CHAPTER 7

7 4 0
                                    

🍂
Maaga


~Calling Mom~

"Hello?"  Mom said when she answer the call

"I wanna ask you something mom"

"What is it?" She ask

"Bakit niyo Ako ipindala dito?" I said directly

I heard her sigh before she answer

"Yzah, anak, pinadala ka namin diyan Kasi..... Hayyy..... We want you to know how to live in a province. Para maging flexible ka. Kung marunong kang mamuhay sa city, dapat marunong din mamuhay sa Province. Naisip namin na kung dito ka lang sa city at mamuhay na hinahatid sundo ni Manong, ano na ang mangyari sayo kung hindi ka man lang marunong kahit pag sakay ng tricycle? Hindi naman mahirap ang mga ginagawa mo diyan at nasabi rin yun ni Adora sa akin. Nalaman ko rin na marunong ka ng sumakay ngayon ng tricycle at  tumutulong ka daw sa gawaing bahay."

Matitinigan sa boses niya ang saya

"Nang hindi ka pa pinapadala diyan, hindi mo nararanasan maglaba, maghugas ng plato, magluto at sumakay ng tricycle, pero nong pinadala ka diyan, nagawa mo yun lahat kahit pa sinasabi mo noon na hinding hindi mo Yun gagawin"

Natigilan ako ng sabihin yun ni mom. That's true, never in my wild imagination na maghugas, maglalaba, magluluto at sasakay ako ng tricycle!

"And I'm really happy na nagagawa mo yun at voluntarily. You never did it in our house" natatawang sambit ni mom

"That's the reason?" I ask

"Yes Yzah, as a mother napakasaya ko na mabalitaan na nag-e-improve ka. Hindi ka namin pinadala diyan dahil basagolera ka, pero pinadala ka naman diyan para matuto at maging flexible sa lahat ng bagay. Don't think too much ok, I got a go. Bye sweetie just keep up the good work " she said at ibinaba Ang linya

Dahil sa pag-uusap namin ni mom ay naging magaan naman ang loob ko. Lumipas lang rin ang araw na yun at wala naman talagang special. Kinabakusan ay Lunes na at klase na naman.

Pagdating ko sa school ay gaya lang din ng dati, parating nauuna Yung dalawa, Sina Grey at Aica. Kung Hindi lang talaga Sila parating nag-aaway ay aakalain kung magjowa sila pero may strict parents kaya ang aga nilang pareho

"Good morning" aniya ni Aica at lumapit sa akin

"Morning" sagot ko

"Ayy walang good?" Tinawanan ko lang siya

"Pala desisiyon ka talaga eh noh? Anong magagawa mo kung walang 'good' sa sinabi niya?" Si Grey

Ayan na naman Sila!

"Eh ano ka pa? Pakealamero?!" aniya ni Aica at umirap, nag make-face naman si Grey at tinawanan ko lang sila

Biglang nanlaki ang mata ni Grey kaya nagtaka ako "Oh.... Umalan ba ng himala?" Aniya ni Grey at nakatingin sa pinto kaya napatingin din ako roon

"Gago!" Si Wane

"Wow Dre! In the first time of the history of the Las Colinas National High School, napakaaga mo!" Aniya ni Grey at pumapalakpak pa na akala mo ay may nangyaring milagro!

"Ano masama?!" Pinag-taasan naman siya ni Wane ng kilay

"Dre, walang masama, talagang isa lang tong milagro na nangyari sa LCNHS" umiiling pang saad ni Grey

"Gago!"

"Pero maaiba, bakit ang aga mo?" Usisa pa ni Grey

"Maiba? Pero tinatanong mo parin kung bakit ang aga ko? Eh connect parin Yun sa pagiging maaga ko!" Sigaw ni Wane

Temper Love: Yzah Feniera Perez Where stories live. Discover now