I

8 1 0
                                    

Butil butil ang pawis ko sa noo nang magising ako. Nakakatakot, nakakalungkot, nakakahinayang hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman. Ininom ko ang tubig na nakalagay sa lamisita sa gilid ng higaan upang mahimasmasan ako. Apat na taon  nang pumanaw si ama ngunit tila parang kahapon lamang ang nangyari. Hanggang ngayon nagsisisi ako. Kung hindi sana ako nagpasundo, sana ay nandito pa siya. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Pinunasan ko ang luhang tumakas sa aking mga mata. Tinignan ko ang labas at nakita kong madilim pa.

Sabi nila alas tres nang umaga ang pinakakritikal na oras nang paghinga. Ayon sa nabasa ko, maraming tao ang inaatake sa puso kapag ganitong oras. Dati hindi ko nauunawaan iyon pero ngayon mukhang naiintindihan ko na ang ibig sabihin ng artikulong iyon. Dahil sa mga oras na ito, naninikip na ang aking dibdib, isa sa sintomas nang atake sa puso ngunit isa lamang ang sigurado kasabay ng pagsikip ng aking dibdib, pagpatak ng aking luha ay ang pagluhod ko. 

Isang panalangin, isang usal sa Panginoon na nawa pagsapit ng umaga  ay maibsan ang pighating aking nadarama.

"Panginoon, palayain mo ang puso ko. Patawarin mo ako sa pagdududa ko sa kadakilaan mo. patawarin mo ako, Panginoon. Ikaw ang maging sentro ng buhay ko. hayaan mong manahan ka sa akin upang sa gayon ay makalaya ako sa madilim at nakakatakot na nakaraan na patuloy na humihila sa akin. Kung nasaan man po ang aking ama, iparating mo po ang pagmamahal ko sa kanya. Panginoon, alam kong walang anak mo ang iyong pinabayaan. Hilumin mo ako, Panginoon. Ang plano mo at kapangyarihan mo nawa ang patuloy na maghari sa aming buhay. Amen."

Dumungaw ako sa bintana, ang bilis ng oras malapit nang lumiwanag. Hinintay ko ang paglabas ng araw.

Nasaksihan ko ang unti-unting paglabas ng sinag nito, bawat madilim na parte ng paligid ay nabibigyan ng liwanag. 

Sa pag-iwan ng araw sa kadiliman, napagtanto kong dininig na ng Diyos ang samo ko. Ang kawalan ng liwanag ay hindi nangangahulugan ng permanenteng kadiliman, darating at darating ang liwanag, kailangan lamang ay handa ka sa pagdating nito.

Tuluyan na akong bumangon at naligo. Maliwanag na ang lahat. Hindi ako dapat magpatali sa nakaraan sapagkat  may buhay akong kailangang ipagpatuloy. 

Isa pa, hindi ito ang nais ng aking ama para sa akin. Nais niyang katulad ng araw ay magliwanag din ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IskolarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon