A/N: Yan tutal may 6 comments na. XD
Maga-update na ako.
Hi nga pala missEvan021 ^^
Salamat sa pagbabasa kahit napilitan lang ata kita? May bago ka na kasing bc. XD Pero salamat kasi tinanggap mo pa rin yung ginawa ko.
----------------------
Naayos na ang lahat matapos ang nangyari kanina. Nahiwagaan lang ako dahil hindi ko malaman ang dahilan kung paano nakapasok at mabilis na nakaalis yung nagtangka sa buhay ko.
Pilit kong iniisip kung may nagawan ba ako ng kasalanan bukod kay Raven. Pero wala talaga eh.
"Ito naman anak yung tinatawag naming laboratory"inakbayan ako ni dad at itinuro yung lugar na puro liquids at kung ano-ano.
Nandito kami sa akala ko nung una factory pero hindi pala. Secret pala ang lugar na ito. At ngayon ko lang nalaman na ganito ang pinagkakakitaan namin. Nakakastress tuloy.
Kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin si Raven. Pero, napakasama ng tingin niya sa akin. Siguro, ayaw niya akong makasama.
"Dad. Pwede bang ako na lang magtour ng mag-isa?"tanong ko at nginitian siya ng napakatamis.
"Kaya mo na ba anak?"tanong niya sa akin.
"Yes naman dad"sabi ko sakanya at kumindat.
"Mag-ingat ka ha?"sabi niya at ginulo ang buhok ko.
Pumunta ako sa isang room na pure white. Pumasok ako doon at pinagmasdan ang buong paligid.
Anong klaseng kwarto ba ito? Para saan kaya to?
Humiga ako sa kulay puti at malambot na kama.
Unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mata na naging dahilan upang ako ay makatulog ng mahimbing.
RAVEN'S POV
Pangalawang ikot ko na dito sa buong lugar na to pero hindi ko pa rin nakikita yung babaeng yun. San ba kasi yun nagpunta? Ako pa tuloy ang napag-utusan na humanap sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman kanina. Matutuwa ba ako dahil muntik na siyang mamatay? O maaawa pa rin kahit papano.
Sinubukan kong buksan yung mga test room ng isa-isa. Nakaka-kalahati na ako pero wala pa rin siya.
Bakit sa dinami-dami ng babae siya pa talaga ang ikakasal sa akin? Hindi ako papayag. Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal.
Isang kwarto na lang ang natitira. Pagkabukas ko, nagulat ako sa nakita ko.
Nakamulat ang mga mata niya pero hinang-hina siya. Tumingin siya sa akin at tila nagmamakaawa.
Nagdadalawang isip ako kung aalisin ko ba siya dun o hindi na. Tutal pinatay niya naman ang babaeng pinakamamahal ko nararapat lang sa kanya yan. Taimtim ko lang siyang pinagmamasdan.
"EUNICE!"dali-daling pumasok si tito sa kwarto at agad siyang inalis doon.
"Anong nangyari sa kanya Raven?"tanong sa akin ni tito.
"Kararating ko lang tito. Nakita ko siya na ganyan dito"sabi ko at umalis na.
Kulang pa sa kanya yun. Siguro, karma na sa kanya yung mga nangyayari ngayon.
Wala pa nga akong ginagawa na pagganti pero may iba ng gusto siyang patayin. Pero parang tanga lang yung gusto siyang patayin. Gagawa na nga lang ng plano. Pang-bobo pa.
Nabangga ko ang isang lalaki at kumalat ang likido niyang dala.
Sumakit bigla ang ulo ko at bigla na lang nagdilim ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
My Husband's MYSTERY
Mystery / ThrillerPaano kung aksidente mong napatay ang iniibig ng taong iniibig mo? Mamahalin ka pa rin kaya niya? O nais niyang mawala ka na rin sa mundong ito?