2 - In My Head

144 6 1
                                    

Aiza's POV

Nakatulala lang ako pag alis niya. Hinang hina ako. Parang sasabog sa sakit ang ulo ko. Tumingin ako sa relo, It says it's past lunchtime. Kaya pala nag aalburuto na ang tiyan ko. I was dead tired at ayoko pang bumangon kaya lang I have to go to school. Malapit na ang final exams. I have to be there. Maraming aaralin.

Pinilit kong bumangon kahit mabigat ang pakiramdam ko. Oh god! The world is spinning! Gaano kaya karami ang nainom ko? Marami! Obvious ba? Ni hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakauwi eh.

Shame on me. May matinong babae ba na pupunta sa bar, magpapakalasing nang parang wala ng bukas? Nang mag-isa? Pano ko nagawa yun? Nakipag one night stand ako sa isang estranghero? O my god!!! I gave up my virginity sa isang taong ni hindi ko man lang alam kung anong pangalan, samantalang ang tagal kong iningatan. I waited for so long for the right time and the right person to share it with. Sa totoo lang, yun ang madalas na dahilan ng pakikipag break sa akin ng mga ex ko. Hindi ko nagawang ibigay yun sa kahit kanino sa kanila.

How did we end up together anyway?

Ang naalala ko lang, I was so heartbroken and decided to try bar hopping ALONE. 

Ginusto ko lang namang mag-unwind. Makalimutan ko lang yung mga sama ng loob ko kahit sandali lang. Yun lang naman ang gusto ko eh. 

Si Jam! Ang bwisit na yun! Cheating bastard! Sa dami ba naman ng babae sa campus, dun pa ako ipinagpalit sa kaaway ko? 

Ggggrrrrrr!!! 

Pagpasok ko sa pang apat na bar that night, I felt I could melt into the crowd. Maraming tao. Loud music. Walang makakapansin sa akin. I went straight to the bar and ordered a few shots of tequila.

I can't remember every detail but as far as I can remember, may guy na lumapit sa akin at nakipagkilala. But it's not him. Hindi yung lalaking yun na nandito sa unit ko this morning.

Aaaaahhhhhh!!! Whatever! Bahala na! Wala na akong magagawa! Tapos na. Nangyari na ang nangyari. Hindi ko na maibabalik pa!

I glanced at the clock again. Ilang minuto na rin pala akong nakaupo. Thanks God hindi na ako masyado ng nahihilo. Pero masakit pa rin ang ulo ko. Pinilit kong maglakad patungo sa bathroom. Kailangan ko nang maligo. Nanlalagkit na ako.

Yah! I need a warm bath. Masarap magbabad sa tub. It will ease away the stress - well at least for a while. Napapikit ako. My gosh! Mukha pa rin nung lalaking yun ang nakikita ko. His lips.... Sinabon ko nang maiigi ang buong katawan ko. Kung pwede lang sanang burahin ng sabon ang lahat ng nangyari.

I wish panaginip na lang ang lahat. Na paggising ko ay parang wala lang. Parang walang nangyari. Pero hindi e, nangyari ang lahat ng ito and I have to take it. But I know it will haunt me forever.

Sana hindi na kami magkita kahit kelan. Pero alam niya itong place ko! Sana HINDI MUNA kami magkita. Sana hindi muna nya maiisip bumalik dito. 

Oh please..... I need some time to recover.

Naputol ang pagmumuni muni ko nang tumunog ang alarm clock ko.

Shocks! Male-late na ako!

I dressed up quickly. Hindi ko na masyadong inisip. Basta kung ano na lang ang nahablot ko sa closet, yun na. Bahala na si Batman!


====================

Please leave comments and suggestions for improvement. Thank you very much.

Will you be my forevermore?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon