Chapter 3- Difference between a Ferrer and a Mendoza part 2

18 0 0
                                    

"Ma'am Decie pinapatawag po kayo ni Sir Jan. Kakain na daw po."

"Sige po Manang bababa na po ako."

Namiss ko humiga ng kama ko kaya siguro napahaba ang tulog ko. It's past 11 in the morning brunch na naman ang gagawin ko nito.

"Hi baby. Sit down and let's eat na. I told manang to cook all your faves so eat as much as you want."

Sobrang sweet talaga ni Kuya Jan. Hindi masasagi sa isip mo na pagdating sa ibang bagay eh malademonyo yang si kuya. Ika nga. "A devil in a white coat" yan hahaha.

"Thanks kuya. By the way? Asan yung iba? Hindi ba sila sasabay sa atin kumain?"

"Kanina pa sila nakaalis baby. Inintay lang talaga kita magising para masamahan kitang kumain. Siya nga pala. Tungkol sa request mo kagabi."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Kuya. So do I.

"As what you have requested na pull out na nila ang mga stocks nila. And guess what? Mabilis pa sa alas singko eh they ask for a meeting. Eh ang mga kapatid mo pa naman masyadong masunurin kaya sinabi nilang wag nalang. The decision is final. So they ask me kung pwede ba nila akong makausap. Pumayag naman ako. And we will have a dinner meeting later baby."

"Really kuya! Thank you! Your the best kuya in the world talaga!"

With matching hug pa yan ha? They never failed to make me happy. Kaya minsan napapaisip ako kung bakit umalis pa ako samin eh. Eh lahat naman ng luho ko nakukuha ko.

"The dinner will be held in August's restaurant. I can drive you there if you want."

"No kuya. I'll ask Kuya June to fetch me nalang dito later then makikipagchikahan muna ako kay Kuya August sa kitchen mamaya."

"Kakasabi mo lang sakin na ako ang favorite mo tapos ganyan. Nakakapagtampo ka na baby ha?"

Hahahaha ang cute talaga ni kuya magtampo.

"Sige na kuya. Madami ka pang pasyente na aasikasuhin sa hospital. Umalis ka na."

Pagbubugaw ko sa kanya. Eto naman si kuya lalong sumama ang mukha.

"Pinapaalis mo na ko agad. Sige na nga. Tatawagan ko nalang si June na sunduin ka dito 4 pm sharp. Magiingat ka baby ha?"

"Of course kuya. Di naman ako pababayaan ni Kuya June."

"Sayo may tiwala ako. Pero kay June wala." Tamo tong si kuya. Hahaha pinaglihi talaga sa sama ng loob lukot na lukot na talaga ang mukha. Pag ganyan ng ganyan to di to magkakaroon ng asawa eh.

"Text me if dumating na si June. Bye baby."

I kissed him sa cheeks. At umalis na si kuya. He handle the hospital kasi. Natapos na din naman ako kumain so maliligo narin ako.

Habang naliligo ako at magaayos ng sarili ko. Syempre dapat presentable ako mamaya.

I'm gonna make kwento na muna. (Ewww you're so conyo kaya) tahimik ka nga author. Sige ka di ko ipapahiram sayo si kuya Sept. (Shh eto na nga tatahimik na)

Ayun nga. Ikukwento ko ang family namin.
We have 2 wonderful parents. Si James Alfonso Mendoza and Celestine Angelica Lopez-Mendoza

They are outside the country making babies este managing the business outside the country.

Hindi naman sila mahilig maganak. Kaya kakaonti lang kami. We are only 12. Ang onti diba? Kumpleto na basketball team.

First son January Ezekiel Mendoza. 28 years old. The best doctor in the whole country. Baka nga in the whole world pa eh. Nasabi ko na bang pinaglihi yan sa sama ng loob ni Mama? Ayaw pa kasi ni Mama na magkaanak in the age of 20 eh si papa ayaw ng pakawalan si mama kaya ayun pinikot si mama inanakan para wala ng takas.

The Perks of being a MendozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon