Tama nga si Serina. Nang mag-gabi, may nakuhang text si Mama na nagsasabing tanggap ako at puwede nang pumasok sa Miyerkules. Maaari rin daw muna akong hindi muna mag-uniform, pero nakabili na agad si Mama kaya hindi na iyon problema. Kinabukasan ay sinamahan ako nila Mama at Papa sa mall para bumili ng school supplies.
Knowing that I have friend, I became more excited to attend school. Gusto ko sanang ipagmalaki kila Mama kaso baka ma-jinx, kaya sa susunod na lang. But God, I wished that Tuesday could end so fast. I want to see Serina.
"Nag-uusap pa ba kayo nila Jake?" tanong sa akin ni Papa habang pauwi. I shook my head, and he pouted. "You know, that kid, parang may crush kay Maine." He laughed.
"Pa!" Agad akong nagreklamo. I don't like Jake... I don't even talk to him anymore, kahit na sinusubukan niya akong kausapin sa social media. Hindi na rin kami gaano nagkakausap ng mga kaibigan ko sa dating school... It's not like we're actually close. And I find it hard to maintain a relationship with them... 'Yung idea na laging magtatanong kung anong nangyayari sa buhay nila, talking on the phone... It's not my thing. I feel no intimacy or connection whatsoever.
"But you know, Maine... It's okay to have a crush, a relationship even, but just be careful. Know your limitations and responsibilities." Tumango lang ako at ngumiti sa paalala ni Mama.
Alam kong masuwerte ako sa mga magulang ko. Alam kong hindi lahat ng bata ay mapalad sa mga nagiging magulang... But having that kind of conversations with them makes me somewhat uncomfortable. Para umiwas, kinuha ko na lang ang earphones ko at nakinig ng music mula sa phone.
Nang makarating sa bahay ay agad ko nang inayos ang kakailanganin ko bukas. It didn't take much time so later on, I went to rest. Nag-aral pa ako ng naghabol ng lessons na maaaring ituro bago tuluyang matulog.
"Good morning, I am Charmaine Ylena Laxamana. You can call me Maine. My hobbies are reading, listening to music, and studying. I hope we can get along."
Ngumiti ako sa mga kaklase bago bumaling kay Ma'am Alfie. She nodded in approval before turning to the students. "Class, ine-expect kong magiging mabait kayo kay Maine. Sid!" sigaw niya sa pamilyar na babaeng nakaupo sa dulo. Hindi galit si Ma'am at may bahid pa ng pagbibiro ang tono. "Don't pull any pranks, or else si Desteen ang paparusahan ko!"
Nagpigil ako ng tawa dahil naalarma agad ang kaklase. Sid looks like she wants to appeal, but could not do anything more about it dahil bumalik na sa akin ang atensyon ng teacher.
"Sit on one of the empty seats, anak," she told me.
"Maine, tabi ka sa 'kin!" rinig ko ang pilyang sabi ni Sid. "I swear, 'di ka na mahihiya, maaaliw ka pa!" Hindi ko na mapigilan ang tawa ko nang tumayo siya sa kinauupuan at gumiling. Natawa rin ang buong klase roon.
"Nevermind," bawi ni Ma'am. Mukhang siya pa ang nahihiya para sa estudyante. "Doon ka na lang tumabi kay Erin." Itinuro niya si Serina na roon nakaupo sa may aisle ng second row. Seryoso ang itsura pero may maliit na ngiti sa labi, mukhang naaaliw din.
Hindi na ako nagsalita at sumunod na lang. With my bag, I sat beside Serina. "Hi," nakangiting bati ko sa kaniya.
"Good morning, mamaya na lang kita igala sa breaktime. Discussion mostly, eh," paliwanag niya. Sumang-ayon lang ako at nagsimula nang makinig sa teacher.
BINABASA MO ANG
Kupido's Alumnus
RomanceHomecoming Series 1 Rivalries was something Maine, being as unstable as she is, never expected herself to participate in. It was not until Erin comes in the narrative, a classmate of hers that suddenly became her enemy.