"Lu-lumayo ka sa akin" papalapit ng papalapit sa akin ang babaeng aking kinaiinggitan.
"Why would I? Lapit ka ng lapit sa kanya! DAPAT SAYO MAMATAY!" ngumisi siya sa akin at akmang sasaksakin na ako.
"Please. Noo!"unti unti akong umatras hanggang sa may nakapa akong bubog sa aking likuran. Hinawakan ko iyon ng mariin.
"AAAAAH!"sigaw niya habang papatakbong lumapit sa akin.
Nanginginig kong iniangat ang kamay kong may hawak na bubog. Nang nakalapit na siya ay umiwas ako sa pagsaksak niya ngunit nadaplisan pa rin ang aking braso. Itinarak ko sa kanyang dibdib ng mariin ang hawak kong matalas na bagay.
Humawak siya sa aking kamay. Saka ko lamang naunawaan ang aking ginawa. Tumayo ako at tiningnan ang mga kamay kong may bahid ng dugo.
"A-anong nagawa ko?"tanong ko sa aking sarili.
Paano ko nagawa iyon?
Lumingon ako sa babaeng naghihingalo sa aking harapan. Tinalikuran ko siya at patakbong umalis papalabas ng aking condo.
Kasabay ng sunod-sunod na patak ng aking luha ang iba't-ibang katanungan sa aking isip.
Bakit? Bakit ko nagawang pumatay?
Dumiretso ako sa parking area. Nandun siya nakangiti sa akin. Ngunit napakabilis mawala ng perpekto niyang ngiting iyon at parang alam na niya ang nangyari. Marahil nakita niya ang mga dugo sa aking katawan.
Patakbo siyang umalis. Pupuntahan niya ang babaeng aking pinatay.
Paano pa niya ako magugustuhan? Kung ako mismo ang pumatay sa babaeng kanyang minamahal?
BINABASA MO ANG
My Husband's MYSTERY
Mystery / ThrillerPaano kung aksidente mong napatay ang iniibig ng taong iniibig mo? Mamahalin ka pa rin kaya niya? O nais niyang mawala ka na rin sa mundong ito?