Chapter 4

27 2 0
                                    

Harold Sa Pic

Nine's POV

Kapal ng mukha ng babaeng 'to ah. Babaan ako ng telepono. Sino siya sa inaakala niya. Aishh.

*tok tok*

"Nine! Tara, sama ka. Punta tayo kina Zach." Sabi ni Harold sa labas ng kwarto ko. Ayoko. Ayokong gumala. Prinoproblema ko pa kung pano ako makakaganti sa babaeng yun.

"Ayoko!" Sigaw ko.

"Sure ka? Sige aalis na ako" narinig ko na yung mga yabag niya papalayo.

Di ko inakala na magkapatid si Zach pati yung babaeng yun. Magkaiba sila ng ugali. Amazona yung babaeng yun. Pano kaya nakakaya ni Zachkrey makasama yung kapatid niya at----

TEKA! SAAN PUPUNTA SI HAROLD?! KINA ZACHKREY?! IBIG SABIHIN, ANDUN YUNG BABAENG YUN!

lumabas ako ng kwarto at hinanap si Harold. Nakita ko siya sa labas ng pinto ng bahay.

"Harold! Teka lang! Sasama ako! Hintayin moko, magbibihis lang ako!" Naguguluhan yung mukha ni Harold pero binalewala na lang niya.

"Okay. Nasa kotse lang ako" sabi niya tsaka lumabas na.

Umakyat agad ako sa taas at naligo. Nagbihis lang ako ng white tshirt tsaka jeans at shoes. Bumaba agad ako at pumunta sa kotse ni Harold.

"Tagal mo, bro" sinamaan ko siya ng tingin.

"Just drive" seryososong sabi ko.

"Okaaayy" na weirduhan siya. Pinaandar na niya yung kotse.

Ngayon, humanda ka sa akin Camille.

------
Camille's POV

"Camille, balak mo ba talagang mag mukmok dito sa bahay forever?" Sabi ni kuya sa akin. Nasa kwarto niya ako at humihiga sa kama niya habang siya eh may binabasang something.

"Kuya, first of all, walang forever kaya di ako magmumukmok dito habangbuhay. Second, di ako pinapayagan ni dad na lumabas and third, mainit sa labas." Natawa naman si kuya sa akin.
Minsan siraulo 'tong kapatid ko eh. Tumatawa eh wala namang nakakatawa.

"Hayy, bahala ka sis." Sabi niya. Pinagpatuloy na niya yung pagbabasa nang biglang may nag-doorbell.

"Baka sila Harold na yan. Hoy Camille umayos ka ahh." Wait sila kuya Harold?

"Kuya ako na ang magbubukas" sabi ko saka nagmadaling pumunta sa labas.

Binuksan ko yung gate at nakita ko si Harold MiLabs ko!!
"Hi Camille" sabi niya. OMO kinikilig ako!!

"Hi Camille" di ko pinansin yung bumati sa akin na isa pa. Masyadong seryoso ang buhay ko dito kay Harold MiLabs.

"Ahh Camille? Are you okay?" Bigla namang nagising ako sa katotohanan. Ano ba yan, nakakahiya.

"Ahh, oo. Halika" pinapasok ko siya.
Nasa loob na siya ng bahay at may tinawag siya sa gate, di pa nakasara yung gate. Nasa malapit naman ako sa gate pero seryoso akong nakatitig kay Harold MiLabs.

"Nine! Halika na! Pumasok ka na! Bilis!" Sabi ni kuya Harold. Titig na titig pa rin ako sa kanya.

"Oo nga Nine. Pasok ka. Wag kang mahiya" sabi ko pero nakatitig parin ako kay kuya Harold. Di ko alam kung sino yung Nine na yun pero titig na titig pa rin ako kay kuya Harold.

"Ok" sabi nung lalakeng kasama ni Harold MiLabs. Di ko tinitingnan kung ano ang itsura. Kay Harold MiLabs ako nakatingin.

Pumasok yung lalake sa bahay at sabay silang naglakad ni Harold MiLabs papunta sa kwarto ni kuya.
Sinara ko yung gate at pumasok sa bahay ng may ngiti sa labi.

Bawal MafallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon