🍂
Old Student"AAAHHHHHH!!! PUTANGINANG MANYAK!!" Sa sobrang lakas na sigaw ko, Mukhang aabot na yun sa kabilang lugar.
Kinapa kapa ko ang lamesang nasa tabi ko at kung ano yung nahawakan ko ay ihinagis ko na sa kanya at sumisigaw.
"Teka! Ahh.... Aray!" Sigaw ng lalaki
"Ahhh! Anong ginagawa mo dito?! Manyak ka no?" Aniya ko at binato ko uli siya ng kung ano ano
"T-teka tumigil ka" aniya ng lalaki, pero di ako nagpatinag "Stop it, pag ako hindi nakapag timpi" babala niya sa akin
Bahagyang nanlaki ang mata ko ng may naisip ako. Oh no, my god, binuksan ko pa naman yung bintana. Baka nakita niya ako don ng ganito ang suot and that's why he want to Rape me! "Rapist ka!" Sigaw ko ulit at binato siya
"T-teka!" Sigaw pa niya
Babatuhin ko sana ulit siya, pero wala na pala akong maibabato sa kanya. Maging yung flowervase ay naihagis ko na sa kanya
"T-teka! Anong manyak at rapist sinasabi mo diyan babae ka!" Sigaw niya sa akin
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko
"Sa pagkakalam ko dapat ako ang magtanong niyan sayo babae. Anong ginagawa mo dito? Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng Manyak at Rapist, eh ikaw malay ko ba kung magnanakaw ka"
So, ako naman ang naakusahan ngayon?
"How dare you? Duh, tiya ko kaya ang nakatira dito" sagot ko
"Tita mo si Ma'am Dora?" Tanong niya
"Dora? It's not Dora, it's Adora. Sino ka ba? At anong ginagawa mo dito?"
Umiwas siya ng tingin sa akin "B-bago ko sagutin yan, p-pwede bang magbihis ka muna? Ang nipis ng sando mo, kitang kita ko katawan mo. kulang nalang maghubad ka" naiilang niyang saad, kaya naalala ko na manipis nga pala ang sando ko "Kung ayaw mong ma-manyakan ka, magsuot ka ng hindi kamanyak manyak"
Shit, nakakahiya.
Agad akong tumakbo sa sala dahil may nakita ako roon na tuwalya kanina.
"Nakakahiya ka Yzah!" Sabi ko sa sarili ko
"Kadiri ka. Alam mo na nga na yun yung dahilan kung bakit mo siya binato ng kung ano ano!"
Sinampal sampal ko pa ang sarili ko dahil sa kahihiyan na sinapit
"Ahhh! Bwesit!" Tili ko ulit
Nagbuntong hininga ako at nang maka recover na ako sa kahihiyan na ginawa ko, bumalik ako sa pintuan at andon lang yung lalaki
Tumikhim ako, para agawin ang atensyon niya
"Sino ka ba at bakit ka andito?" Muling tanong ko
"Dati ako student ni ma'am Dora at nandito ako para ibigay 'to sa kanya" aniya at ipinakita ang isang kumpol ng pulang Rosas
Don't tell me lover siya ni Tiya. Red Roses ang ibinibigay niyang flower, at sumisimbolo ito ng pag ibig.
"Kaso mukhang wala siya" ani ng lalaki
"Are you courting my Tiya?" Deretsahang tanong ko
"WHAT?!"
Mababasag ata eardrums ko sa lalaking to ah
"Anong what? I know na sinisimbolo ng kulay pulang rosas, ay love" aniya ko
"Malay ko naman diyan? Tska wala akong pakealam sa kung ano mang sinisimbolo ng kulay pulang rosas. Dinadalhan ko lang si Ma'am Dora ng ganito kasi paborito niya ang rosas at paborito niya ang kulay pula" aniya ng lalaki
YOU ARE READING
Temper Love: Yzah Feniera Perez
أدب المراهقينYzah, A young woman sent by her parents to a province to live with her Aunt Adora. At first she was forced to live there because she grew up in the city and she don't know anything about a province things. But there was a man named Wane, when they m...