Chapter Five

3 0 0
                                    

"Hoy Jaimee!" tawag ni Amanda na siyang nagpaigtad sakin. Ang bruha nanggugulat ba naman.

"H-Ha?"

If you guys are wondering how Amanda is now inside the classroom with us, she was an hour late. Kanina pag-uwi ko sa classroom ay nakita ko siyang tatago-tago sa likod ng trashcan sa hallway, yun pala ay tinatagoan niya raw sila Ma'am dahil sa sobrang late niya, ayaw niyang mapagalitan ni Mrs. Rivera.

"Kanina pa kita kinakausap, hindi ka nakikinig." she pouts.

Bakit kaya siya late? Hindi naman siguro siya naglakad papunta rito diba? Hindi naman siguro, grabe naman kung ganun.

I scratched my head as I smiled a little. "Sorry, may iniisip lang." o baka naman nalulutang lang ako?

"Kita ko nga. So bakit nga kayo na guidance ni honey ko?"

Napaismid ako dahil sa narinig kong tawag niya sa Kuya ko.

"Honey? Seryoso? He's more like a bee to me."

Mas humaba pa ang nguso niya sa sinabi kong iyon. Nagmumukha na siyang pato sa lagay niyang yan, plus she's waddling with her fingers intwined, trying to look cute for me. Although cute naman talaga si Amanda, para lang talaga siyang ewan ngayon.

"Umayos ka nga. Hindi mo pa nga nakikita si Kuya."

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya at tsaka ito naupo ulit sa bangko. Minsan talaga ay hindi ko mapigilang maging prangka. Totoo naman kase, hindi pa sila nagkikita ni Kuya tapos heto siya dinaig pa ang may crush kay engot.

"Oo nga no." napayoko ito at mukhang dismayado.

Speaking of Kuya ko, matapos yung nangyareng gulo kanina ay dinumog ako ng mga babae kong kaklase ng mga tanong tungkol kay engot na Clark. Sabi ko na ba, parang deja vù lang. Tapos kinabukasan nito ay mapupuno na ng kung ano-anong regalo itong desk ko, ganun ang nangyayare kapag na-approach na nila si Kuya tapos masusungitan sila nun kaya sakin mapupunta lahat ng responsibilidad.

"Pero kahit na! Sure naman akong pogi Kuya mo e, sa mukha mong iyan? Siyempre malo-love-at-first-sight ako sa lalaking iyon." gaslighter ba ang isang ito? Parang kanina lang dismayado, tapos ngayon ewan na naman.

Napapailing nalang ako sa babaeng ito. "Alam mo, hindi sa tinatakot kita Amanda. Pero iyong si Kuya? Sinabihan na kita, sobrang sama ng ugali sa iba."

"Malay natin mahulog kami sa isa't-isa tapos magbabago siya para sakin tapos—" hindi na nito natapos pa ang pagsasalita dahil tumili nalang bigla sa kilig.

"Delusional lang? Don't expect too much ika nga nila."

Ang bruha inirapan lang ako.

"Bakit nga kayo naguidance kanina? Tsaka bakit biglang gustong makipagclose sayo itong mga kaklase natin? May nalaman ba sila kanina? Omg— siguro artista ka Jaimee no?!" dire-diretso ito magsalita.

"Slow down okay? Mahina ang kalaban." ani ko tsaka kinopya ang sinusulat ng kaklase naming si Bea sa whiteboard. Hindi pumasok yung teacher namin sa 21st Century Literature pero nag-iwan ito ng activity.

"Bakit nga Jaimee? Sagotin mo nga ako." itong isang ito ang kulit.

I answered her, eyes still focused on the board. "Kanina kase pumunta si Kuya rito, tapos nagkagulohan. Kaya naguidance kami. Hindi ka ba magsasagot?"

"Oh.." sabay tumango-tango.

Napairap nalang ako sa kawalan. Yung inaakala kong kay Kuya lang ako maii-stress aba ay sa kaibigan ko rin pala.

"What about you? Bakit ka late?" baling ko sa kaniya. Ako naman ngayon ang magtatanong.

"K-Kase.." nag-iwas ito ng tingin sakin.

This Psycho is a PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon