CHAPTER 19

544 21 1
                                    

KAORI LUNA MONTES

So this is it! Punong puno ng tao ang buong gym pati na rin sa labas ng University dahil ito na ang pinakaaabangan nilang lahat. Ang battle of the band. Actually ito talaga ang dinarayo sa University nila. Lalo pa at inoopen ang gate for outsiders. But of course dinodoble  pa rin ang sekyuridad ng buong University lalo na at may mga bisitang mga kilala sa larangan ng industriya sa negosyo at politika.

Kumpleto ang mga kaklase nila na halos hindi magkumahog sa pagchecheer. Pati na rin ang buong barkada. Na hindi niya alam kung may alam ang mga ito na kasali siya sa isa sa magpeperform mamaya. Pero mukhang wala naman atang idea sa pagkakasali niya sa battle of the band.

Actually may final performance siya mamaya na siya mismo ang nasa drums habang maglelead sa vocals. Medyo hirap nung una sa practice pero nagamay niya rin. Gusto niya kasi ay maiba naman ang estilo nila na sinang ayunan naman ng kabanda nila.

Ang mga visitors and professors at mga VIP's na siyang nagsisilbing judge sa araw na iyon ay nasa first row din na medyo malapit lang sa stage. Kaya lalo siyang kinakabahan. Lalo na at first time siyang magpeperform sa maraming tao. Iba pa rin talaga ang kaba pag mismong araw na.

Nakamask siya ngayon kaya hindi siya makikilala. Aalisin niya lang ito mamaya pag magpeperform na sila.

"Okay Ladies and gentlemen! Ready na ba kayong mapakinggan ang nagagandahang boses ng ating mga banda sa ibat ibang departamento?!!" Si Larisa na siyang emcee sa araw na iyon.

"Will our back to back Champions from Business Ad will remains the Champion or will other departments snatch the highlights of our Champions Last year. Dahil alam naman nating unanymous hanggang ngayon kung sino ang lead vocalist ng departamento nila."

Matagal na ngang bulung bulungan kung sino ang lead vocalist ng department nila na sinasagot naman ni Kriz na yun daw surprise during the performance. Mabilis ngang kumalat sa campus na baka hindi na sila ang magiging champion this year. Na hindi na lang nila pinansin. Dahil mas marami pa rin ang naniniwala sa kanila. At yun naman talaga ang mahalaga.

Kanya kanyang cheer ang mga students pag natatawag ang mga kani-kanilang department. Pero mas nanaig ang department nila dahil nga sa may dala dala pa ang mga ito na drum na siyang nagpapaingay sa buong gym. Nagpapasimuno ang grupo nila Michelle sa kaingayan ng section nila na tinatawanan pa talaga ni Kriz.

"May we hear the opening remarks, unfortunately our beloved President is busy, and he officially proxied with the most gorgeous, talented, our very own Professor Kezia Amarah G. Montes."

Napatiimbagang siya sa narinig na apelyido ni Amarah. She's literally now a Montes but the reason is not me! But with my very own brother!. Ang sakit sa puso sa totoo lang.

Ganun pa man ay halos mahulog ang panga niya sa kasuotan ng Mahal  niya. A backless black gown na may mahabang slit sa kaliwang binti nito na kita ang mapuputi nitong legs. Habang nakalugay ang buhok nito na binagayan ng napakaganda nitong mukha. Napakaelegante nito sa kanyang suot. Parang nakakahiyang tumabi dito dahil magmumukha ka lang basahan.

Wala na dito ang bakas na nangyari lang nung isang linggo. At tatlong araw na rin niyang ilang beses itong tangkain na kausapin ngunit lagi itong may kasama o di kaya ay natataong wala ito at nasa out of town meetings. Malakas ang pakiramdam niyang iniiwasan siya nito. At kung ano man kanyang rason sana naman magawa muna siyang pakinggan.

"Okay may we call on the first performer from our newbies. The Rockstar Band!"

Dahil napahaba ang kanyang pgmumuni muni ay tapos na pala si Amarah sa kanyang speech. Kaya naman ayun na naman ang kaba ng dibdib niya.

My Sister in Law (gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now