Chapter 29: King

1.8K 84 23
                                    

[Chapter 29]

Kinagabihan. Muling nagtungo si Sarina sa lawa. Iyon na ata ang paborito niyang lugar sa loob ng palayso. Parang ito ang kaniyang naging pahingahan sa tuwing pinagbabagsakan na siya ng mundo.

Pinakalma niya muna ang kaniyang sarili saka niya binuksan ang kulay pulang kuwaderno. Kaparehong kapareho lang ito ng diary ni Azrael. Ang pinagkaiba lamang ay ang kulay.

Balak niya sanang ibigay na ito kay Mikael kahapon. Ngunit nagbago ang kaniyang isip nang makita ang nag-aalala nitong ekspresyon habang nakatitig sa kaniya.

Tila may dinadala rin itong problema kagaya niya dahil halata sa mukha ni Mikael ang pagkapuyat at stress. Kahapon niya lang din nalaman na noong umalis pala sa pwesto si Mikael bilang heneral ay bumili ito ng malawak na lupain at nagtayo roon ng malawak na hacienda.

Sa madaling salita ay nagtayo na lamang ito ng negosyo para mabuhay silang dalawa ni Azrael. At ngayon ay stress na stress ito dahil bigla na lamang daw nasira ang mga gulay at prutas sa hacienda sa hindi nila malamang dahilan. Halos kalahati ng mga prutas at gulay ay nasira. Ngayon ay pagod ito at stress dahil sa ginagawang pag-iimbistiga sa nangyayari. Naniniwala kasi ang mga trabahador pati na si Mikael na sinadya iyon at hindi lamang gawa-gawa ng kalikasan.

Kaya hindi na ito ginulo pa ni Sarina at hinayaan muna itong magpahinga at masolusyonan ang sariling problema at saka na siya nagpaalam na babalik nalang kapag nakaluwag-luwag siya.

Marami pang oras... Saad na lamang niya sa kaniyang isipan saka napailing at tinitigan na lamang ang hawak na notebook.

"Ruiz," basa niya sa unang pahina ng notebook.

Nang buklatin niya muli ito ay bumungad sa kaniya ang nakakalat na pangalan ng mga tao at sa itaas ng bawat pangalan ay ang kanilang pirma.

Napakunot ang noo ni Sarina sa nabasa. Is this a contract?

Muli niyang binuklat ang libro. Nakakunot ang kaniyang noo habang binabasa ang nakapaloob doon. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang mabasa ang laman ng unang pahina.

Unang pahina palang ito pero halos mawindang na si Sarina sa nabasa.

May nakadikit ding liham doon na talagang ikinalunok niya ng laway habang binabasa ito.

Ang nakapaloob sa unang pahina ay patungkol sa pag-transfer ng pera ni Haring Julio sa isang grupo para ipapatay ang isang tribong humahadalang sa kaniyang mga plano kaya hindi mapasakaniya ang lupain na pinamumunuan ng mga ito.

Hindi siya makapaniwa sa nabasa. Muli niyang tinignan ang sulat at binasa ito sa pangalawang pagkakataon.

Ika-1 Pebrero, 1800

Mahal na Hari,

     Amin nang pinatay ang lahat ng mamamayan ng isang tribo sa bundok ng Ilo. Sinunod namin ang iyong sinabi na itapon ang kanilang mga bangkay sa ilog at hayaan itong mabulok doon at ipakalat na isang sumpa ang naganap at pinarusahan ng isang diwata. 

     Malaya niyo nang mapapasakamay ang lupa. Aasahan namin ang salaping iyong ipinangako. Huwag niyo sana kaming bibiguin. Hindi kami nadadaan sa pakiusap, Mahal na Hari.

Diablo

Nanuyot ang lalamunan ni Sarina habang inililipat ang bawat pahina at habang binabasa ang mga nakapaloob doon.

Halos lahat ng nakapaloob sa notebook ay mga karumaldumal na krimeng ginawa ng mga Ruiz. Napakarami. Halos buong kuwaderno. Bawat pahina ay nakasulat doon ang krimeng ginawa ng mga Ruiz.

The Royal Chef (Silangan Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon