7

18 4 0
                                    

Jaxie


Nakaawang lang ang bunganga ko habang nakaupo sa kama ko dahil tanghaling tapat na at wala sa tamang wisyo ang isip ko.

"Fvck, meron pala akong pasok ngayon!!" haha sensya ha, di ako nakatulog ng maayos kagabi dahil ki Yvi..

Dali dali naman akong bumuhat sa kama tapos kinuha ang tuwalya atsaka dumiretso sa banyo para maligo dahil 7AM na.

Ilang minuto na ang nakalipas at natapos din ako. At dahil namamadali ako ay tinignan ko ang oras sa cp ko, nang makita ko ang oras ay agad ko naman itong ibinaba at ilang segundo bago nagprocess sa utak ko ang nakita, tinignan ko ulit ang oras saka bumaba ng tingin sa date ngayon at ulala lang talaga ako.

Lutang na lutang ako na di ko manlang naisip na Sabado pala..

'ayan sige! Sipag sipag mo mag-aral ngayon purket nandodoon ang inspirasyon!' Aba kung makasalita akala mo tao e. Syempre utak ko lang yan pero kung hindi ko talaga yan parte baka napatay ko na siya..

Aishhh makapagtrabaho na nga lang sa Music Store, alam ko naman na nasa Music Store na si Tito dahil wala na siya dito sa bahay.

Nagbihis na ako ng casual kong damit, bago ako lumabas ng bahay chineck ko muna ang lahat ng parte ng bahay kung may nakalimutan pa ba akong i off o linisan. At dahil wala naman ay dali dali na din akong lumabas dala-dala ang helmet patungo sa Motorbike ko. Mahaba haba din ang byahe ko kaya mas mainam kung ngayon na ako aalis sa bahay.

Almost 20 minutes akong nakarating sa Music Store, minabilisan ko lang ang pagbyahe dahil gusto ko siyang makita sa Store. Buti naman din at hindi Traffic, nakapagbwelo ako ng pag papa- speed ng motorbike ko.

At dahil hindi ako nakapagayos masyado sa bahay dahil sa pagmamadali, tinakbo ko ang entrance papuntang kwarto ko para ayusin sarili ko.

Nang matapos ay bumalik ako sa counter hoping na nasa tabi tabi lang siya. I checked myself once again in the mirror kung yung look ko ngayon ay ang look na lagi niyang nakikita.

Ilang minutos din akong nasa counter tapos ineenjoy ang music pero wala parin siya dito sa Store. Asan ba siya? Hindi ko man lang alam phone no. Niya para matawagan ko siya.

Nakarinig naman ako ng tunog ng pintoang bubukas kaya mabilis pa ki flash ako tumingin sa kinaroroonan nun.

At doon nakita ko ang babaeng hinihintay ko kanina pa. Frustrated is written in her face, why?? Na traffic ba siya?

"Agh!! Ang traffic traffic! May shortcut naman pala di pa dun nagsuot!"inis na sabi nito.

I chuckled dahilan ng pagtingin niya sakin. Pinamulahan naman ako pero maya maya din ni-clear ko yung lalamunan ko pagpapahiwatig ko na wala siyang Nakita kanina.

"Hiii" pagbati sakin ni Yvi. Nagkarooon naman kami ng closure sa isa't isa kaya medyo comfortable na siya sakin.

"Hello Yvi" with my catfishing voice. Gumanti ako sakaniya ng bati.

"So how's the day? Mukhang nastress ka ata, pawis na pawis ka e" nakalapit na siya sakin.

Mabilis naman akong umiwas kasi nararamdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Ahh, eh wala to nagrush lang akong pumunta dito kasi si Tito aalis daw may pupuntahan." Pagpapaliwanag ko. Pero kinakabahan parin talaga ako kapag malapit siya sakin.

"Alright, I'll believe you, pero kamusta kayo ng Tito mo?" Tanong Nito sakin.

"Okay lang naman kami, uhm kayo ba ng mga magulang mo? " sagot tanong ko sakaniya.

"Uhh... walanasilasatabikosimulabata palangako" she mumbled.

Yvi


Nakaramdam naman ako nangpagkalungkot ng tinanong niya ang tungkol sa mga magulang kong wala ngayon sa piling ko.

Nagkaroon naman ng katahimikan sa kinaroroonan namin. Awkward ang atmosphere dito at nagiging uncomfortable na din ako sa sinabi niya at sa Silence.

"Uhm, sorry, if I was insensitive."

"It's okay, Uh I know naman na you don't know anything about my parents so it is a valid reason." I smiled.

"Uh, do you want to listen ba and maybe recommend one song na itutugtog ko sa guitar so I can at least cheer you up?" he smiled with a lots of emotion hidden behind it.

"Yea, that could work... At least" awkward akong napangiti sakaniya knowing na he's trying to lift me up or lighten up the atmosphere. "How about some Nirvana songs? Mahirap din siyang kantahin so uhm play mo nalang" ngumiti nalang ako sakaniya ng tipid, grabeng pula ko na sana kung dahil ngumiti siya at tutugtogan ako. Pero different case kasi to e.. nalulungkot ako hindi dahil sa tanong niya, nalulungkot ako dahil may tao din palang magchecheer up at magsstand by sa tabi ko kahit nalulungkot ako at ready to entertain me, to lighten up the mood and to make me smile. Nalulungkot ako dahil kaya nilang bigyan ng comfort ang isang taong malungkot.. isa ako sa mga taong titignan ka lang kung iiyak ka kasi Hindi marunong mangcomfort ng kapwa tao dahil mas lalo lang din akong nasasaktang makita sila ng malapitan.

"Hmm how about In Bloom?" He asked, nakakahipnotismo talaga ang boses niya, deep voice kasi siya and I find it so attractive. Is he seducing me? Ay joke wag assuming.

"Yea, every Nirvana songs is okay." Makita ko lang siyang tumugtog ulit, kahit anong songs o musika ang itugtog niya, masaya na ako.

Inayos niya muna ang electric guitar niya, and I think he's adjusting the guitar tones or whatever it's called. Tinry niyang istrum ang strings para makuha ang gusto niyang tone.

"Okay, it's ready to be played" he muttered.

While he was playing, I noticed how handsome he looks, nakakamesmerize ang kapogian niya kahit nakaface mask siya. And how elegant he's strumming to every strings of the guitar.. I want to listen to his playing, I want to look at how he plays, and how his fingers move.

And then.. the moment the darkness took me all, I knew that I could no longer see him playing...



THIRD PERSON'S POV

Nakatulog si Yvi habang tumutugtog si Ion, Hindi naman namalayan ni Ion na si Yvi ay nakatulog sa kadahilanang wala siyang ginawa kundi ang tumugtog ng tumugtog, naakit sa naririnig niyang tono.

Nang mapansin ni Ion na tulog na ang babaeng kaniyang katabi kanina lang. Nakaupo kasi sila sa isang sofa na kasiya ang dalawang tao, pero dahil nakatulog si Yvi ang pwesto nito ay nakaupo ngunit ang ulo'y nakahilig sa ibabaw ng sofa, at para naman maging komportable ang babaeng ito, ipinatong ni Ion ang ulo ng babaeng katabi niya sa kaniyang balikat upang maging silbing ulunan nito't hindi mangalay ang kaniyang leeg.

Itinabi ni Ion ang kaniyang Gitara sa bandang gilid niya at pinagmasdan nalang ang babaeng nasa katabi niya't nakaulunan sa balikat niya. Napangiti naman siya sa nakita niya sa babaeng anghel na natutulog. Ilang minuto din ang lumipas habang nakatingin siya sa babae nang mapansin niya naman ang labi ni Yvi, mapula ito at tila nawala ata bigla sa wisyo si Ion ng makita niya ang labi ng babaeng ito.

Nagkaroon pa siya ng imahinasyon tungkol ki Yvi at ang labi nito. At dahil sa imahinasyon niya ay hindi niya napansin na malapit na pala ang mukha nila sa isa't isa. Bigla namang umiwas si Ion at sinampal ang mukha niya, pinagmasdan niya ulit si Yvi ng ilang segundo o minuto bago nilamon ng antok.

Makalipas ang ilang oras(2hrs) ay dumating na ang Tito ni Ion sa tindahan nila. Nabigla man sa nakita niya't bago lang ito sa paningin niya ay hindi niya mapigilang hindi mapangiti sa nakita, iyon ay walang iba kundi sina Ion at Yvi, magkasama at magkatabing natutulog ng mahimbing sa sofa.

____________

Grabe parang mas mahaba pa author's note ko kaysa sa story itself.

The Guy I Like isn't actually a guy?(GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon