Forever 1.

41 5 4
                                    


"Sa fiction na nga lang ba may forever?"

~Ever

1.

Hindi naman ako masokista pero wala naman akong choice e. Sa Edsa lang ako pwedeng dumaan. At sa MRT lang ang pinakamabilis na option. Masikip. Siksikan. Amoy pawis. Mainit. Pero ang totoo, hindi naman yan ang iniinda ko. Kayang tiisin ng katawan ko lahat ng yan pero 'tong mga mata ko hirap na hirap na. Kaliwa't kanan pagmumukha nya ang nakabalandra. Bakit ba naimbento pa ang naglalakihang billboards?

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko kahit nakatayo ako. Mayamaya naramdaman kong huminto sa pagtakbo ang tren at lalong uminit. Pagmulat ko ng mga mata muntik na akong mapamura, hindi dahil sa tumirik na naman kundi sa dalawang nakangiting mukha sa aking harapan. Tanginang MRT 'yan! Dito pa talaga dito pa talaga?!

2015 Summer Collection? Pwe. Kelan pa sya naging fan ng brand na 'yan at iniiendorse na nya ngayon?

"Ang cheap cheap ng tingnan ng mga damet dito di na tulad ng dati noh? Never akong magsusuot nyan panglakad. Pambahay pa pwede." Bulong nya sa akin habang magkaakbay kaming papalabas ng store na 'yon.

Lalong naginit ang dugo ko sa alaalang 'yon kaya muli kong ipinikit ang aking mga mata habang ang background music ay ang halin-hinang daing ng mga katabi ko.

"Tang*na init!"

"Lintek late na naman ako!"

"P*ta nagtaas ng pamasahe wala namang nangyare?!"

"Fault ni Pnoy 'to."

Ako? Wala akong time magalit o murahin ang gobyerno at baka maisumpa ko lang ang buong Pilipinas. Ano namang mapapala ko, di 'ba? Ikagagaling ba ng duguan kong puso 'yun? Hindi naman ako magkakaboyfriend. Hindi naman 'yun nakakaganda. Lalo lang akong masi-stress.

Hindi naman nagtagal at umandar na muli ang tren parang nananadya lang at saglit lang nasa Ortigas na ako. Paglabas ko ng station sa may pagbaba ng hagdanan may namimigay ng plastic na pamaypay. Lumapit ako at binigyan nya ako ng dalawa.

"Salamat." Nginitian ko ang babae pagkakuha ko at saka naglakad na ako papalayo.

Iniinit parin ako kaya nagpaypay na ako pero natigilan ako nang may mapansin ako. Nang may makita akong basurahan agad kong itinapon doon ang dalawang pamaypay. Kung lait-laitin nya cellphone ko noon kesyo jologs daw, local, pang-jeje, pangmahirap at walang class. Tapos ngayon number one endorser sya ng brand na 'yon? Sarap lang nyang patayin at pati ba naman sa pamaypay nageexist sya?

Pagkatapos kong maglakad ng ilang bloke narating ko rin ang building namin. Late na ako pero hindi naman ako masyadong nagmamadali kasi hanggang limang beses kami allowed na malate sa isang buwan at nakakaapat pa lang ako panglima ngayon kaya safe pa.

"Hoy Tonya bakit late ka na naman!" Bati sa 'kin ng officemate kong si Sara pagdating ko sa floor namin.

"Nagulat ka na naman?" Natawa ako sa kanya kasi palagi nalang syang ganyan tuwing male-late ako. Hindi na nasanay.

"Nasiraan na naman ang MRT?" Tanong pa nya habang nagtitimpla ng kape. Magkatabi lang ang aming mga cubicle.

Pinatong ko ang bag ko sa ibabaw ng side drawer at nagpalit ng sapatos. "Normal na 'yon masiraan.." Nasabi ko nalang. Tumayo ako papunta sa pantry para magkape na din pero pinigilan ako ni Sara.

"Wala kang karapatang magkape ngayong umaga." Sabay turo nya sa nakabukas na opisina ng boss kong kampones ni Taning. Isang demonyo. Balasubas. Hudas. Basta, demonyo!

Napahugot nalang ako ng malalim na buntonghininga. "Kanina pa ba 'yun dumating?"

Tumango lang si Sara habang nananakot ang mga mata.

Bumalik ako sa upuan ko at sinuklay muna ang bagong kulot kong buhok. Bagong kulay din. Copper brown. Nagpahid ako ng wet wipes para matanggal lahat ng alikabok na kumapit sa mukha ko saka hindi tumitingin sa salamin na nag-eyeliner. Expert eh. Pagkatapos saka ako nagpahid ng manipis na lipstick. Hindi talaga ako nagme-make up ng makapal at nakaka-blackheads lang.

"Aba Tonyah papagalitan ka lang nagpapaganda ka pa? Kanina ka pa hinahanap ni Papa D." Sabat ng bading kong officemate na si Garda. Hindi ko manlang namalayan ang paglapit nya.

"Yak." Tukoy ko sa pagbanggit nya ng Papa sa boss naming pangalawang kontrabida ng buhay ko.

"Pumunta ka na Tonya. Lumabas pa 'yon sa lungga nya eh madamay pa kami." Saka humagikhik si Sara na parang baboy.

"Oo na sasalang na." Iniwan ko na sila at pumunta sa office ni Sir Damon, ang boss kong demon.

Kumatok muna ako ng marahan sa pinto nyang bukas bago tuluyang pumasok. Hindi rin naman kasi sya titingin kaya hindi ko na hinintay na i-gesture nyang tumuloy ako.

"You're late." Sabi nya na hindi inaalis ang tingin sa laptop.

"Nasiraan po yung MRT eh." Umupo na ako kasi hindi naman ako nyan aalukin na maupo.

"Dati 'Traffic po sa Edsa.' Now you have a new alibi. What's next?" May ibinagsak syang folder sa harap ko.

Hindi ko na sinagot ang tanong nya at tiningnan nalang ang laman ng nasa folder. Pero halos mamutla naman ako sa nakita ko.

"Sir, we're getting this man to endorse our products?" Hindi ako makapaniwala.

Seryoso nya akong tiningnan habang nilalaro ang Cross ballpoint pen nya. "Yes and I want you to contact Chauser's management and set an appointment with our team."

Hindi na ako nakapagsalita.

"Don't mingle your personal issues with work, Antonia. Now call them and get the job done this time." Dugtong nya na may pasaring sa huling marketing plan na ni-proposed ko na pumalpak.

"Pero Sir, teen hearthtrob sya at sabong panglaba ang product natin-" Natigilan ako ng ma-realize ko yung unang sinabi nya. "-pano nyo po nalaman?" Gulat kong tanong.

"Antonia, you're the most hated person in social media. How can I possibly not know?" Nagtitimpi nyang sagot. Binagsak pa nya yung ballpen nyang sosyal.

Kung hindi lang masarap pakinggan 'yung pagbigkas nya sa pangalan ko kanina ko pa tinusok ilong nya. Kailangan ipagdiinan na marami akong haters?

"Okay Sir.. Yon lang po ba?" Kinuha ko na yung folder.

Tumango lang sya saka minuwestra ang kaliwang kamay sa pintuan. Bastos talaga. Pero sa iba naman hindi sya ganun. Medyo mabait naman sya sa iba.

Paglabas ko ng pinto napapaisip parin ako. Updated pala sya. Nagtu-twitter siguro 'yon. Hindi naman kasi halata.

"Uy girl, nood na tayo mamaya showing parin 'yung movie ni Chau-" Napatutup sa bibig nya ang officemate ko na si Linda nang makita ako. Pati mga kachikahan nya natahimik din.

Nginitian ko sila. "It's okay. You can say his name." Sabi ko kay Linda.

"Sama ka?" May pagkataklesa talaga itong si Linda kaya nginitian ko nalang sya ulet at hindi na sinagot.

Pagpunta ko sa cubicle ko nagkukumpulan naman sila sa cubicle ni Sara.

"Tingnan mo trending na naman si Tonya oh! Iba talaga pag isa kang tinik sa sikat na loveteam haha!"

"Kanina lang 'to ah! Haha iba talaga 'tong mga Chasers faster than the speed of light!"

"EHEM. EHEM. EHEM." Ibinagsak ko ng malakas yung dala kong folder sa mesa ko. Saka lang nila ako napansin at nagbalikan sa kani-kanilang pwesto habang si Sara naman e nagpipigil parin ng tawa.

"Girl wina-warning-an na kita, wag na wag kang magfi-Facebook at Twitter." Sabi pa ni Sara na sa totoo lang e hindi naman talaga nagbababala at kabaligtaran naman ang gustong mangyari.

"Enough Sara." May diin kong sabi.

Luckily, tinablan naman si Sara napansin naman siguro nyang mukha na akong pinagsakluban ng langit at lupa, ano yayanigin pa nya?

*laters* ((:

© 2015 tornbetweennolovers











 



For EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon