CHAPTER 2

10 2 0
                                    

CHAPTER 2

~JACK POV~
NANDITO kami sa hospital inaantay yung nurse na mag babantay kay Joshua, haynako talaga itong lalaking ito alam ko namang may problema siya pero wag naman sana ganto.

"Pasaway talaga itong tropa natin no'h" saad ni Shan.

"Kaya nga e' jusko kung hindi pa natin nakita 'yan siguro patay na 'yan" saad ko naman.

Maya maya lang ay may pumasok ng nurse, ang ganda ang kinis, halatang bata pa tapos yung buhok ang haba parang gusto kona laging dumalaw sa hospital na ito ah.

"Ah sir ako napo bahala sa pasyente pwede napo kayong umuwi" saad nung nurse, ang ganda pa ng boses.

"S-sige" utal na saad ko.

Lumabas na kami ng room ni Joshua, hinayaan nalang namin yung nurse ang magbantay sa kanya Mukha namang mapagkakatiwalaan. Maganda e.

~NURSE POV~
ANO kaya dahilan ng pagbibigti nito, may family problem? O kaya lovelife hays mga lalaki nga naman nang dahil lang sa lovelife nag papakamatay na ako nga wala pang Jowa.

Nakita ko 'yung cellphone niya na nakapatong sa center table. Agad ko itong kinuha at binuksan walang password kaya agad akong pumunta sa facebook account nito.

"Joshua San Agustin, naka in relationship naman siya pero wala yung name nung girl" saad ko at hindi ko napansin gising na pala siya Sh*t napag hahalataan akong pakielamera.

"Bakit hawak mo phone ko?" He said it in an irritable tone.

"N-nakita kolang po" utal utal na saad ko. Agad kong ibinaba yung cellphone niya sa Center table.

"Kahit na!" Pasigaw niyang saad.

"S-sorry po btw I'm nurse. Jessa bell Roselle" utal utal na saad ko. Napayuko nalang ako dahil sa sobrang  hiya at nakita ko rin siyang ang sama ng tingin.

Grabe naman parang sobra laki naman ng kasalanan ko ayoko pa naman sigawan dahil soft hearted ako mabilis akong maiyak.

"Hindi ako interesado" masungit niyang saad.

Simplikado nalang akong napangiti at pinipigilan ang mga luha ko, grabe ang sakit nun ah gusto mo lang naman tumulong tapos sisigawan kapa.

"Okay po" kinakabahan kong saad.

"Na offend kaba?" Tanong niya.

Biglang tumulo yung mga luha ko. Umiwas ako ng tingin sakanya habang pinupunasan yung luha ko muli akong tumingin sakanya sabay simplikadong ngumiti.

"H-hindi ok lang ako" nakangiting saad ko.

"Sorry"

"Okay lang sorry rin po sir nangielam po ako sa gamit ninyo" mangiyak ngiyak na saad ko.

"Hayaan mona" simplikadong saad niya.

Medyo mabait naman pala akala ko super sungit sayang gwapo pa naman hindi bagay sakanya maging masungit at cold mysterious person.

PURPLEMOON 💜

"HULING SANDALI"(UNDER EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon