Chapter 7

29 1 0
                                    

Camille's POV

Wait lang.. is this real?

Andito ba talaga si King sa bahay namin?

Teka, samapalin ko nga ang sarili ko.

Pak!

Aray! Totoo nga.

"Camille! Are you okay? Why did you slap yourself?" Lumapit si King sa akin at niyugyog ako.

"King... andito ka nga!" Sabi ko at niyakap ko siya. Yung sobrang higpit. Loko to ah! Ito pala ang sinasabi niyang surprise niya.

"Princess, Im here. And guess what, Im in a vacation!" Sabi niya at humiwalay sa yakap ko.

"Talaga?! Ibig sabihin nun, magkakasama pa tayo ng mas matagal?!" Excited kong tanong.

"Yah, haha." Sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Umupo na kami sa sofa at nagkwentuhan.
Maya maya ay dumating na si kuya na umiinom ng soda at napatigil ng makita niya kami. Or should I say, kay King.

"King!" Tumakbo si kuya papalapit kay King at nag bro fist sila. Psh, kuya.

"Kailan ka pa dumating, dude?!" Sabi ni kuya at umupo na.

"This morning. Actually, pumunta agad ako dito" nagkwentuhan pa sila kaya pumunta nalang ako sa kusina at naghanda ng meryenda.

Dito kasi sa amin, walang katulong. Kanya kanya. Sabi kasi ni daddy, tatlo lang naman kami kaya di na kailangan ng katulong.

Matapos kong maghanda ng meryenda ay pumunta na ako sala.
"Oh, meryenda" tapos nilapag ko na ang inihanda ko.

"Okay lang ba iyon, Zach?" Tanong ni King kay Kuya.

"Okay ang ano?" Tanong ko.

"Di ko alam, dude. Pag-usapan nalang natin 'to ng pribado" ookkaaaayyy. Anong pinag-uusapan nila?

"Ano bang pinag-uusapan niyo, kuya?" Tiningnan naman ako ni kuya at bumuntong hininga.

"Basta" pasimpleng sagot ni kuya at uminom lang ng juice.
Nakita ko namang ngumiti si King.

Okay, bahala sila kung ayaw nilang sabihin.

_
King's POV

Kanina nung naghahanda si Camille ng meryenda, I asked Zach if it's okay na ba kung manligaw ako kay Camille.

Yes, matagal ko ng plano ito at alam yun ni Zach.

Nung matapos kaming magmeryenda ay pumunta kami sa backyard nila Zach at pag-uusapan namin ang bagay na yun.

Bumalik ako dito for her, for my princess, for my Camille. Bata pa lang kami alam kong mahal ko siya. At nung nasa Canada ako siya lang ang nasa isip ko.

"Sinunod mo talaga ang plano ah?" Sabi ni Zach.

"Oo naman. I've waited a long time for this." Noon pa lamang, alam na ni Zach na mahal ko si Camille. At okay naman daw siya sa akin kung manligaw ako kay Camille PERO, dapat third year na si Camille. Kaya eto ako ngayon.

"Okay. Pwede kang manligaw sa kapatid ko. Matagal mo tong hinintay kaya sige. Pero binabalaan kita, 'wag mong sasaktan si Camille kundi bugbog ang abot mo sa akin" natawa naman ako kay Zach. Some things never change. He has always been a protective brother kay Camille bata pa lang kami.

"I won't hurt her. Mamamatay muna ako before that happened" sabi ko.

"Mabuti naman. So anong plano mo?" Napakamot naman ako sa ulo.

Bawal MafallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon