"CAN I ORDER YOUR
BARISTA?"_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
"Hayys! Grabe dalawang oras lang tulog ko! "
Nagulat ako nang na kita ang pagmumukha ni Shanaya na mukhang sabog sabog pa ang buhok. Hindi manlang nagsuklay ang bruha!"Wehh? Seryoso? Sana all natulog"Sagot ko naman habang pinagpatuloy ang ginagawa kong story.
"Halata nga sayong hindi kapa natulog. Mukha ka kasing zombie beh!"Pagbibiro nya pa Kaya inismidan ko lang sya.
Nakatira kami ng kaibigan kong si Shanaya sa iisang bahay na sakto lang sa amin. May sarili na kaming coffee shop ni Shanaya at salitan kami sa pagbabantay doon. Ako sa gabi at sya sa umaga.
Puyat sya sa pagbabasa ng notes dahil may exam pa sya mamaya at ako naman ay halos wala pang tulog dahil sa ginagawa kong story para makapag pahinga na ako sa weekend.
Shanaya is studying law while me? I'm a famous writer.
Marami nga nagtatanong kung bakit ko piniling mag sulat kaysa sa mga trabaho na mas maganda like lawyer, engineer, doctor, etc.
Whenever they asked that I just ignored them. Bata palang mahilig na talaga ako mag sulat and also paint.I really love writing because, How can I not love writing? I can literally create any world, any characters,anything. I also love reading because that's my source of happiness and my lifestyle.
Sa pamamagitan ng pagsusulat ay nagiging masaya ako, nakaka-inspire ako ng mga tao.
"OH MY GOSH! " Nagulat ako sa boses ni Shanaya kaya nilingon ko sya at kinunutan ko ng noo.
"Beh! Nandito na sa Pinas si Jiro! Kyahhh!" Inalog alog nya ang balikat ko sa sobrang kilig nya dahil nasa Pilipinas na ang Idol nyang si Jiro na best friend nya daw noong bata pa sya.
"Sus! Wala kang pag asa dun tanga! Baka nga may jowa na yun ehh"Asar ko sa kanya kaya sumimangot sya at hinampas ang balikat ko na ikinatawa ko naman.
"Grabe ka naman!"Ngumuso pa sya. Ang hilig talaga mang hampas ng babae nato ang sarap isako!
Kinuha ko na ang mga gamit ko at nilagay sa kwarto. Bumalik ako sa sala saka ko kinuha ang tasa ng kape ko at nilagay sa kusina.
"Beh! Kulang ng tao sa shop dahil may emergency daw si Audrey"Sabi nya habang nakatingin sa cellphone nya siguro ay katext nya si Audrey na isa sa mga workers namin sa coffee shop.
"Oh? Don't worry tapos ko na to at sinend ko na sa email ni boss kaya ako na ang pupunta dun."Saad ko. Alam ko namang busy pa si Shan kaya ako na muna ang bantay sa coffee shop. Puyat puyat kasi ang babaita ehh.
"Yiee! Thank you talaga!"niyakap nya ako gago tuwang tuwa!
Sa aming dalawa kasi sya ang ang maingay at ako ang tahimik."No worries, marami ka pang notes na binabasa basta treat me after your exam ha? "Nginitian ko sya.
"Syempre naman! Sus! Yaman yaman kuripot"bulong nya na rinig ko naman.
Tinaasan ko sya ng kilay. Well, mayaman naman kasi ang pamilya namin pero humiwalay ako sa kanila dahil gusto ko maging malaya at takasan ang Dad ko na gusto akong maging Doctor katulad nila ni Mom.
"Ulol"
Pumasok na ako sa kwarto para mag ayos at narinig ko naman si Shan na nag paalam ng umalis. Nagsuot lang ako ng black trouser at white polo na tinupi ko hanggang siko at white snickers. Oh diba medyo boyish kasi ako manamit minsan.Pumasok na ako sa Coffee shop at binati naman ako ng mga workers dito. Medyo marami naman na ang tao.
"Good Morning, Ma'am"
"Morning"bati ko pabalik at tumulong na ako. 'REVERIE CAFE' ang pangalan ng shop namin. Si Shan ang nag pangalan. 'Reverie' means daydream dahil yun din ang pangalan ko.
Malapit ang location ng Shop sa universities at companies kaya naman napaka gandang location ng napili namin. Madalas ay dito rin nag rereview si Shan. Karamihan ng costumers ay mga students at company workers.
Sikat rin ito dahil sa masasarap na tinapay at coffee's na madalas ay ako ang gumagawa ng tinapay dahil may kagalingan din ako gumawa ng tinapay na itinuro ng lola ko noon.Nilabas ko ang phone ko at nag pa picture kay Alliyah. Pinost ko sa Instagram ang picture ko.
@evelacosta:Good day everyone!Comments:
@Natasha23:Ganda tlga
@Shanayalee: naks namn lods!
@LukeLim:Pa order ng barista!
@Addie: Ganda nmn ms. Author!
@Ahya123:Kaya dumarami costumer ehh!
Nag react lng ako at napapailing nalang sa mga kalokohan nila. Marami rin ang nag react kahit kakapost ko pa lang.
Lumabas na ako at pumunta na sa counter. Active ako sa social media kaya nag popost ako ng mga stories ko doon at nag uupdate sa mga readers ko. Ang mga naiipon ko ay dinodonate namin sa charities kaya naman worth it talaga sya.
I am 16 years old ng magsimula akong maging Author at nagtuloy tuloy na. Ibat ibang genre na ang nasulat ko. Habang nagsususlat ay pinagsasabay ko naman ang pagpapaint ko na marami ang bumibili. Meron akong paintings na nakapunta na sa ibang bansa at nasa isang sikat na Art Gallery sa France, Italy, England, America, Russia at China.
I was 18 when I decided to live alone that time nagalit sa akin si Dad dahil pinipilit nya akong maging Doctor pero sa katigasan ng ulo ko ay hindi ako pumayag at naglayas na lang until now hindi parin kami nag uusap-usap. My parents is well known Doctor and we have our own Hospital. My Dad is Famous Surgeon while my mom is Psychologist.
Si Shanaya naman ay Best friend ko since high school at dahil malayo ang bahay nila ay nag decide kami na bumili nalang ng bahay at ginamit namin ang pera galing sa sariling trabaho nung una ay umuupa lang kami hanggang sa nakabili na kami ng bahay at lupa.
Family of lawyers sila Shanaya kaya mayaman din sila. Ang coffee shop naman ay kakabukas lang last month marami na agad tao na nag pupunta dahil na rin sa maganda ang interior design na si Shan ang pumili at naglagay din kami ng mga inspirational quotes at paintings ko rin.
Nabalik ako sa realidad ng may pumasok na costumer. May ginagawa ako kaya hindi ko nakita ang itsura nya. Narinig ko ng binati sya nila Ahya.
"Classic Iced coffee, and two cheese cake miss." I heard a baritone voice said kaya nag angat ako ng tingin at una ko ng nakita ang kanyang mapupulang labi, pointed nose, mahabang pilik mata at charcoal eyes. Grabeng mukha toh bakit ang gwapo? Masyado yatang ginalingan ng gumawa sa kanya.
"Miss? "Pati yung boses shet talaga! Tapos halata pang yummy ayy! este matino.
"Ahh, anything else sir?"Nginitian ko sya ng matamis. Malay mo ma inlove. Pinantayan nya ako ng tingin at tinignan ng seryoso then he said.
"Can I order your barista? "Ayy gago! Malandi pala pero okay lang pogi naman hahaha.
"Ehem!" tinignan ako ni Jullie ng mapang asar na tingin kaya inirapan ko sya at binalikan ng tingin ang lalaki sinabihan na maghintay nalang kaya kumuha na sya ng upuan.
A/N: Hi! I just wanna say na it's unedited po so expect po natin na may mga typos and grammatical error po.Nasa taas po ung house nila. Free to comment po if may mga mali or hndi nyu gets para naman ma itama ko. And please vote po thank you!!!! Mwahhh
YOU ARE READING
Writer X Readers
Non-FictionEvereign Reverie Lacosta A writer who loves to write and create a stories. Maraming tumatangkilik na mambabasa sa kanya at isa syang sikat na novel writer sa bansa sa kanyang murang edad ay sumikat ang kanyang mga gawa na pinalabas na rin sa tv. S...