CHAPTER 3: THE PLAN
Second day ng wala si Dustin. Nagpalakad-lakad ako sa loob ng aking silip para pag-isipan kung papaano ko makukuha ang approval ni Tita Helena sa relasyon namin ni Dustin. Hindi ko pa gaanong kilala si Tita Helena dahil hindi n’ya ako binigyan ng pagkakataon na mapalapit sa kanya kahit kailan. Tuloy ay nahihirapan akong mag-isip kung paano ko s’ya mai-impress.
Kinuha ko ang cellphone na nasa ibabaw kama at agad kong tinawagan si Xeska para magpatulong.
( XESKA ON GOING CALL... )
“Hello?”
( Hi? )
“Magpapatulong sana ako sa’yo.”
( Magpatulong? Saan? )
“Kay Tita Helena.”
( Whay about her? )
“Magpapa-good shot ako sa kanya.”
( Magpapa-good shot kay Tita Helena? Hmmm.... Thatt’s brilliant, Casey! Panahon na para magkasundo kayo ng future mother-in-law --- err -- ng mother ni Dustin. )
“Ano ang maisa-suggest mo? Should I bake her a cake? Ipagluto ko kaya siya ng laing o Bicol express?”
Bicolana kasi si Tita Helena.
( As if you can bake and cook? )
“Bibili ako ng cake at lutong laing at sasabihin kong ako ang gumawa no’n.”
( That’s not a good idea. Paano kung pag-bake-in o paglutuin ka niya on the spot para i-test ka? Mapapahiya ka lang. )
Sabagay, maaari ngang gawin ni Tita Helena ‘yon. Hindi naman mahirap hulaang wala akong alam sa mga gawaing pangkusina.
“What’s the best way ba to an older woman’s heart? Mag-volunteer kaya akong samahan siya sa isang ballroom lesson?”
( Alam mo, Casey, wala sa hitsura ni Tita Helena na hobby niya ang pagbo-ballroom. Napaka-stiff kaya niya. Baka instead na matuwa siya sa iyo ay kabaligtaran ang mangyari kung bigyan mo siya ng dance instructor. Bakit hindi si Dustin ang tanungin mo kung anu-ano ang interest ng Mommy n’ya? ) suggest ni Xeska
“Hindi pwede. I want to do this on my own and if possible, without Dustin’s help. Gusto kong magulat siya pagbalik niya from Germany kapag nakita niyang nakuha ko na ang approval ng mommy niya. I want him to see how far I’m willing to go para sa relationship namin. I want to show him how much I love him.”
( Okay, okay. Nakuha ko na. Pero paano mo magagawa ang misyon mo nang walang tulong ng iba, aber? )
“Wala akong sinabing hindi ako willing na mag-seek ng help ng ibang tao. I am, as long as hindi si Dustin.”
( Sino pa ba ang makakatulong sa iyo sa mommy ni Dustin? Si Tito Harry kaya? Nasa Germany nga rin pala siya. How about iyong cousins ni Dustin? Kaso may nabanggit si Dustin noon na hindi masyadong gusto ni Tita Helena ang mga cousins ni Dustin. )
“Yeah. Napakahirap naman kasing i-please ni Tita Helena. Siguradong hindi rin ako matutulungan ng relatives ni Dustin.”
( May naisip ako, Casey. Bakit hindi ka lumapit sa bestfriend ni Dustin? Nabanggit siya sa atin ni Dustin kapag kumakain tayo sa labas. According to Dustin, close rin daw ang bestfriend niya kay Tita Helena. Parang anak na nga rin daw ang turing ni Tita Helena rito. )
“Really? Sinabi niya iyon? Bakit hindi ko natatandaan?”
( Paano naman kasi, puro pagtitig kay Dustin ang inaatupag mo kapag magkasama tayo.)
“I couldn’t help it. My boyfriend is sinfully good-looking. Ano ang pangalan ng bestfriend niya?”
(Pati ba naman ‘yon, hindi mo alam? ‘Zaie.’ Mukhang tamang-tama siya para sa pinaplno mo.)
Iyon din ang palagay ko.
“I need to see and talk to him. But first, I need to know kung saan ko siya mapupuntahan. May nabanggit ba si Dustin kung saang company nagtatrabaho si Zaien?”
(Nakalimutan ko ang pangalan ng company. Pero natatandaan ko ang office no’n. Sa Nixon Tower sa Makati.)
“Great. Nakalimutan mo a ng company name pero ang address, naaalala mo.”
(Sorry, I have selective memory. Ipagtanong mo na lang sa security guard. Baka kilala nila si Zaien. ‘Jan Zaien Samaniego’ ang fullname niya.)
“Thanks Xeska.”
(Kailan mo pupuntahan?)
“Ngayon na.”
(O siya sige. Take care and goodluck.)
“Okay. Bye.”
(Bye.)
END OF THE CALL
Pagkatapos naming mag-usap ni Xeska sa phone, kinuha ko agad ang susi ng kotse ko at lumabas na kwarto.
END OF CASEY’S POV
YOU ARE READING
I'm InLove With My Bestfriend's Girlfriend
Teen FictionIsa na lamang ang kulang para maging perpekto na ang relasyon ni Casey at ng boyfriend niyang si Dustin: Ang makuha ang approval ng ina nito na hindi boto sa kanya para dito. Para maisakatuparan iyon ay pinun...