CHAPTER 1

23 9 0
                                    

CHAPTER 1: IN A RELATIONSHIP

~JUSTINE POV~

"Kuya saan po ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta sumunod ka na lang" ang tanging sagot sa akin ni kuya.

Di ko alam kung saan kami Pupunta Wala rin idea si Jane,Maya maya lang ay na alala ko Na lang Kung saan patungo ito.

"Pupunta po ba tayo Kay Kuya Jack? " tanong Ko rito.

"Oo" tanging sagot sa akin Nito.

At bumaba na nga kami at nag lakad papunta kila Kuya Jack, pag dating namin sa bahay nila biglang sumigaw si Kuya.

"Bro Jack!" sigaw nito.

"Ohh Bro ginagawa mo rito" tanong nang isang kaibigan ni Kuya na si Shan.

"Mamaya ko nalang ipapaliwanag sainyo" sagot ni kuya.

"Sige,Bro ikaw bahala."

at lumabas naman si Kuya Jack.

"Ohh Bro pasok muna kayo" Pag papasok samin ni kuya Jack.

Pumasok na Kami at nilapag namin yung mga gamit namin sa isang bakanteng kwarto pagkatapos namin ibaba lahat ng gamit namin agad na man kaming bumaba para kumain.

"Dun nalang Kayo Kumain Sa Labas Kahit saan" saad ni kuya sabay bigay saamin nang pera.

"Sige po Kuya" lumabas na kami para pumunta ng Bayan para kumain.

~JOSHUA POV~

"Ano bro iinom na lang natin 'yan"Saad ni Shan.

"Sige ba" Sagot ko.

"Ako na Bibili Ohh"Saad Ni Jack.

"Sige sagot kona lahat" sabay kuha nang pera sa wallet ko.

Agad naman itong umalis para bumili ng alak.

At kami nalang dalawa ni Shan ang naiwan dito.

"Ano ba problema mo?parang wala ka sa katinuan tapos akala koba surprise mo yung Gf mo at family mo? ano ba ang nangyari?" Sunod Sunod na tanong sa akin ni Shan.

"Opss Bro mamaya ka na mag kwento Pag nag Start na tayo" agad na man akong napatingin kay Jack, sabagay malapit lang Sa Kanila yung tindahan kaya mabilis siyang nakadating.

Nilapag niya yung mga binili niya at binuksan niya ito, kumuha na rin siya ng baso nag simula na ito mag tanong.

"Bro, may problema ba?Kala koba surprise mo yung family at Gf mo?" tanong ulit ni Shan.

"Bro sabihin mo nga saakin nag kulang ba ako Sa mga kapatid ko? naging pabaya ba akong Boyfriend?Kaya lang naman akon umalis kasi kailangan ko makatulong sa Pamilya ko! Alam nila naman 'yun diba Jack?" sunod sunod Kona Tanong.

"Bro, hindi ka nag kulang at higit sa lahat hindi mo pinabayaan yung Girlfriend mo" napaiyak nalang ako at binigyan ako ni Shan nang isang baso na may laman na alak.

"Sige na Bro sabihin mona saamin yung problema mo."

"Si Jhonny, kasi nabuntis niya si Amie,."

"Bro! Bro!" sigaw ni Jack.

"Ohh ano problema mo?" tanong ni Shan.

"Si Jhonny,Kasi at Amie, naka in a Relationship na" saad ni Jack.

Mas lalo pang sumakit yung dibdib ko.

"Diba nila naisip ang nararamdaman mo?" saad naman ni Shan.

"Diko alam bro ang sakit sakit, sige na muna mag c-cr lang ako" pagpapaalam ko sa kanila pumunta na ako sa kusina nandoon kasi yung cr Nila habang papunta ako sa kusina ay may nakita akong lubid.

Napatitig ako sa lubid parang may mali sa iniisip ko wala na ata ako Sa Katinuan, bigla ko nalang kinuha yung lubid ako pumasok ako sa cr nila Jack, at agad ko itong itinali sa taas.

"Sorry mama at papa pagod na po kasi ako e" habang nakahawak sa lubid.

Sabay lusot nang ulo ko sa lubid, pumikit muna ako.

"Sana mapatawad niyo po ako sa gagawin ko," Sabay talon sa lupid.

~JACK POV~

"Bro ano 'yun?" tanong ko kay Shan.

"Di ko alam Bro" nagulat na lang ako nang biglang tumakbo si Shan papunta sa cr agad niya itong binuksan at nagulat kami sa nakita namin.

"Bro!!" tanging sigaw namin ni shan.

PURPLE_MOON18💜

"HULING SANDALI"(UNDER EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon