Forever 2.

35 4 1
                                    


"Hindi mo pa kasi natatagpuan 'yung ka-poreber mo kaya ayaw mong maniwala."

"Wala na kasi 'yung inakala mong ka-poreber mo kaya ayaw mo ng maniwala."

~Ever

2.

"Napaka-bitter talaga, it's 2015! Hindi pa ba sya nakakamove-on?!"

"@AntoniaR Nagpakulot ka pa talaga ah asa ka naman babalikan ka pa anyway bagay sayo. SALOT!!"

"Sya dapat ang itinatapon sa basurahan e Ampalaya lang ang peg. Literally and figuratively haha."

Yung iniinom kong Fit 'n Right halos mayupi na, napahigpit ang hawak ko pagkarinig sa huling binasa ni Renalyn sa laptop nya. Sya ang housemate kong hindi lumalabas ng bahay daig pa ang mga nasa Bahay ni Kuya. Aspiring Twitter sensation kasi kaya internet ang mundo nya. Tapos sya ng Journalism pero walang trabaho.

"Hahahaha I like that one!" Pagkasabi nun sabay sinayud nya ang kabuuan ko habang nakaupo ako sa sofa at nakataas ang mga paa sa center table. "Aist! Hindi ka na tatablan nyang iniinom mo. Alam mo yung ampalaya wala 'yung bewang. So are you."

I groaned. "Saan ko naman ibubuhos ang stress ko? Pagkain na nga lang ang kaligayahan ko!"

"Tingnan mo nga 'tong mga nagkalat mong picture sa internet. Antaba mo na. At saka ano ka ba? 'Di ba sinabi ko na sa 'yo wag ka ng gagawa ng kahit anong may koneksyon sa kanya alam mo namang marami paring matang nakasunod sa 'yo eh. At ngayon naman tinapon mo pa sa basurahan ang mukha nya."

"Kaya nga ako nagpakulot at nagpakulay eh kasalanan ko bang makikilala parin nila ako. At saka nagpa-pop up nalang ang pagmumukha nya kung saan saan I just acted on impulse!" Paliwanag ko kay Renalyn na self-proclaimed manager ko daw. 'The most hated girl in Philippine social media rightfully deserves a dutiful manager', sabi nya sa 'kin noon.

Napailing nalang sya habang mataman na nakatingin sa 'kin saka sya humarap muli sa laptop nya na nasa mesa katabi ng mga pinagkainan kong mga chichirya kanina.

"Anong tina-type mo?" Usisa ko sa kanya na kung mag-type e diin na diin talaga at may pag grit pa ng teeth. OA lang feel na feel ang pagiging manager kuno.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya dahil hindi nya ako sinagot.

Malakas kong binasa 'yung tweet nya,

"@ChasersOfficial kayo yata ang di maka-move on eh may private life yung tao alam nyo yun? Di sya artista tulad ng idolo nyo so back off"

Napangiti ako. "Woah. Isa pa. Lagay mo naman, 'Kayong mga panget na nagtatago sa fake accounts nyo, hanggang fangirling nalang kayo!'"

Tiningnan ako ni Rena ng masama. "Kaya ka bina-bash eh patola karin e noh. Gawa ka din kasi ng fake account para may supporter ka hindi 'yung lagi nalang ako. Nababawasan libo-libo kong followers sa t'wing pinagtatanggol kita e. Last na talaga 'toh." Bumalik ang tingin nya sa screen at chineck ang profile nya saka napasinghap sa nakita. "Ah! Pano na ako nito makaka-milyon!"

"Ano ka ba hindi ka pa ba masaya nyan! over 100K na nga followers nyang parody account mo!"

"Hindi mo naman ako katulad na kahit di ka na nagti-tweet at nagpo-post sa instagram e parami parin ng parami followers mo. The last time I check 1 million na instagram mo." Hindi ko maintindihan bakit parang naiinggit sya 'dun.

"99% 'nun haters." Sabi ko saka ako nagmamadaling bumalik sa pwesto ko kanina at excited na kinuha ang phone.

"Isang milyon parin 'yon." Pagpipilit nya pero sa totoo lang naexcite din naman ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon