Chapter 3

4 2 0
                                    

Henriette’s PoV:

I looked at my wristwatch to know the time. It’s already 4:25 PM. Para naman atang ang bilis ng takbo ng oras. Bago kasi ako pumunta dito sa Senior building ay bumalik muna ako sa canteen kanina para bumili ng inumin. May natitira pang maliit na amount ng inumin na binili ko kaya inisang lagok ko nalang ito habang umaakyat sa hagdanan patungo sa third floor.

Ang Senior building ay may apat na palapag kaya kailangan ko pang dumaan sa mga palapag na ito para makarating sa rooftop. Wala kasing elevator dito sa school dahil parang walang budget ang committee kaya hagdanan lang ang tanging nagdudugtong sa bawat palapag. Hindi naman gano’n kataas ang hagdanan. Yung hagdanan mula first floor hanggang second floor ay may 22 steps at alam ko ito dahil binilang ko talaga.

Nang makaapak sa third floor, sinundan ko ang medyo may kahabaang hallway para marating ang kabilang bahagi nito dahil nandoon ang hagdanan para makarating naman ako sa fourth floor. Kung tutuusin ay nakakapagod ang placement ng mga hagdanan. Mukhang hindi siguro ito inayos ng architect kasi baka kinulang sa budget.

Habang binabaybay ang hallway ay tumingin-tingin ako sa mga nadadaanan kong classrooms. Sa unang room ay may mga students na nagkakantahan. Sila ang HUMSS 12-A. Kasunod naman nito ay ang room ng HUMSS 12-B.

Talagang binilisan ko ang paglalakad para hindi ako makita ng isang taong nasa loob ng classroom na ito. Dito nakatoka ang PopDev Club ayon pa kay Grace at wala akong balak na sumali sa club niya. Ayaw kong makita niya ako dahil baka mag-assume siya na ang club niya ang pinunta ko dito at ma-disappoint siya kapag nalaman niyang ibang club ang sasalihan ko.

Salamat naman talaga at hindi niya ako nakita. Busy kasi siya sa pagsasalita sa harap ng mga tao sa loob ng classroom na sigurado ay mga myembro ng club niya. Maraming mga tao doon kaya mukhang hindi malulungkot si Grace na hindi niya ako na-recruit.

Ang sumunod na classroom ay ang HUMSS 12-C. May iilang students sa loob na naglilinis. Walang club ang nakatoka dito kaya hindi na ako nagtagal pa at umakyat na sa susunod na floor kung saan ang tatlong section naman ng ABM strand ang nakapwesto.











NAGHABOL ako sandali ng hininga nang sa wakas ay narating ko na ang rooftop ng Sernior Building. Sinalubong ako ng may kalakasang hampas ng hangin kaya sandali akong napapikit para ramdamin ang dampi nito sa pawisan kong balat.

Nang magmulat ulit ang mga mata ko ay tinanaw ko ang kulay kahel at rosas na langit. Napakaganda nito at bahagyang gumaan ang pakiramdam ko dahil dito. 

Nang nakuntento ay muli kong tiningnan ang oras sa relo ko. Ensaktong 4:30 PM na. I feel a jolt of alertness and immediately scanned the whole rooftop with my sight. Baka natapos na ang registration dahil 4:30 na at nahuli ako. Nagtagpo ang mga kilay ko nang makitang walang katao-tao rito.

Natigilan ako at mabilis na naglakad-lakad, nagbabaka-sakali na nandito nga ang Science club. Hindi naman ako nabigo nang marinig ko ang mahihinang boses ng mga tao na galing sa kabilang bahagi ng rooftop, yung bahaging hindi agad makikita mula sa entrance door. Siguro hindi pa ako nahuli.

Nakalapit na ako sa source ng mga boses at nasilayan ko agad ang bulto ng dalawang tao.

May isang babaeng nakapamewang at naglalakad-lakad sa harap ng lalaking naka-squat sa sahig. Kilala ko ang lalaking iyon. It’s Einar. Malapit sa pwesto ng dalawa ay may isa pang parang tao na nakasakay sa hommack na nakatali sa malaking pipe at haligi ng rooftop. Hindi ko alam kung tao ba ito dahil hindi ito gumagalaw. Isa pa, naka-zip ang hammock at balot na balot ng nito ang kabuuan ng kung anuman ang nasa loob.

Sa hindi kalayuan ay may flasks at beakers na nagkalat sa sahig. Sa loob nito ay may iba’t ibang kulay ng likido. May maitim din na spot sa sahig senyales na may nagsunong sa bahaging iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EPHRATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon