CHAPTER 2

52 15 10
                                    

Nanginginig kong ibinaba ang telepono. Bakit bigla na lang may nagbanta sa buhay ko?

Wala naman akong nagawang kasalanan ah!

----

"Oh baby. Bakit ganan itsura mo?"nagtatakang tanong sa akin ni mommy pagkababa ko ng hagdan.

"Wala po akong tulog"walang ganang sagot ko at dumiretso sa kusina.

Kumain ako ng lahat ng klase ng pagkain na nasa mesa. Hinang-hina ako ngayon. Kaya kailangan ko nito para magka-energy ako. Hindi kasi ako makatulog. Magdamag lang akong nakatulala at iniisip kung sino pa rin yung tumawag. Ang gwapo pa naman sana nung boses.

"Mam"muntik ko ng mabato ng baso si manang dahil sa gulat.

"Manang. Nanggugulat ka naman eh!"sabi ko sabay inom ng tubig.

"Kanina pa po kita tinatawag. Tulalang-tulala ka lang habang kumakain"sabi niya at nagsimula ng magligpit ng pinagkainan ko.

"Sorry manang. Hehe"kumuha ako ng ice cream sa ref at naglakad papuntang sala.

"Aminin mo nga sa aking bata ka. Buntis ka ba?"muntik na akong madapa sa sinabi ni manang.

"Manang naman. Ang bata-bata ko pa po"sabi ko ng nakasimangot.

"Pero ikakasal ka na diba? Hinala ko lang naman yun. Ayaw kasing sabihin ni mam kung bakit ka ikakasal agad, hindi pa nga ata pumupunta dito yung magiging asawa mo"hindi pala sinasabi ni mommy. Bakit kaya?

"Hindi yun matutuloy manang"sabi ko sakanya at sumubo ng isang kutsarang ice cream.

*Dingdong*

"Manang ako na po ang magbubukas"tumayo ako sa couch at naglakad papuntang pinto.

"Nakong bata ka. Bubuksan mo yung gate ng naka sandong bitin at short na ganyan kaikli ka lang? Ako na"sabi niya at inunahan na ako. Tss. Nasa bahay lang naman ako eh.

"Sir. Pasok po kayo."narinig kong sabi ni yaya pero patuloy pa din ako sa panonood at pagkain.

"Mam, may nagpapabigay po sa inyo"may iniabot na kahon si manang sa akin at muntikan na naman akong mabilaukan dahil nakatitig sa akin si tito at Raven.

Nanlaki ang mata ko at tumakbo papataas ng hagdanan.

Nakakahiya!

Dali-dali akong pumasok sa cr para maligo. Pagkatapos ay nagsipilyo na ako at nagbihis.

Naisipan kong buksan muna ang kahon na ibinigay sa akin ni manang. Nakabalot ito sa itim na wrapper at may puting ribbon. Binuksan ko iyon at may papel na puso iyon sa loob. Binasa ko ang nakasulat doon.

"MAG-INGAT KA MAMAYA J"napakunot ang noo ko sa mensahe na nasa papel. Sino naman ang magbibigay sa akin nito?

Hindi ko na lamang iyon pinansin at bumaba na ako.

Naabutan kong nag-uusap si mommy, tito at Raven sa sala.

"Goodmorning po tito"sabi ko at nagbeso sa kanya. Ngumiti siya ng makahulugan at tumingin kay Raven.

"Tito, sorry po kanina. Hindi ko naman po alam na dadating kayo"sabi ko ng nahihiya pa.

Tumawa ng malakas si tito at totoo ba na nakita kong pasimpleng ngumiti si Raven? No! Ang laki ng galit niya sa akin. Hindi niya ako ngingitian ng ganun.

Kaya pala sila andito dahil meron daw kaming pupuntahan. Kaya naman tahimik lang ako dito sa kotse at kamalas-malasan. Katabi ko si Raven na feeling ko handa na akong sakalin.

Tutal wala akong tulog kanina ay natulog na lang ako kesa makaramdam ako ng takot.

--

Nagising ako ng maramdaman ko na masakit ang leeg ko. Nagulat ako ng may lalaking nakamask na ginigilitan na ako sa leeg. Buti na lang at nagising ako. Dali-dali siyang tumakbo papaalis dahil umirit ako ng malakas.

"Baby, anong nangyari?"tanong ni mommy na papalapit sa akin kasama si Raven, tito and daddy.

Iniangat ko ang ulo ko at nagulat sila sa dugong umaagos sa leeg ko. Buti na lang at mababaw pa lamang ang nahihiwa niya pero sobrang sakit. Umiiyak na pala ako. Binuhat ako ni daddy at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

"Baby. Gagaling din yan. Okay?"sabi niya kaya tumigil na ako sa pag-iyak. Walang patutunguhan ito. Kailangan kong isipin kung sino ang may galit sa akin. Bigla akong napatingin kay Raven na nakatingin din sa akin.

Hindi ko malaman kung natutuwa ba siya sa nangyari sa akin o ano. Siyakaya ang may pakana nito? Sigurado ako na iisa lang ang humarang sa akinglalaki kagabi at ang lalaking humiwa sa aking leeg. Sino ba siya? Si Ravenkaya?

-------

SINO NGA KAYA? Next update pag may nagcomment na 5 :)

ANW, SALAMAT Kimoojay sa pag-vote. Hindi ko alam kung binabasa mo ba o ano? But, salamat :)

My Husband's MYSTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon