White Rain: Chapter 2 - The Only Hope

168 9 4
                                    


06: 39 am. Isang text message ang gumising sa mahimbing na pagkakatulog ni Nathan.

Kinuskos pa niya ng mabuti ang kanyang mga mata bago tuluyang binasa ang message.

" pmunta ka d2 sa bhay. .ngaun na."

Yun ang laman ng txt na galing pala kay Railey.

Nagtatakang napakunot noo naman si Nathan.

" talagang ngayon na talaga?. . bakit naman kaya?" tanong niya na lang sa sarili.

Alas siyete pasado ng makarating si Nathan sa bahay ni Railey.

Pagpasok pa lamang niya ng gate ay agad niyang nadatnan si Railey na nakaupo sa Terrace.

Tulala ito at halatang napakalalim ng iniisip.

Agad naman siyang nilapitan ni Nathan.

At ng makita ni Nathan kung ano ang nasa mesa sa harap ni Railey ay nanlaki ang kanyang mga mata.

Isang cup na may kape.

" oh?!!. . himala at hindi alak ang iniinom mo ngayon?!!. . hahaha. . nagsawa ka rin no?!" natatawang sabi ni Nathan kasabay ng pag-upo sa isa pang upuan sa kabilang side ng mesa.

" oo. ." nakangiting sagot naman ni Railey. " . . .dahil sa dami ng nadiskubre ko ngayong araw na to, kakailanganin ko ng matinong pag-iisip."

" oh?. . . bakit?. . ano bang meron at pinapunta mo ko dito ng ganito kaaga?"

Bumuntong hininga muna si Railey matapos ay tumayo at naglakad papasok ng sala.

" halika. . .dito tayo sa loob." Sabi ni Railey.

Agad namang sumunod ang nagtatakang si Nathan.

Umupo si Railey sa sofa. Ganun na din naman ang ginawa ni Nathan.

" oh?. . bale ano?. . anong meron?" pangungulit pa ng nakangiting si Nathan na nag-aabang sa sasabihin ni Railey.

" naaalala mo pa ba yung picture ni Mischa na kinunan ni Demi dati?"

" ha?. . . oo naman syempre. . bakit?" sagot naman agad ni Nathan.

Agad na bumunot sa bulsa si Railey.

" ito na yun ngayon." Seryosong sabi ni Railey sabay iniabot kay Nathan ang larawan.

Nanlaki ang mga mata ni Nathan ng makita ang larawan na yun kung saan wala na ang imahe ni Mischa.

Inilapit niya pa ng aito ng husto sa kanyang mukha upang matitigan ng mabuti.

" anong nangyari dito?!!. . bakit nawala si Mischa??!. ." tanong ng gulat na gulat na si Nathan. " . . . sigurado ako andito lang siya ahh. . bakit nawala?!!"

" yan din ang paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kanina." Sagot na lang ni Railey.

" pero pano nangyari to?. . .napakaimposible namang mawala na lang si Mischa dito sa picture ng ganun ganun na lang?!. . nakapagtataka naman."

" alam mo, kung jan pa lang eh gulong gulo na ang utak mo, . . mas lalo kang mapapaisip pag tinignan mo yun." Sagot naman ni Railey sabay itinuro ang blankong picture frame na nasa pader.

Ang blankong larawan ng puting pader na kahelera ng litrato ng kanyang mga magulang.

Agad namang napalingon doon si Nathan.

Saglit siyang natahimik at natulala.

Nang maya maya ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla ay may pumasok sa isip niya.

White Rain ( Book 2 of October)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon