CHAPTER THREE

27 19 0
                                    

*Evereign's POV*

Today is my book signing in Fleur Publishing house and I am exited and a little bit nervous of course. Hindi naman na bago sakin to kaso nga lang hindi talaga maaalis sa sistema ko ang kaba.

Dahil nga sa medyo sikat na ako ay may mga times pa na may biglang hihigit sakin at mag papa picture or sign.  I just wore a black pollo at tinak in ko sya ng light brown trouser. I just put on a light make up as usual then nag paalam na ako ka Shan.

Habang nag dadrive ay may na kita akong mga bata sa lansangan kaya inihinto kk ang kotse sa tabi at bumili muna ng groceries at saka na ko lumabas.

Pinuntahan ko ang mga bata, lumapit ako sa kanila at bahagyang yumuko para kausapin wala naman na akong pake kahit malate ako.

“Hi!”Bati ko sa kanila

“Hello po!”masayang bati ng batang babae madungis sila pero  halata na may hitsura at base sa kanilang mukha ay magkakapatid sila bale tatlo silang nandito at tahimik lang ang sa tingin ko ay kuya nya habang ang bunso nila na nasa anim na taong gulang ay tila ba namamanghang naka ngiti sa akin.

“Nasaan ang magulang nyo?” tanong ko sa batang lalake na kuya nila mga nasa dose na sya.

“Si Nanay po ay labandera at ang tatay po ay patay na”Napatango ako sa sinabi nya at nakaramdam nang konting lungkot dahil ang babata pa nila.

“Bakit kayo nasa kalsada?Nag paalam ba kayo sa Nanay nyo?”Umiling sila kaya Napa buntong hininga nalang ako.

“Alam nyo ba kung gaano ka delikado dito? Pwede kayong makidnap. Lalong mag aalala ang nanay nyo.”May mga na papansin akong tumitingin sa direksyon ko at ang iba ay tila ba nandidiri sa kanila.

“Nag aaral pa ba kayo?”Umiling ulit sila

“Huminto na po kami kasi po kulang ang pang aral po namin”

“Alam nyo ba na mas makakatulong kayo sa Nanay nyo kung mag aaral kayo? Pag nag aral kayo ng mabuti ay maiaahon nyo ang pamilya nyu sa hirap”

“Ahh halina kayo ihahatid ko kayo sa bahay nyo”Medyo nagdadalawang isip pa ang kuya nila kaya nginitian ko ito na para bang pinapahiwatig na hindi ako masamang tao.

“Ahh ako nga pala si Evereign ate Evereign nalang ang tawag nyo sakin. ” Sabi ko habang nag dadrive tinuro naman na nila ang daan papunta sa bahay nila kaya hindi ako masyadong nahihirapan. Medyo malayo layo pala ang pala ang nilakad nila.

“Pwede po bang ate Eve nalang? Ang haba naman po nun”Naka ngusong saad ng batang babae kaya natawa ako ng bahagya. Ang cute nya kasi pati ng kapatid nyang babae rin na kumakain. Binigay ko kasi sa kanila ang breakfast ko na gawa pa ni Shan.

“ok lang”

“Ako nga po pala si Amaris at eto pong kapatid ko ay si Ariana”

“Ako po pala si Arvin”Ng makarating na kami sa bahay nila ay nakita ko kung gaano ka alalang-alala sa kanila ang nanay nila. Wow sana all.

“Naku!Saan na naman kayo nanggaaling?! Akala ko kung ano ng nangyari sa inyong mga bata kayo!Sinama nyo pa talaga ang kapatid nyo”

Sermon ang naabutan ng tatlo. Galit man ang kanilang Ina ay bakas parin sa mata nito kung gaano sya nag aalala.

Nang mapansin na nandito ako ay nagsalita ito.

“Ayy! Naku ija! Pagpasensyahan mo na sila ahh?”

“Ayy ayos lang po, mababait naman po sila”

Pinapasok ako ni Nanay Aris. Sabi nya Nanay Aris nalang daw itawag ko sa kanya ehh. Hindi malaki ang bahay nila Hindi rin ito maliit sakto lang para sa kanila may tatlong kwarto na maliliit na ang dingding ay kahoy nasa labas naman ang cr at kusina nila malinis din itong tignan at medyo malawak ang bakuran nila na may saktong sukat ng tindahan sa gilid. Dati siguro nilang negosyo ito.

Natapos kaming mag usap ni Nanay Aris at binigay ko ang binili kong groceries sa kanila at limang libo para makapag simula sya ng tindahan. Nung una ay tinatanggihan nya pa pero napilit ko rin maliit lng naman itong tulong. Napag usapan rin namin na mag aaral na ang magkakapatid. Mahalaga sa mga bata ang edukasyon.

“Babye ate Eve!”

“Balik ka dito ha?!”

“Maraming salamat ija, napakabuti mo pagpalain ka ng Diyos.Dumalaw ka ha?”

“Opo dadalaw po ako kapag may oras.Mauna na po ako”kumaway ako sa kanila bago pinaandar ang kotse.

Im smiling while driving and I cant help it. Ang saya lang na nakakatulong ka. Meron man o walang kapalit ay tumulong tayo. Kasi kapag hindi ka madamot hindi ka rin pag dadamutan,there is always a great things in return.

Tinignan  ko ang cellphone ko at nakitang 30 minute late nako kaya minadali pero maingat akong nag drive.

Pagkarating ko sa venue ay hindi mapakali sila Chase,kapwa ko writer din pero mahilig sya magsulat ng mga dark romance.Mabait,pogi, matangkad,maputi oh diba san ka pa

"Huyyy!Gaga ka Reign!hinihintay kana ng mga fans mo!nakakaloka ka!" Ohh diba kung hindi mo kilala su Chase ay maiinlove ka talaga sa mukha nya ehhh kaso bakla ang gaga sayang!

"Tss! pa VIP amp!!" Rinig kong bulong ni Luna,kapwa ko rin writer yan ang may galit sakin ehh. Hindi ko nalang pinapansin yan.

Pumunta ako sa pwesto ko at nakita ko ang mga readers  ko na matyagang naghihintay. Its very heart warming to see that someone  is patiently  waiting for you. Sabi nga 'mas magandang maghintay'. I smiled at hindi ko nalang pinapansin ang mga kapwa ko writers na nagrereklamo dahil ang tagal ko raw.I continued signing the books at may mga nag papa- picture rin ang haba rin kasi ng pila ng akin ehh.

Kanina pa tapos ang book signing  and now nagre-ready na ako para umuwi.
"Reign!" Tinignan ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko.
I was shocked  to see the three here it was Luther,Ben and Carl.Hindi na ako nagulat nang makitang hindi lang ako ang nakatingin sa kanila halos lahat ng nandito ay nakatingin sa kanilang tatlo sino ba naman ang hindi mapapatingin eh ang angas ng dating nila,dagdag mo pa ang tangkad nila(sana all matangakad) ang gwapo pa.

Lumapit sila sa akin
"Anong ginagawa nyo rito?" Curious  kong tanong.
Nahihiyang nagkamot batok naman si Luther

"Ano pa,edi mag papabook sign sayo at picture narin hehe"sagot naman ni Ben.
Naguguluhan ngunit sinunod ko ang gusto nila.Hindi kasi halata na nagbabasa sila ng mga libro na ganun.

Nag aya pa sila na mag dinner daw kami sa isang restaurant kaso tumanggi ako dahil pagod rin ako ngayong araw.
I dont know why pero parang na disappoint ako na kulang sila,wala si Calix although masaya naman kasama ang tatlo siguro nasanay lang na magkasama silang apat.

Umuwi na ako sa bahay pero wala pa si Shan pero baka nasa coffee shop nanaman yun.
She texted me

Shan: May isda pa dyan sa ref

Ano gagawin ko rito?:Me

Shan: Ilabas mo tapos halik-halikan mo teh!malamang yan ang ulamin mo ano?tanga lang?

Natawa nalang ako sakanya oo nga naman noh haha ininit ko nalang yung isda at yun nalang ang kinain ko.

+×+×+×+×+×+×+×+×+
A/N: Sorry for  the late updates:)

Writer X ReadersWhere stories live. Discover now