Shift 10: Warlalu

5 0 0
                                    

Green's P.O.V.

Okay medyo di ko na alam kung ano ang nangyayari. I'm so jelous pag mag kasama si Kennie at Cal, lalo na pag napapatawa ni Kennie si Cal mukang masayang masaya talaga si Cal. Huhuhu! Bat ba ganito nararamdaman ko? Peste!

Paakyat ako sa apartment ko at nakita ko si Trixie na nakaupo sa labas ng apartment ni Cal. Nilapita ko agad ito.

"Trixie bat ka nasa labas?" Tanong ko sa bata.

"Hinatid kasi ako ng teacher ko dito eh, wala kasi ni nanay nasa out of town." Sabi ng bata sa akin at napansin ko na namumutla ito.

"Oh, sige tatawagan ko si papa mo." Sabi ko. Nang idadial ko na ang number ni Cal, bigla nalang nahimatay si Trixie at sinalo ko agad ito.

Nataranta ako, kaya mabilis kong binuksan ang pinto ng apartment ko na akay akay pa din ang bata at binuhat papuntang kwarto ng makapasok kami. Dali dali ko pinunasan siya dahil inaapoy ito ng lagnat.

Tangna naman si Cal asan bat di pa umuuwi? Kaya kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Cal. Sinabi ko ang tungkol kay Trixie.

Cal on phone: I'm on my way.

Nakarating agad si Cal at alalang alala sa kapatid niya, nung mga panahon na yon okay na ang kapatid niya medyo bumaba na ang lagnat.

Medyo asar ako kay Cal kasi iniwanan niya yung kapatid niya. Tapos ganito pa nangyari. Kaya di ko siya pinapansin.

"Thank you huh." Sabi niya sa akin at ngumiti.

Di ko pa din siya pinansin.

"Oh? Bat ang sungit mo naman?" Tanong niya.

(.....) Tahimik pa din ako na nagtimtimpla ng coffee.

"You have a nice taste." Usisa niya sa isang painting na nakasabit malapit sa dining table at umupo na siya nang nilapag ko na ang tinimpla kong kape sa table.

Tahimik pa din ako at nagbiro siya.

"Now we are a complete family. Mama (turo niya sa akin), Papa (turo niya sa sarili niya)." Bigla siyang ngumiti ng bahagya.

Nainis ako sa sinabi niya kaya tinaasan ko siya ng boses.

"Ano ba sa tingin mo dito, Cal? Naglalaro tayo? Nasan ka ba kasi, alam mo ba na namumutla si Trixie nung nakita ko?!" Sabi ko sa kanya at tumayo ako pumunta ako sa living room at pumamewang.

Sinundan niya ako at niyakap mula sa likod ko. "Eto naman si mama napaka nagger." Sabi niya at ngumi ngisi.

"Cal, ano ba!" Sabi ko at inalis ko ang sarili ko sa bisig niya.

"Oh, hindi na kita tutuksuhin. By the way thanks." Sabi niya sa akin at pumunta sa harapan ko, kinuha ang harap ng t- shirt ko at nahila ako papunta sa kanya, at hinalikan niya ako.

Waaaaaah! Tang ina naghalikan nanaman kami, o shit o shit! Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak pa din sa t-shirt ko habang hinahalikan ako, tapos tinanggal ko ito at tinulak siya ng konti.

"Ano ba makita tayo ni Trixie." Sabi ko.

"Sorry client's week kasi and nanay ko nasa out of town." Sabi niya sa akin.

"Sino kasama ng bata pag wala nanay niyo?" Tanong ko.

"May yaya si Trixie, tawagan ko nalang para papuntahin dito." Sabi niya sa akin.

Naawa ako sa bata sa totoo lang, kaya nagsuggest nalang ako na dito muna siya sa akin hangang gumaling r.d. (rest day) ko naman bukas. Pumayag naman si Cal.

End of shift (E.O.S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon