Prologue

2.2K 20 2
                                    

I never thought that love would be
Such a curiosity
What attracted you to me
Was so unexpected.

- Jim Brickman

KAORI LUNA MONTES

"What!? ".gulat na gulat ako sa sinabi ni kuya Sammie over the phone. Omg. How come I don't know about this? Sobrang occupied na ba siya this days?. Well kahit di naman magsabi sa kanya ang magulang even her own brother ay malalaman pa rin niya ito through news.
"Yes Kao. Got married yesterday. Wala na tayong magagawa dun. That's why I called you today its because I want you to come home. Walang ibang magmamanage sa ibang maiiwan sa negosyo while Im away. ", mahabang paliwanag ng Kuya niya. Why so sudden?.

Parang ang bilis naman ang pagpapakasal neto samantalang wala naman itong nababanggit na naging nobya pag nagkakakwentuhan sila. Yes he is in mid 30's pero never kong nakita si Kuya na nakikipag flirt sa mga babae. Gwapo si kuya kaya nga habulin siya e. Mga babae na ang naghahabol dito. Pero mga papeles at computer lagi ang kaharap nito.

Not unless it's my Mom's decision. Well, hindi na ako magtataka sa part na yun. Mas mahal nga ng magulang namin ang mga negosyo nila kesa sa amin na mga anak nila.

"So uuwi ka na bukas Kaori",pagdedesisyon ni kuya Sammie.

"Kuya naman why so sudden? Akala ko ba mgpapakasal ka lang kung mahal mo na ang isang babae? Aba wala kang nakukwento sa akin na naging girlfriend mo eh.", sumbat niya dito.

"Its doesnt matter now Kaori. It is also may decision. " mababakasan mo ang inis sa tinig nito.

"Is it Mom?, kuya? ", simpleng tanong niya dito. Gusto lang niyang iconfirm kung totoo nga.

Mahabang katahimikan bago to umimik. "Ayoko muna itong pag-usapan ngayon,ang mahalaga ay ang pag-uwi mo".

Wala talaga siyang mahihita dito na sagot. It's like may nililihim ito sa kanya.
"Kuya alam mo naman diba? Hindi ako basta basta makakauwi hangga't hindi sinasabi ni Mommy". Buntung hininga siya ng maalala ang kanyang ina. Kasalukuyan kasi siyang nasa Spain. At dito siya nag aaral. Sa totoo lang sa tatlong taon niya dito sa Spain ay labis labis na ang pangungulila niya sa mga ito. Pero wala siyang magagawa. It's her mother's decision. It's because of that incident. Insidenteng hinding hindi niya makakalimutan kahit kailan. There is a pang in her chest kung naaalala niya ito. Ang alam ni kuya ay simpleng pag aaral lang ang dahilan kung bakit siya andito. Kung alam lang niya.

Umpisa na ng Semestral break nila ngayon pero heto nga at pinapauwi siya.

"I already talked to them. Okay na sa kanila na umuwi ka.  Okay na lahat, Kao.  Desisyon mo na lang ang kulang." Lol. Nag aalanganin siya sa sinabi ni kuya.  Tho kapag si kuya ang nagsabi ay hindi talaga to nagbibiro.  "But.  Sa amin ka uuwi ng Ate Keziah mo at lilipat ka na ng paaralan dito sa Pilipinas. "

Napapikit siya ng mariin.  Here we are again.  Hanggan kelan ba siya mamanipulahin ng mas nakakatanda sa kanya sa pamilya nila.  Hindi na ako bata for petes sake! Hanggang kailan ba maging sunud sunuran sa lahat ng utos nila.  Okay na nga ako dito sa Spain.  Nananahimik na ang buhay.  Then bigla biglang ganito na naman.

"Kuya pwede namang sa mansion na lang-"
Pinutol agad ni kuya ang sasabihin ko sana.
"Its Keziahs decision.  My wife. " himig seryosong sabi ni kuya.  Oh really. At ano na naman kayang rason bakit asawa niya may desisyon.  So kailangan ko na bang ilipat ang korona ng pagiging ina ni Mommy sa sister in Law ko na yan?

"Whatever kuya. I'll think about it." Kahit pa kung sino ang magpapauwi sa kanya ay di siya uuwi. Kahit pa ang asawa nito.  Bahala siya.

"Kahit pa sabihin kong umuwi na si Charlotte?"
Napipilan siya sa binanggit na pangalan ng kuya niya.

My Sister in Law (gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now