CHAPTER 27

535 16 0
                                    

SOMEONES POV

Pagpasok sa bahay ng mga imbitado sa okasyong iyon ay mahahalata mo na ang bigat ng hangin. Dahil hindi naman ito talaga isang okasyon na karaniwang dinadaluhan ng mga maykaya. Kumpleto ang buong pamilya.

Mababakasan kung gaano kasaya ang taong nasa wheelchair na prenteng nakaupo habang pinagmamasdan ang mga pamilyang parang may kung anong lamay na dinaluhan.

"Bueno, para matapos na ang lahat ng ito." pasimula nito. At sinenyasan ang isa sa kanang kamay nito. "Isang kontrata para sa dalawang taong maililigtas."

"I need an assurance that my daughter would be safe anywhere she wants to go IF I am going to sign that contract." hindi naman patatalong sabi ng Ginang.

"Hindi pa ba assurance na hanggang ngayon hindi pa namin ginagalaw ang anak mo sa labas? Gusto mong matuldukan na ito, hindi ba? So this is what I wanted!"

Natahimik ang lahat sa sinabi ng matanda. Akalain mo iyon, na ang malapit nilang kaibigan ay ang magdodown sa kanilang pamilya. Kailan lang nila ito nalaman ng sunod sunod na death threat ang natatanggap nila. Tuso lang ito dahil maraming alas itong hawak kaya hindi sila nakaalma.

Ang isang pamilya ay tahimik lamang sapagkat alam naman nilang kapag nagsalita sila ay baka sila ang mapagbalingan ng galit ng matanda lalo na't apo pala nito ang nawala.

"Mom, ako na ang pipirma. Basta pagkatapos sana nito ay hindi na ninyo babalikan ang asawa ko at kapatid ko. Masakit sa akin na kailangan kong isakripisyo ang pagiging magkapatid namin para dito. Pero mas matimbang pa rin ang buhay nila kesa sa kayamanang kaya naman naming bawiin ng ilang taon."

"Hahahaha! I like your guts, hijo. Hindi talaga ako nagkamali sa iyo. Sayang nga lang at nasira ang pagkakaibigan ng pamilya natin dahil sa isang trahedya." biglang bumagsik ang mukha nito na nakatingin sa kanina pang babaeng walang humpay ang luha at tahimik lamang nakayuko. "Pero napapag-usapan naman. So ngayon dahil sang ayon din naman ang anak mo kumpadre! Wala na sigurong problema?"muwestra nito sa isang papeles.

Walang nagawa ang mga tao sa bulwagang iyon kundi ang pumirma.

Tuwang tuwa naman ng matanda dahil sa isang iglap ay mapapasakanya na rin sa wakas ang negosyong matagal na niyang gustong makuha.

Pagkatapos pumirma ay ang matanda naman ang pumirma kasama ang anak nitong wala din namang nagawa dahil utos ito ng kanyang ama, sa papeles na  ginawa ng family lawyer ng kabilang pamilya.

"Sa muli nating pagkikita kumpadre, kumare! Hahahaha!"

Saka ito umalis kasama ang mga bodyguards nito.

Naiwan naman ang dalawang pamilyang nahahati sa dalawang damdamin. Galit at pagtitimpi ngunit ipokrita kung sasabihing hindi nila madama ang saya dahil ng inaasam na kalayaan ay natamo na nila.

Sa isip ng isa sa matanda. "Darating ang araw ibabalik din sa amin ang lahat ng kinuha mo. Tuso ka kung kumilos pero mas tuso ako. Araw mo ito ngayon. Sa susunod hindi na. Dahil ang mismong tagapagmana ang sisingil sa iyo."

--@@--

After One month..

"Anak, magpahinga ka muna." pansin nito kay  Amarah na nakatingin sa kawalan.

"Mom, ang sakit. I can't bear to watch her in pain. I wrecked her again." sabay ng pagbalong ng luha nito.

"Tama lang ang desisyon mo anak, may mga bagay na kailangan nating sundin kung ano ang mas makabubuti sa inyo. Maaaring hindi ito ang tamang panahon para sa inyo. Siguro mag focus ka muna sa sarili mo. You have to be strong for her, and when the time is come. Both of you are strong and able to endure all the pain. Dahil kung hinayaan mong magdesisyon kayo bugso ng damdamin ay baka isa sa inyo ang mawala anak. Hinding hindi namin iyon kakayanin. Minsan ka ng nawala sa amin, and that would be the last dahil gagawin namin ng Daddy mo ang lahat para sa inyo ni Yvonne lalo ka na anak, ang dami mo ng pinagdaanan."

My Sister in Law (gxg) (Intersex)Where stories live. Discover now