Prologue

344 34 0
                                    

"Maniwala man kayo o hindi, hindi talaga ako ang pumatay sa kanya. Nasabit lang ako."

"Pero sabi ng mga kasama mo nakita ka raw nila no'ng gabing 'yon."

"Ewan ko sa kanila, basta pag katapos ng event ay umuwi na agad ako."

"Sa nakita namin sa CCTV ay kasama mo pumunta ang biktima sa loob ng bodega kung saan malapit nakita ang katawan ng biktima."

"Oo inaamin ko, kasama ko siya no'n kasi...inutusan kami ni Mrs. Castro na kunin ang mga lumang gamit, para raw maibenta sa mangbabakal."

"Bakit naman kayo inutusan no'n kung may event sa cover court ninyo. Para lang maibenta? kaya kayo inutusan."

"Ewan ko sir pero dahil doon may nakita kaming importanteng bagay na nakuha ng biktima sa bodega na 'yon."

"Ano?"

"Isang kahon."

"Kahon?"

"Anong itsura ng kahon na 'yon?"

"Kulay red na may lock, may kaunting kaliitan, t'saka halatang lumana dahil kupas na ang kulay."

***

"Hindi! bakit ko naman siya papatayin ano ako baliw, para lang patayin ko siya?"

"Sabi ng mga kaklase mo ikaw ang unang-una may galit sa biktima kaya posible hindi mo 'yon magawa sa kanya. Dahil simula elementary pa raw kayo ay may galit kana sa biktima?"

"Oo may galit ako sa kanya! dahil na iingit ako! naiingit ako kasi lahat ng atensyon nasa kanya, pero kahit kailan hindi ko magagawa sa kanya 'yon! hindi pa ako baliw para gumawa ng ganon ka brutal na sistema."

***

"Oo nandoon ako ng makita silang dalawa sa bodega na paalis na. Akala ko ay may ginawa lang kababalaghan doon sa likod, kaya binaliwala ko lang. Pero may kutob na talaga ako no'n."

"Kung may kutob kana talaga bakit hindi mo lang sinilip kahit saglit o kaya nagtaka dahil ganong oras sila umalis sa bodega at bakit nandoon ka rin ng mga oras no'n? Ano ginagawa mo no'n sa mga oras na 'yon?"

***

"Mamang pulis parang awa ninyo na hindi ko 'yon gagawin sa dati kung kaibigan, kahit may laitan kaming dalawa, pero hindi ko kayang pumatay."

"Pero ikaw lang tinuturo nila na may malaking galit sa biktima bago siya mamatay."

"Oo may malaking galit ako sa kanya, dahil sa kanya na matay Papa ko pero hindi ko kayang pumatay."

"At ikaw rin ang nagkulong sa kanya dati sa C.R. ng buhay pa siya. Kaya ikaw ang pangatlong suspect na may kakayahang gumawa sa kanya ng ganon."

"Sir hindi nga po ako! at kahit kailan ay hindi ko siya kayang saktan dahil naging kapatid ko na rin turing ko sa kanya, kahit malalim ang galit ko na ngingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Pero sir may mga kilala ako na palagi siyang sinasaktan no'ng buhay pa siya"

"Sino sila?"

"Si Kendra, si Isabel, 'tsaka si Brenda."

***

"Ano?! sinabi niya 'yon?!"

"Relax miss."

"Paano magre-relax kung kaibigan mo traydor."

"So sinasabi mo ba ikaw ang gumawa ng pagpaslang sa biktima?"

"No! hindi ko 'yon magagawa kahit inagaw niya boyfriend ko."

"Mula sa CCTV ng event ay nakita namin na may nilagay kang kung ano sa inumin ng biktima? drugs ba ang nilagay mo? para hindi maka-uwi ang biktima?"

"Y-yes."

"P-pero---"

"Alam mo bang makakasuhan ka sa ginawa mo?"

"Y-yes"

"Meron ka bang kasabwat rito?"

"M-meron"

"Mga sino sila?"

"Si I-Ivan. Kaibigan din niya."

***

"Hindi! 'wag kayo maniwala! bakit ko naman gagawin 'yon sa kanya!"

"Pero ikaw ang pangalawang suspect at huling kasama niya bago mawala ang biktima."


"Hindi ako ang huling na kasama niya."

"Sino?"

"Ex-boyfriend ni Kendra. Si Toby."

***

"Yeah. Inaamin ko, ako ang huling kasama niya. Pero bibili lang dapat ako ng tubig at gamot para sa kanya dahil nahihilo siya ng mga time na 'yon."

"Tapos ano nangyari?"

"'Yon nga pina-upo ko muna siya sa bench kung saan walang tao. Akala ko rin sa mga oras na 'yon ay umuwi na siya at hindi na ako hinintay pa. Pero hindi ko naman din aakalain na 'yon na pala ang huli naming pagkikita ng pagkabalik ko."


[M_K]

What's the truth? [Senior High 1]Where stories live. Discover now