pxenxa n kung ngeun lng aq nkpag-updte kc ngk-problema itong laptop ko....
buti nlng at naagapan pa...
kumusta?
n miss niuo b ako???
well, heto na nga pala ang hinihintay n'yo na kasunod.............
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER TWO: When Dustin left........
DUSTIN'S POV
Aalis na ako mamayang madaling-araw. Kahit na ayaw ko pero kailangan talaga. Kaya tatawag ako kay Xeska para bantayan si Casey. Idi-nial ko agad ang number n'ya.
( XESKA ON GOING CALL.....)
(Hello?)
"Xes...."
( Oh Dustin, napatawag ka? )
"May ipapakiusap sana ako sa'yo kung okay lang sana."
( Ano naman 'yon? )
"Aalis kasi ako papunta ng Germany. Gusto ko sanang bantayan mo si Casey."
( Ano? )
"Sige na Xes, ngayon lang ako hihingi sa'yo pabor."
( Hindi na baby 'yang girlfriend mo para bantayan ko pa. At saka wala ka bang tiwala sa kanya? )
"I know and I trust her. It's just ayaw ko lang na may ibang umaaligid-aligid sa kanya."
( Obsessed ka na 'ata du'n sa Casey mo. )
"Hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang......."
( Okay. Babantayan ko na s'ya. )
"Salamat. Sige, magpapaalam na ako. Mag-eempaki pa kasi ako eh."
( Basta pasalubong ko 'wag mong kakalimutan. )
"Hahaha! Oo naman 'no. Ikaw pa."
( Sige. Ingat na lang sa byahe , dustin. Pakikumusta mo na lang din ako kay Tito Harry. )
"Sige."
*TOOT! *TOOT! *TOOT!
END OF THE CALL
Buti na lamang, napakiusapan ko si Xeska. Hindi naman kasi pwedeng kay Mommy ko ihabilin si Casey. Alam ko kasing ayaw n'ya du'n but I don't care about what she says to Casey. Basta nagmamahalan kaming dalawa ni Casey, 'yon ang importante.
END OF DUSTIN'S POV
Kinabukasan......
XESKA'S POV
Nandito kami ngayon ni Casey sa Rustan's Shangri-La, nagsa-shopping. Pareho kasi kaming naiinip aside from being sad nitong si Casey dahil nga sa pag-alis ni Dustin kaya napagkasunduan namin na magshopping. Araw kasi ng Linggo ngayon.
Saka mabuti na rin 'yon na magkasama kami nitong si Casey ngayon para mabantayan ko. Hehehe! Pero sa totoo lang, hindi na ito dapat gawin kasi one woman one man naman itong si Casey eh. It's very obvious na head over heels na inlove ang isang 'to kay Dustin.
"Two weeks si Dustin sa Germany? Ano ang ginagawa n'ya roon?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na umalis si Dustin
"Sinasamahan n'ya si Tito Harry." Sagot n'ya
"Talagang ginu-groom na si Dustin ng daddy n'ya bilang future successor ng company nila. Maswerte ka dahil responsible s'ya. Makikinita mo na kung paano s'ya magiging asawa sa iyo."
YOU ARE READING
I'm InLove With My Bestfriend's Girlfriend
Teen FictionIsa na lamang ang kulang para maging perpekto na ang relasyon ni Casey at ng boyfriend niyang si Dustin: Ang makuha ang approval ng ina nito na hindi boto sa kanya para dito. Para maisakatuparan iyon ay pinun...