When you steal for yourself, that makes you a thief. But when you steal for someone else, that makes you a hero – Robin Hood
BREATHLESS
CHAPTER TWO | FORTUNE TELLER
CORA
"Kung hindi kayo sigurado, maiging lumabas na kayo."
Boses iyon ng nanay ko. Mula sa loob ay alam kong mayroon na namans siyang customer na naroon at nagpapahula o kung ano ang ipinapagawa sa kanya. Napaikot na lang ako ng mata at ipinagpatuloy ang ginagawa ko sa harap ng computer. Sanay na ako sa mga ganitong eksena dito araw-araw. Sige na lang ako browse sa website ng Way of the Cross Christ Ministry.
"Hindi naman ho sa ganoon. Maganda naman ang feedback sa inyo ng kaibigan ko. Talagang well recommended kayo. Hindi lang ho kasi talaga ako naniniwala sa ganito. Sa mga multo. Hula."
Umangat ang kilay ko at napangiti sa narinig na sinabi ng kung sinong kausap ng nanay ko sa mini-office niya. Sige ako pagpipindot sa laptop habang lalong lumalapad ang pagngiti. Sigurado na ako, pikon ang nanay ko at lalong gagalingan ang gagawin nito ngayon. Ayaw na ayaw kasi noon na sinasabihan na hindi siya kapanipaniwala.
Wala akong narinig na sagot mula kay Mama. Napakibit-balikat lang ako at biglang malakas na tila pumutok ang narinig ko. Napaikot lang ako ng mata. Hindi na ako nagulat. Naririnig ko na ang mga bulungan ng ibang taong naroon.
"Ang mga kaluluwa ay nasa paligid. Nararamdaman ko. Nakikipag-usap sa akin."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi para hindi makalabas ang kahit na anong pagtawa na gusto kong gawin. For sure, ginamit na ni Mama ang ultimate weapon niya para mapaniwala ang mga pumupunta doon. For sure, nakakakita na ng mga usok na naghuhugis na tao ang mga naroon.
Narinig kong humuhuni si Mama. Umuungol. Nakakarinig din ako ng pagkagulat na reaksyon.
"Oh my God! It's true," bulalas ng isa.
"Huwag ka kasing magulo." Saway naman ng isa. "Madam Trumaine... nagpunta po kami dito para magpahula hindi po para makakita ng mga ligaw na espiritu."
Nanatiling humuhuni si Mama. "Manahimik! Ang espiritung ito ay hindi ko basta-basta mapapaalis. Kilala kayo nito. Kaibigan n'yo daw siya."
"Ayaw ko na dito, Rika. Natatakot na ako." Kinakabahang sabi ng isa. "Ayaw ko ng multo. Sigurado akong si Toby lang 'yan."
"Tanga. Hindi tayo malalapitan ng mga multong iyan. Ikaw naman kasi bakit ayaw mo maniwala." Saway ng isa. "Madam, please. Magpapahula na lang po kami. 'Wag na lang pong multo."
Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. Ngayon ay itinigil ko na muna ang pagba-browse sa tinitingnan kong sekta. Pumunta ako sa Facebook profile ng mga babaeng naroon. Rika Flores at Gail San Pedro. Na-research ko na ang lahat tungkol sa kanila bago pa sila pumunta ito.
"Galit ang espiritu na sumasama sa atin ngayon. Ang pangalan ay nagsisimula sa letrang T." Sabi pa ni Mama.
"Rika! Si Toby nga! Ayaw ko na! Umalis na tayo!" naiiyak na ang boses ng isa.
"Madam Trumaine, kaibigan po namin 'yan. Si Toby." Naiiyak na rin ang boses ng isa pang babae. "Pakisabi po sa kanya na sorry. Hindi ko naman intensiyon na i-backstab siya. Joke lang naman ang sinabi ko sa lamay niya na mabaho ang hininga niya at kuripot siya sa tip sa mga nagiging lalaki niya. Saka sabihin n'yo si Gail talaga ang umagaw sa syota niya."
BINABASA MO ANG
BREATHLESS (COMPLETE)
Fiksi UmumBREATHLESS Coraline Silvestre I grew up to a fortune-teller mother. At a young age, I saw how my mother targets vulnerable victims and make them believe that tarot cards could change their luck. My mother's fortune telling business helped me to hav...