Episode 11

63 23 2
                                    

-(Juli)-

"Juli meron kanang na hanap na susuotin mo sa Js prom?" nawala ang atensyon ko sa aking sinusulat ng tanungin ako ni Ivan.

"Wala pa. Ikaw ba?"

"Meron na no'ng sunday pa. Kabilis ng panahon 'no? next week na agad Js prom, excited tuloy ako masayaw ka..."

Oo nga ang bilis ng panahon sa sobrang bilis ang dami na nangyari, muntikan ko pa makalimutan may Js prom pala kami.

"Hoy nakikinig kaba?"

"Huh?"

"Tss ano ba 'yan, ang dami kong sinabi rito hindi ka pala nakikinig."

"Sorry madami lang ako iniisip."


"Oo nga pansin ko rin 'yan parang may malalim kang problema? magsabi ka nga ano ba nangyayari sayo?" pinaningkitan niya ako ng mata.

Akward tuloy ako tumawa. "Haha ano kaba. Wala akong problema. Madami lang talaga ako inisip tungkol sa mga project namin. Ayon lang. Wala ng iba kaya 'wag kang ano d'yan," mahina ko siyang pinalo sa balikat.

Ang pagkakaalam kasi ni Ivan ay tungkol lang sa issue namin ni Toby kay Kendra. Pero hindi niya alam 'yong nangyaring pagkabaril sa Papa ni Gina.

"Ok sabi mo," tango nito upang makahinga ako ng maluwag.

Ano ba 'to, bakit parang na papadalas ang pagiging kabado ko?

"By the way ma-iba nga tayo. Sa Saturday ba meron kang gagawin?"

Kumunot ang noo ko. "Wala naman, bakit?"

Napakamot ito sa tainga na parang na hihiya pa itong sabihin. "Yayain sana kita lumabas kung p'wede?"

"Parang date?" kaswal kong sabi. Tinaasan ko ito ng kilay nang makita ang pagmumula ng kanyang tainga.

Nahihiya itong tumango. "P-parang date nga, pero ayos lang kung ayaw---"

"Sige."

"Huh?"

"Sabi ko sige. Saan meet up at anong oras ba?"

Matagal pa ito nakasagot na parang pinuperseso pa ang aking sinabi?

Tinagilid ko ang aking ulo. "Ayaw mo ba?" taas kilay kong tanong.

Mabilis itong niwagwag ang dalawang kamay sa pagkataranta.

"Hindi—I mean gusto. Saktong 8am. Sa 711 tayo magkita. Wala nang bawian ah," masayang sambit nito.

Natatawang akong na papailing ng makita ang pagkaligalig nito. "Opo boss."

***

"Harper bakit ka nandito?" takang tanong ko ng makita lumapit siya sa pintuan at hindi pa pumapasok.

Malapit na ako mag-graduate sa senior high pero ngayon ko lang nalaman na kaklase ko pala siya sa isang subject namin. Niminsan kasi ay hindi ko siya nakikita kahit nga sa room ay hindi o baka hindi pa ako interestsado sa kanya dati. Ewan basta ang mahalaga ay alam ko na tungkol sa kanya kahit papaano.

Nilingon niya ako. "Pinapatawag ka ni Ma'am Kim sa faculty may uutos ata sayo?"

Tumango ako.

Akala ko ay aalis na si Harper ng pagkasabi niya no'n pero mula sa loob ng room ay parang may hinahanap siya?

Sinundan ko ang tingin nito at nang makita ay parang kumirot ang puso ko.

Si Gina?

"Bakit hindi mo kausapin at hindi ka rin 'yan parang tanga naka silip," napaigtad ito na akala ata niya ay umalis na ako.

"Huh? ano sumisilip? hindi ko sinisilip si Gina no?" napapikit siya ng mapagtanto ang kanyang sinabi.

Mapang asar na ngisi ang gumuhit sa aking labi. "O see? nadulas ka sa sarili mong salita," sambit ko para ikapula niya.

Ang cutie pala niya pagnabuboking, lalo na pagnamumula ang pisngi nito.


Kahit masakit ng kaunti ay pumukaw pa rin sa akin ang tuwa, dahil meron na nagkakagusto sa 'king bestie, kaso patago naman at torpe pa.

Maganda naman si Gina pero palagi siya na kikipag-away, hindi away na makipag basag ulo kundi makipag away sa pasalitaan. Kaya iyong mga lalaki na gustong manligaw ay na papaatras na lang dahil ayaw nila mabigyan ng matalim na salita.

Mabuti na lang at hindi malalim ang pagkagusto ko kay Harper kaya ayos lang sa 'kin kung may iba itong gusto.

"Tss lapitan mo kasi hindi naman na ngangain ng tao kaibigan ko," sabi ko bago hawakan ang balikat niya.

Halos isang dangkal lang ang taas namin ni Harper, kaya walang kahirap ko siyang nakakausap na hindi kailangan nakatingala.

"E, paano kung i-snob niya ako, tulad na lang noong pagbunggo ko sa kanya no'ng nakaran," sabi nito na ikinagulat ko naman.

Mahina ko siyang sinuntok sa braso. "Hala siya! ikaw ahh! kaya pala bigla ka nalang sumulpot, iyon pala gusto mo lang magpapansin."

Halos magkamatis na ang mukha nito dahil sa mga sinabi ko.

Tinaasan ko siya ng kilay nang may maisip ako. Kahit galit sa 'kin si Gina ay syemper hindi ko kailangan pabayaan siya na walang love life.

"Gusto mo bang mapalapit sa kanya?"

Mapang-asar na ngisi ang bumalot muli sa aking labi dahil sa sagot nito.

"G-gusto."

***

"Hello po Ma'am Kim, ano po 'yon bakit ninyo po ako pinatawag?"

Mula sa pag-aayos ng papel ay inangat niya ang tingin.

"Tara dine," utos niya at tinuro ang bakanting upuan.

Pagkaupo ay ibinigay nito ang tatlong envelope. "P'wede mo ba 'tong ibigay sa head teacher. Kilala mo naman siguro si Mrs. Castor?"

"Yes Ma'am."

"Pakisabi kailangan niyang pirmahan 'to. Ingatan mo ah baka magsiliparan."

"Opo ma'am," sabi ko at tumayo na.

"Sige salamat hija."

***

Papuntang office ni Mrs. Castor ay tanaw ko na agad ang dalawang nakatayo sa pintuan.

Hindi muna ako tumuloy upang bigyan sila ng respeto tatalikod pa lang ay narinig ko ang pamilyar na pangalan.

"Hindi. Hindi makukulong anak ko dahil lang d'yan sa babaeng Sabrina na 'yan!"

Bakit na damay ang Ate ni Gina?

"Ano ba Marsela baka sino makarinig sayo. 'Tsaka matagal ng patay anak natin."

"Hindi Narselo. Buhay pa anak natin nakakausap ko pa nga siya, e. Natatakot siya baka makulong siya dahil sa hindi sadyang pagpatay niya kay Sabrina," hinanakit nitong sumbong sa asawa.

Halos mamanhid ako ng marinig ang katagang iyon.

Hindi aksidente ang nangyari sa pagkamatay ni ate Sab? at hindi rin siya tumalon sa building ng school para lang magpakamatay? dahil meron palang pumatay sa kanya.

Ang pumatay ay ang anak ni Mrs. Castor?! na nagpakamatay rin, dahil raw sa depression.

[M_K]

What's the truth? [Senior High 1]Where stories live. Discover now