! To our beloved children of Silverwhite High School, you are all to proceed to the gymnasium later at 1 o'clock for the Welcome Program. Please bring your pens for the Club Registration that will proceed immediately after the aforementioned program. Thank you and God bless."
Nag-static ulit ang speaker bago ito tuluyang tumahimik. The announcement meant that there will be no more classes this afternoon. No more "introduce youself" at wala nang pakikipagplastikan sa advisers. This is good.
Hindi na ako nagpatuloy sa paglalaro ng Minecraft dahil nang tingnan ko ang oras sa screen ay 12:48 PM na. Sisimulan ko na atang maglakad patungo sa gym, sakto rin para ma-digest ang kinain ko. Around three minutes kasi para makarating ako sa gym kapag normal ang pace ko ng paglalakad kaya pwede nang pang-excercise.
Pero bago pa man makalabas ng room, sinigurado ko munang dala ko ang earphones ko. I am sure that I am not gonna be listening sa mga sasabihin mamaya sa Welcome Program, aside sa mga importante talagang information.
When I thought I was ready, lumabas na ako ng classroom at iniwan ang mga kaklase kong mukhang wala pang balak na pumunta ng gym. Sabagay, dalawa lang kaming bagong alsa sa batch namin kaya hindi priority ng mga kaklase kong old students na pumunta sa Welcoming Program. Kaming mga bagong students talaga ang dapat um-attend dito. Speaking of new student, nakalimutan ko ang pangalan at mukha ng kapareho kong bagong student sa STEM 12-C. I only remembered that she was a girl.
HABANG naglalakad sa pathway patungo sa gymnasium, pasulyap-sulyap ako sa paligid para tingnan ang mga studenyante ng Silverwhite SHS.
The old students were wearing the Silverwhite uniforms. Pares ito ng long sleeves na puti na may gray linings sa bandang pulsuhan at pleated skirt na kulay silvery-gray na hanggang tuhod para sa mga babae, although I can see some students na maikli ang cut ng skirts at meron ding lagpas sa tuhod. Sa mga lalaki naman ay slacks na silver-gray ang suot at naka-insert dito ang kanilang long sleeves. Mostly sa mga students ay nakasuot ng vest. Ang vest ay kapareho ng kulay ng skirts at slacks at mayroon itong nakadikit na logo ng Silverwhite SHS. Honestly, astig ang uniform at hindi masakit sa mata ang kulay. Sakto pa ang design para sa klima ng lugar. Malinis ding tingnan ang mga estudyanteng nakasuot ng uniform.
BINABASA MO ANG
EPHRATH
Mystery / ThrillerTeenage detective files. A written record of the adventures I've had with them. - Henriette, 2053 Category: Light mystery/thriller Language: Filipino-English