Chapter 5

38 3 0
                                    

Zachkrey sa pic.

Nine's POV

Inaamin ko, nakonsensya ako sa ginawa ko. Mababaw akong tao pero ayaw na ayaw kong nakikita ang mga babae na umiiyak. Nakita ko na si mama na umiyak at parang ako yung nasasaktan.  At kahit may kasalanan sa akin si Camille, babae parin siya. Pero there is no way that Im gonna stop my plan. Di lang ito para sa  akin kundi para na rin kay Zachkrey.

"Asan na ba si Steve? Ang tagal naman." Kanina pa nila hinahanap si Steve. Dun daw sila matutulog sa bahay nila. Pinasasama ako ni Harold kaya sasama nalanang din ako. Tutal, wala din naman akong ginagawa sa bahay.

Nag-inuman na sila. Ang aga aga inuman kaagad. Hindi ako umiinom ng ganito kaaga.

Bigla namang dumating si Steve.
"I am so sorry at nalate ako. May ginawa pa kasi ako" sabi ni Steve at kamot kamot pa ang ulo.

"What again? Nakipagdate ka na naman kay Eleanor? " tanong ni Gab habang tinataas baba ang basketball na hawak niya.

"Eh paano kasi, kung lasing nakikipaghalikan sa ibang babae hahaha!" Tumawa naman sila Zachkrey sa sinabi ni Harold.

"Kaya nga nakikipagbati ako eh. Kayo talaga" sabi ni Steve. Umupo siya sa tabi ko at kinuha yung beer.

"Oh? Zach, asan si Camille?" Tanong ni Steve.

"Andun sa taas eh. Nag-kaaway kami kanikanina lang kaya pinapalamig ko lang ang ulo niya." Tumango tango naman si Steve sa sinabi ni Zach.

"Oh ikaw Nine? What brought you here?" Madaldal tong lalakeng 'to.

"Dah-" di pa ako natapos sa pagsasalita nang biglang nagsalita si Camille na mula palang sa taas.

"Kuya, dun na muna ako kina Stacey. Bye" tapos bigla nalang siyang tumakbo papalabas. Stacey? Wow what a coincidence. Pero siguro di naman ata yung ex ko yun. Haha.

"Sino si Stacey?" Tanong ni Harold. Si Harold lang ang nakakaalam nun na niloko ako ng ex kong si Stacey.

"Ahh, kapitbahay namin." Sabi ni Zach. Tumango tango naman si Harold.

"Uy, we should go now. May bibilhin pa tayo para mamaya" sabi ni Steve. What? Aalis agad? Pano tong bahay nila Zach? Pano si Camille?

"Ahh sige ba!" Sabi ni Zach.
I can't believe this. Papabayaan niya lang ang kapatid niya mag-isa dito?

"Ha? Eh paano si Camille?" Salamat at natanong mo Harold.

"Eh kaya na niya buhay niya. Tsaka parang kina Stacey ata matutulog" wow Zach.

"Hah? Papab--" aishh! Ang ingay niyong dalawa.

"Magpapaiwan nalang ako dito at hihintayin si Camille. Susunod nalang ako sa inyo. Itext mo nalang sa akin ang address ni Steve" diretsong sabi ko. Natigilan naman silang apat pero maya maya eh natauhan din.

"Ahh okay. Sige sunod ka nalang. Yung kotse ko gamitin mo. Makikisakay nalang ako kay Zach." Sabi ni Harold at binigay sa akin yung susi ng kotse niya.

Inayos na nila yung mga kalat at nag-ligpit.

"Hoy. Ikaw na ang bahala kay Camille" sabi ni Zach.

"Oo naman" sabi ko.
Tumango lang siya at lumabas na.

Sumakay na sila sa kotse nila habang si Harold eh nakisakay nalang kay Zach.

Nung nakalayo na sila eh pumasok na ako at umupo sa sofa. Hihitayin ko nalang ang bratinelang amazonang babaeng yun.

"Aish ang tagal!" Kanina pa ako naghihintay dito!

Bawal MafallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon