Episode 13

55 20 0
                                    

-(Juli)-

"Hoy Juli?"

"Huh?"

"Bakit balisa ka? ayos ka lang ba? gusto mo ba huwag na lang tayo tumuloy?" nag-alalang sabi ni Ivan.

Umiling agad ako at hinawakan ang kanang kamay niya. "Hindi. Ayos lang ako tara na," nakangiting sabi ko bago siya hitakin papasok sa loob ng mall.

Naging maayos naman ang aming date. Kahit papaano ay nawala ang gumugulo sa 'king utak.

"Juli tara doon!" sigaw ni Ivan na tinuturo ang isang arcade na malamit sa KFC.

Kita ko sa mga mata ni Ivan ang saya at hindi ko maiwasan maging katulad rin niya. Nakakahawa kasi ang tawa, pati ang pagiging maligalig nito.

Pumunta kami sa isang palaruan na kailangan pang bumili ng token. Nang makabili ay pumunta naman kami sa dalawang motor. Nagkarirahan kami gamit iyon. Tawa siya ng tawa nang makita nakasimagot ako dahil sa aking pagkatalo.

Inakbayan niya ako at dinala naman sa isang palaro. Basketball.

Muli ay nagpustahan kami kung sino matatalo ay siya ang mang lilibre ng pakain. Taas noo ako nagyayabang ng matalo ko siya. O baka nagpatalo?

Pilyong ngumisi siya. "Tss galing naman ni Juli ganda."

Hinawi ko ang aking buhok upang magyabang sa kanya. "Syemper kuya ko ata basketball player," pagbibidang sabi ko.

Basketball player dati ang kuya ko, palagi ito na nanalo sa contest sa dating nitong pinapasukang school na hindi pa ito tumigil sa pag-aaral. Palagi niya ako ni lilibre kapagpanalo siya o kaya pag may free time ay tinuturuan niya ako.

Inuturo ko ang katapat ng Jollibee kung saan nakatayo ang isang ice cream shop na may cotton candy na tinitinda. Iniwan muna ako ni Ivan upang bumili ng ice cream at cotton candy.


Hindi naman ito nagtagal at naka balik kaagad.

Pagkaabot ay ginulo nito ang buhok ko na sinamaan ko naman siya ng tingin. "Tss ang hilig mo talaga sa matatamis buti na lang hindi na sisira ngipin mo."

Napatigil ako sa pagdila ng ice cream ng marinig ko ang mahinang sabi nito. Hinarap ko siya. "E, bakit ba. Kung inggit? pikit," sabay irap.

"Sungit. Tara sine na lang tayo. Meron bagong movie, Zombies Apocalypse kakalabas lang," recommended niya bago ako itinulak sa likod papasok sa entrance kung saan bibili ng ticket.

***

Naging maayos naman ang aming buong araw hanggang magkayayaan ng uwi.

"7 na pala? kabilis," kumento nito.

Napasilip rin ako sa 'king suot na relo. "Oo nga hindi ko kaagad na malayan 'yong oras. Masyado ako na aliw. Tara uwi na tayo."

Nabigla ako ng hawakan nito ang kamay ko. "Mabuti pa nga baka hinahanap kana sa inyo."

8:20 ng makarating kami sa 'min. Nilingon ko si Ivan na kanina pang hindi mapakali. Najejebs ba 'to?

"Ivan hindi ka pa ba uuwi?" takang tanong ko.

Nahihiya ito napahawak sa batok. "Ah oo mamaya, masyadong maaga pa kasi..." sagot nito.

Tumango na lang ako at balak ng pumasok. "Hmm ok sige mauna na---"

"Teka Juli—ano kasi p'wede ba mag-usap tayo kahit saglit may sasabihin kasi ako," nahihiya pa nitong sambit.

Mula sa pagkapasok ng gate ay muli ako lumabas.

"Sige ano 'yon?"

Sumunod ako sa kanya ng maglakad ito papunta sa isang sulok na hindi masyadong malayo sa aming bahay. Pinagtaasan ko siya ng kilay na hindi pa ito nagsasalita. Masyadong siyang pa excite.

What's the truth? [Senior High 1]Where stories live. Discover now