Perfect Break Up

903 30 1
                                    

Biglang napakamot sa kanyang ulo si Sanjo ng mamukhaan ang singsing na yun. Mabilis niyang hinanap ang palasingsingan daliri ng nobyo.

Sanjo: Bakit na sayo ang pares ng singsing ng dati mong asawa?

Lance: I need to back...sa normal na buhay...sa dati kong buhay!

Sanjo: Hindi ko maintindihan!

Lance: Mahal kita at totoo yun!

Sanjo: Makikipagbalikan ka sa dati mong asawa!?

Lance: Gusto kong bumalik ang dati kong pamilya! May asawa...may mga anak!

Hindi alam ni Sanjo ang magiging reaksyon. Parang namanhid ang katawan niya. Pati isip niya, naba blanko.

Lance: Naiintindihan mo naman ako di ba? Binigay ko ang lahat ng klase ng pagmamahal sayo!

Biglang napangiti na lamang si Sanjo. Mabilis siyang kumilos. Nagdamit at napaupo sa gilid ng kama pagkatapos.

Sanjo: Pero hindi lahat ng ginawa mo ay magugustuhan ko! Gaya ng mga sinabi mo!

Lance: Marami ka pang makilala na mas deserving sa akin!

Sanjo: At nasayang ang 2 years dahil sana, doon ko na nakilala ang taong deserving ko naman, na akala ko ay ikaw!

Katahimikan lang ang namagitan sa dalawa. Pero si Sanjo na rin ang unang bumasag nun.

Sanjo: Mauuna na ako! Ayaw kong maranasan bukas, wala ka na sa tabi ko! Kaya uunahan na kitang iwan!

Lance: But we can stay here until.
.

Sanjo: Hindi na! Masakit na nga yung sinabi mo, paaasahin mo pa ako na may magbago pa! Baka lalo lang ako masaktan sa huli!

Sa pagbukas at pagsara ng pinto, yun na ang huling ugnaysn ng dalawang taong wala rin palang forever.

--end--

Please vote, add or follow.
Salamat ka bromance :)

Perfect Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon