CHAPTER 4

21 0 0
                                    

Raven's POV

Nagising ako sa isang silid. Test room to.

Teka? Bakit ako andito?

Lumabas ako sa loob ng kwarto at tumingin sa paligid.

Nakakapagtaka. Naglibot ako at napatigil ako sa Patients room. May nakita kasi akong babae na nagwawala. Kawawa naman siya. Siguro isa siya sa mga inexamplelan.

Lumapit ako sa kanila. Nagkatinginan kami ng babae at napatulala ako sa kanya.

Singkit ang mga mata niya pero makikita mo doon ang galit. Maganda siya. Napatingin siya sa akin. Napatigil siya sa pagwawala.

"Raven"hindi ko alam kung bakit niya ako kilala pero kusang lumapit ang mga paa ko papunta sa kanya.

Niyakap niya ako agad at sinuklian ko rin iyon.

"*sniff* Sorry na Raven. Sorry. *sniff*"hindi ko alam kung bakit niya ako kilala.

Pero pagkatapos naming maghiwalay pinunasan ko ang luha niya.

"Kung ano man ang nagawa mo sa akin ayos lang. Hindi kita iiwan. Palagi kitang babantayan"halos lahat ng nasa silid ay nagulat sa sinabi at ikinilos ko. Hindi ko alam kung bakit. Kahit ang babaeng ito na nasa harap ko ay nagulat rin.

"Hindi ka na galit sa akin Raven? Kahit..." pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Tahan na. Hindi ako galit."niyakap ko siyang muli at hinagkan sa noo.

"Raven. Mag-usap muna tayo sa labas"sabi ng lalaki sa akin na sa palagay ko ay ama siya ng babaeng iyon.

Lumabas kami sa kwarto at naglakad-lakad.

"Bakit niyo po ako kilala?"tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo niya at tumawa.

"Wag mo nga akong lokohin Raven"noo ko naman ang napakunot ngayon.

"Hindi po ako nagbibiro sir. Hindi ko nga rin po alam kung bakit ako andito ang huli ko lang po kasing natatandaan ay may dinala po akong babae sa ospital"

Napaseryoso siyang muli.

"Ganun ba? Nagbibiro lang ako"nagngingiwing sabi niya.

"Saan ka ba galing kanina bago ka magtungo sa Patients room?"tanong niyang muli sa akin.

"Galing po ako sa test room. Buti nga po at walang gamot yung room na yun. Nakatulog lang po ako kanina"paliwanag ko.

"Ah ganun ba? Ako si Luis Baxter. Tatay ni Trexia. Hahanapin ko muna ang tatay mo at may pag-uusapan pa kami."tumango lang ako at nakipagkamay sa kanya.

Agad akong pumunta sa room ni Trexia. Yun pala ang pangalan niya.

-----

Pagkadating ko sa kwarto niya ay mahimbing siyang natutulog doon.

Umupo ako sa isang couch at sumandal. Akala ko ba hindi pwedenv mag-examine ng babae dito? At anak pa ni Mr. Baxter.

Naguguluhan ako.

-----

Maya-maya pa ay nagising na rin siya. Lumapit ako sa kanya.

"Hi"bati ko sa kanya.

"Hi Raven"masiglang bati rin niya.

"Bakit ka nandito sa patient's room? Isa ka ba sa ine-examine nila?"tanong ko.

"Hindi. Diba alam mo naman yun? Dahil lang yun sa katangahan ko diba? Kaya nga hindi mo ako pinansin kanina"natatawang sabi niya.

"Hindi kita pinansin? Natutulog lang ako kanina sa isa sa mga test room. Baka di ako yun."sabi ko sa kanya.

"Ah. Baka kasi nga kakaiba yung gamot. Hindi ko kasi alam. Teka."napatigil siya at agad akong sinuri.

"Bakit?"tanong ko.

"Bakit kinakausap mo ako ngayon?"tanong niya.

"Dahil isa kang magandang binibini. Ikaw lang ang nilapitan kong babae"napangiti siya sa sinabi ko.

"Niloloko mo ba ako? Hahaha. Bukas na nga natin pag-usapan yan kasama sila Tito. May family outing daw tayo"sabi niya.

"Good"nangingiting sabi ko. "So pwede ko bang makilala ang magandang babae na kanina ko pa kinakausap pero hindi ko naman kilala?"nagulat naman siya pero agad ding nakabawi.

"Palabiro ka pala. By the way, I'm Trexia Eunice Baxter. 20 years old"sabi niya at iniabot ang kamay niya.

"Raven Auramere. 21. Gwapo. Hot at gwapo."nakangising sabi ko.

Namula naman siya sa sinabi ko na siyang ikinatawa ko.

--------

Hello readers!!!!
Sorry po kasi ngayon lang ulit ako nakapag-update. Nagbusy-busyhan po kasi. Sorry po talaga. :(

Anyways. Salamat sa mga susuporta :)

Any questions? Comment lang po or pm me ;) Salamat.

-Prim

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Husband's MYSTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon