Nang makauwi sa bahay ay agad kong ini-stalk ang Facebook account ni Serina. It was a public account, kaya kahit hindi kami friends ay kaya kong i-check ang photos roon. Her timelines are filled with the school's events and competitions she participated in... na karamihan ay naipanalo niya.
"So she's a high achiever," komento ko habang pinagpapatuloy ang pagso-scroll. That explains what happened earlier. High expectations and disappointment is a really bad duo.
Nagi-guilty ako na hindi maintindihan... Naaawa ako, pero at the same time pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa kaniya. Alam kong mali dahil wala naman iyon sa kontrol ko, pero... sa kaniya nanggaling ang inaral ko. Siya ang unang taong nakilala ko rito, at nahigitan ko siya...
Pero hindi naman na talaga maiiwasan 'yun. Baka nagkataon lang na nahigitan ko siya ngayon. Hindi bale, babawi ulit 'yun sa susunod na linggo. She can definitely do that.
At ang kaisipang iyon ang nangibabaw sa akin. Pinangatawanan ko iyon. Kahit na bahagyang naninibago sa sumunod na linggo ay hinayaan ko lang. Hindi kasi ako gaanong kinakausap ni Serina. Hindi ko naman masasabing umiiwas siya dahil madalas siyang ma-excuse at ma-occupy sa kung ano-ano. Dahil doon ay mas napalapit ako kila Sid at Desteen.
Sid is smart and intuitive. Mas active siya sa arts at literature kumpara sa math at science... pero kahit na ganoon ay nakakasabay siya. Nakakasabay, pero labag pa sa loob. Napapailing na lang ako sa kaniya tuwing mas pinipiling niyang i-cut ang mga subject na ayaw niya para puntahan si Desteen at kulitin iyon.
Si Desteen naman ay may pagkapilya rin. Para rin siyang si Sid pero mas mabait at tamed. She seems like a big sister but a kid at heart. Kayang pagsabayin ang kakulitan at responsibilidad. Maganda rin siya at malinis tingnan. She's tall with her hair always in a neat ponytail. Lagi rin siyang naka-PE uniform kapag nakikita ko. Sabagay... sa covered court ko siya madalas madatnan. And she looks so clean with her white shirt and blue jogging pants, kahit pa minsan ay pawis na pawis na siya.
That week was exhilarating but slow. Late akong nakakauwi dahil kasama ko si Rana na naghihintay kay Desteen after class. Naglalaro rin kami ng volleyball sa court at nakikipaghalubilo sa ibang mga estudyante. After ng practice nila Desteen ay kumakain kami lagi sa turo-turo sa labas ng school... tapos maghihiwalay na lang pag-uwi dahil ibang jeep ang sinasakyan ni Desteen.
"46, Sembrano, Ashley."
"46, Gallardo, Serina."
"45, Laxamana, Charmaine."
I was not in any way disappointed in myself, but in somewhat, I am upset. Basta napipikon ako! Nawala na naman kasi si Sid after ng homeroom kaya naiwan ako sa room. Gusto ko tuloy siyang puntahan even if that would mean I'd cut the next period... Grabe ba naman kasi sa katahimikan si Serina! Parang akala mo walang katabi! I'm feeling so awkward!
"Serina," tawag ko sa kaniya kahit na abala siyang mag-highlight sa libro niya.
"Hmm?" She was not even looking at me!
"Alam mo 'yung sinasabi ni Lightning McQueen?"
BINABASA MO ANG
Kupido's Alumnus
RomanceHomecoming Series 1 Rivalries was something Maine, being as unstable as she is, never expected herself to participate in. It was not until Erin comes in the narrative, a classmate of hers that suddenly became her enemy.