Shift 6: Beki ba?

8 0 0
                                    

Bench's P.O.V.

Heto nanaman ako, pasulyap sulyap sa kanya. Nakakalurkey talaga! Ay, ehem ehem... Lalaki ako bat ako nagsasalita ng ganon. 30 years old na ako single pa din ako naprepressure ako ng parents ko na mag-asawa na daw ako, di ko keri mag asawa pa! Confuse pa ako sa sexual preference ko. Minsan nag kakagusto ako sa babae pag miss universe ang tema o fashon show ng victoria secret, wahahaha! Confirm na ata na bading ako. Hay... Ang gwapo ni Jeff sa workforce. Kaya hanggang tingin nalang ako sa kanya. So sad talaga.

*Vibrate ng cp may nagtext*

Text message:

Bat d k na nagttxt sa akin?

Hay! *Delete*

*Text message again*

Bench, please text me.

Pota! *Delete*

After 5 mins phone is vibrating again (Phone call)

Incoming call from Red

Amf! Naman oh! *Missed call*

Kainis panira ng moment tong si Red. Nasa pantry ako habang pinag papantasyahan si Jeff. May mga kasama siya na kasamahan sa workforce nahihiya talaga ako sa kanya lumapit kumakabog ang dibdib ko.

"Hi, Bench." Bati sa akin ni Joan.

"Hello." Sabi ko.

"Tulala ka nanaman." Sabi niya sa akin at kumuha ng chips na nasa mesa ko.

"Luh! Di sa akin yan." Biro ko sa kanya at natawa sa reaction ng mukha niya.

"Unggoy ka!" Sabi niya sa akin at tumawa din.

Napansin ko na lumingon si Jeff sa amin dahil ang lakas ng tawanan namin ni Joan at ngumiti siya sa akin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko.

"Oh anyare sayo? Napatigil ka." Nagtatakang tanong niya.

"Wala may pumasok lang bigla sa isip ko." Palusot ko.

"Tara pasok na tayo." Sabi ni Joan.

Nang nasa floor na kami, inaanounce na ang mga bagong survey namin. Nagpalakpakan kami lahat nang inanounce na may survey na si Green at Joan, mataas ang nakuha nila at we are still the leading team. Napansin ko naman na wala akong records ng survey ko. Kaya tinanong ko ito kay Kennie at Tm Cal.

"Oo nga noh?" Sabi ni Kennie.

"Sira access ko sa shared folders ng mga survey punta ka sa workforce." Sabi sa akin ni Tm Cal.

Nyeta kahit meron naman siyang access eh alam ko karakas nitong si Tm Cal nang aasar talaga si Tm nakakainis! Kaya lumapit ako kay Tin, kaso nag sorry sa akin kasi wala daw siyang access.

"Si Tm mo?" Tanong niya.

"Wala daw sira access daw niya." Sabi ko sa kanya.

"Tara samahan kita sa workforce." Sabi ni Tin.

Hinila niya ako at sinamahan sa workforce at don nakita ko si Jeff. Grabe ang hot niya naka pang smart casual siya na outfit.

"Jeff, tulungan mo naman si Bench kasi di niya makita yung scores niya." Sabi ni Tin kay Jeff at iniwan na ako. Halos gusto ko bumuntot kay Tin kasi di ko alam kung anong sasabihin ko.

"Okay, anong fullname mo and employee number?" Tanong niya sa akin.

Clear ko ang throat ko bago sinabi ko ang fullname ko at employee number. Mabilis niya ito hinanap at pinakita sa akin ang mga survey ko. Umupo ako sa bakanteng upuan at nagkadikitan kami ng balikat namin.

End of shift (E.O.S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon