Mabilis ang mga reply ni Sanjo sa mga text ng nobyo kahit nasa gitna siya ng siksikan sa loob ng mrt train. Hindi niya alintana ang hirap sa kinalalagyan. Nakangiti pa nga siya habang nakatingin sa hawak na cellphone. Inuulit niya kasing binabasa ang mga palitan nila ng text messages ng kasintahan.
: Pauwi na ako! Mauuna na ako sa pina reserved kong table para sa atin. Rush hour kaya baka maipit din ako ng very light sa oras!
: Ayos lang! Hope to see you there!
: Oo naman! Kailan ba ako nawala at nag cancel sa mga dates at lakad natin!
Cubao Station. Mabilis na sumabay sa agos ng mga taong naroon si Sanjo. Pero dahil nga maaga pa talaga at tiyak mas maiipit sa trapik ang nobyo dahil magmamaneho ito, katatagpuin niya muna ang isang matalik na kaibigan.
Fifi: Ang bongga naman ng 2nd year anniversary nyo! Check in sa hotel!
Sanjo: Actually, ngayon lang ako talaga dadalhin ni Guwapo sa hotel! Ano bang ginagawa doon? Haha!
Fifi: Ang linis ng budhi! Puting puti!
Mga ilang oras pang nagkakuwentuhan ang magkaibigan hanggang sa matanggap ni Sanjo ang text messages ng kaibigan.
Sanjo: Naroon na daw siya! Paano? Mauuna na ako sayo!
Fifi: Ayaw mo ba akong isama para threesome tayo! Haha!
Sanjo: Gagi!
Fifi: Biro lang! Goodluck sa honeymoon! Haha!
Mabilis ang mga kilos ni Sanjo. Meryo mainipin kasi ang nobyo kaya ayaw niya itong mawala sa mood lalo pagod galing trabaho pa.
-continue in next page-
Please add or vote the story.
Please follow my account.
Salamat ka bromance :)
BINABASA MO ANG
Perfect Break Up
Short StoryAng madalas na pangarap ng lahat na taong umiibig, ay wagas o pang habang buhay kasama ang taong iniibig nila.