Chapter 7

10 0 0
                                    

I grabbed my phone. Tanghali na pala napahaba na naman ang tulog ko.

What the!

21 missed calls
51 texts

Seriously?

Tiningnan ko yung messages and missed calls. Puro kay Angel galing.

Oi babaeng biniyayaan ng mga gwapo at yummy na kuya. Pakitandaan po ang pupuntahan natin bukas! Bibili po tayo ng gamit para sa project natin!

Alas nwebe na! Aba wag mong sabihing tulog ka pa! Sagutin mo kaya mga tawag ko!

Susugurin na talaga kita dian! Ng masilayan ko na din si August kyahhhh! Oi bruha! Nagugutom na ko dalian mo naman!

Puro ganon lang ang text niya minsan double send minsan naman putol putol

Nakalimutan ko nga pala na may lakad pala kami ngayon.

Habang iniiscroll ko yung messages and missed calls. Merong nahagip ang mata ko na unregistered number.

+63905*******

There's too much to say but lesser time to make you turn this way.

There's too much to say but lesser time to make you turn this way?

Ano to? Ang lalim naman. Matalinghaga tong nagtext na to. Malalim pinanghuhugutan.

Sino naman to? Ni hindi man lang nagpakilala.

Nagayos na din ako ng sarili. Mga 45 minutes nakadating na ko kila Angel. Nagpahatid ako kay Kuya June nagmamadali na din kasi ako. Nagiging personal driver ko na si Kuya ah! Hahahaha

Inabutan ko naman si Angel na nasa labas. Di mo maestimahan ang mukha.

"Aba! Babaeng to! Anong oras ang call time! 9 am! Anong oras na mag aalas dose na! Sa yaman niyong yan sira pa ang orasan niyo sa bahay niyo?!"

"Sorry na besie. Bawi nalang ako sayo ngayon. Sorry talaga."

"Aba dapat lang talaga na bumawi ka! Pagintayin mo ba naman ako ng ilang oras dito sa labas! Siya siya halika na nakakaimbyerna ka!"

Hahaha alam ko namang di ako matitiis ni Angel eh.

Nagcommute lang kami. Wala pang isang oras nakadating na kami sa shop. Ayon habang namimili napagkwentuhan namin ni Angel yung nangyari kay Ferrer. Kawawa nga daw at basag na basag ang mukha. Ayon nasa ospital daw nagpapagaling.

Aba kasalanan niya yon! Makipagaway ba naman kay Seb malamang manghihiram siya ng mukha sa aso.

Naalala ko na naman yung sinabi ni Seb kagabi.

I love you RiRi

I love you RiRi

I love you RiRi

Shemay! Malandi ka! Dapat ngayon di ka natutuwa eh! Dapat nalayo ka ano ka ba naman Desyembre!

Nagiinit ang pisngi ko pag naalala ko yon. Kanina pa pala ako tinatanong ni Angel kung anong IC yung bibilhin namin.

"Ay I love you too!"

Napasigaw nalang ako kasi bigla niya akong binatukan.

"Anong I love you too! Oi babae kanina pa kita tinatanong kung 555IC yung bibilhin o 4017!"

"Ahh pasensya na. Parehas natin kaylangan yon."

Nakatingin saking nagtataka si Angel. Kahit naman ako nagtaka eh. Dyusmiyo Rodriguez! Anong ginagawa mo sakin!

The Perks of being a MendozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon