5 - Heart-throb

69 6 2
                                    




"Good morning, Bess." Bati ni Aiza sa kanyang matalik na kaibigan nung magkita sila sa kanilang tambayan kinaumagahan. May hawak-hawak pa itong a dozen red roses na halatang mamahalin dahil inayos pa ng isang stylist ng mga bulaklak.

"Wooooow!!!! Ang aga niyan Bess ha! Kanino galing? Bagong suitor?"

"Hindi, Bess. Galing kay Jam. Nagkita kami nang maaga kanina."

"Wag mong sabihig nagpa-uto ka na naman!"

"Bess, mukha namang feasible yung kwento niya. Hindi naman daw niya talaga gusto yung nangyari. Obsessed lang daw talaga yung girl na yun sa kanya Maya ganun." Pagpapaliwanag ni Aiza kay Mycah.

"So ganun na lang yun? Sorry na, tayo na ulit? Yun na yun?

"Grabe ka naman, bess. Everybody deserves a second chance, diba?"

"O sige, Bahala ka na nga. Pero, I warned you bess."

"Yes, bestie. I know that you care for me, and I really do appreciate that."

"Oh, by the way, nakapag-research ka na ba para sa feasibility study natin?"

"Hindi eh. Pero may na research ako! Promise exciting itooooo!" Imi-nuwestra pa niya ang kanyang mga kamay na parang conductor ng orchestra.

Napapangiti siya kapag si Mycah ang kasama niya. Nakakahawa kasi ang energy at ka-kwelahan into.

"At last may pangalan na 'ung gwapong Adonis na prince charming mo. Zachary Edward Dalton. His friends call him Zed. Irish businessman ang father niya at Filipina beauty queen naman ang mother niya. Siya ang captain ball ng university soccer team. Gorgeous hearthrob and filthy rich. Pinagkakaguluhan at hinahabol ng mga babae."

"Hindi ko in-expect na seryoso ka pala sa pag-research mo tungkol diyan."

"Oo naman, bess. Kagabi ko lang yan ginawa. Naka-landi na, naka-tsismis pa."

"At kanino ka naman nagtanong aber?"

"FYI, may mga kasama kami sa gimikan kagabi na players din ng soccer team. Uy maiwan na kita, ha. May klase na ako."

"After lunch pa ang klase ko eh, si Jam may klase na rin. Tatambay muna ako dito. Bye, see you later." Kumaway pa si Aiza sa kanyang kaibigan bago sila tuluyang naghiwalay.

=====@=====@=====@=====

Aiza's POV

Nakaalis na si Myca. Haaaay. Nakakabagot naman ang maghintay ng oras. Pero dito na lang ako sa campus kesa naman umuwi pa ako at babalik ulit dito.

Naglalakad-lakad ako hanggang nakarating ako sa parking lot. Tinungo ko ang kotse ko na blue M3. Naupo ako sa may hood into. Maya-maya pa'y naisipan kong humiga na lang, ginawa ko pang unan yung bag ko.

Mmmmmmmm. Makapag sound tripping na nga lang. Inilabas ko at aking iPad, namili sa maraming na download na kanta at saka ikinabit ang earphones.

Pampa-good vibes..... Napapikit pa ako para mas ma-feel ko yung kanta.

Nagkabalikan na kami ni Jam. Dapat masayang masaya ako ngayon, pero bakit parang hindi naman masyado? Parang may kulang. Sa dami ng iniyak ko nung makita ko sila ni Victoria sa ladies room noon, bakit OK lang ang pakiramdam ko ngayon? Diba dapat happiness overload ako? Bakit hindi ako excited? Bakit hindi na kagaya ng dati na kilig na kilig pa ako?

What happened?

Dumako sa isip ko si Zed.

Zed pala ang pangalan ng g*gong yun. Half Irish pala, kaya ganun ang features niya. Ang ganda ng mga mata, very expressive para akong nalulunod kapag nakatitig siya sa mga mata ko. Ang pilikmata, ang kapal at ang haba pa. Matangos ang Ilong, buti hindi nababaliko kapag tinatamaan ng soccer ball. Maputi lang siya ng konti kaysa pure blooded na pinoy, pero manly pa rin ang dating. Ang height, standout. Siguro kung hindi siya sa soccer na linya, pasok na pasok siya sa basketball.

Hindi ko mapigilang ngumiti. Kung anu-ano naman ang naiisip ko. Mula nung ma-meet ko siya, lagi na lang siyang pumapasok sa isip ko. Mas madalas ko pa ngang maisip ang isang yun kaysa sa boyfriend ko eh.

Nakapikit pa rin ako nang may maamoy akong mabango. Pabango ba yun o aftershave? Hindi ako sure pero alam kong panglalake. Malapit lang, parang nasa harapan lang ng Ilong ko.

Bago ko pa maimulat ang mga mata ko, natakpan na ng kamay niya ang bibig ko. Sabay bunot ng isang kamay niya ng isang earphone ko at sinabing, "can I take you home, my princess?"


Will you be my forevermore?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon