Chapter 10 (Love Letter)

81 1 0
                                        

May 22, 2014


1 week na kami hindi naguusap ni Jr.


Haay... confirmed nga. Sila na nga ulit.


Nakakainis. Syempre, sa sobrang tanga ko, talagang umasa pako na sana maging kami.


Haaay. Ganon talaga noh?


T.T hindi parin sya mawala sa isip ko.


Sana hindi ko sya nakilala. Sana hindi nalang ako umasa.

----------------------------------------------------------------------------------

May 26, 2014


Malapit na matapos ang school. Yeheeey!


"Guys, malapit na matapos ang school. So see you on September? :)"


"Sana po ma'am! Hahahahahahaha!"


"If pasado kaming lahat! Ahahahaha."


Iniisip ko sya. Siguro masaya na sya. Diba?


Gumawa ako dati ng letter para sa kanya, pero nahihiya ako ibigay. Tsaka hindi na rin kami gaanong nag uusap ih.


Hawak ko nga ngayon eh. Binabasa ko uli yung sinulat ko.


"Hello Jr!

Ahhmm.. sorry, matagal ko sana gusto sabihin sayo ito, kaso nahihiya ako noon.

Anyways, thankyou sa lahat lahat. Naging masaya ako nung days na wala akong kasama, andyan ka palage para sakin. :)

Ahhm.. Ang dami ko sana gustong sabihin sayo pero, hindi naman yung importante hehe.

Yung sinabi mo sakin na, gusto mo ako, totoo ba yun?

Kasi gusto din kita Jr. pero ngayon alam ko na may gf ka na, kaya okay lang. :) I understand naman.

Ingaat always Kulit hehe. Bye.

- Marielle"


Haayy. Ang baduy naman u.u hindi ko nalang ibibigay. Pff!


"Hoyy marielle! Ano yaaaan?" - Matteo



Bigla kinuha ng kaclase ko yung letter ko! T.T


"Hoy bakit mo kinuha!? Wag mo basahin!"


Trinay kong kunin ang letter ko pero hindi ko kinaya -.- ayon...nabasa nya.


"Awwww... inlove ang classmate ko ah! :3 bigay mo sa kanya dalii!"


"Ay hindi na! nakakahiya >.<"


"Edi ako nalang!"


"Alaaaah wag!"


"Bigay mo na kasi! u.u"


"Hindi mo alam ang buong storya namin kaya, ssshhhhh!"


"Haaay nako u.u"


"Pero sa tingin mo ba..."


"Bigay mo u.u"


"I'm confused.."


"I know. Anyway, alam ko kaya yung storya nyo u.u kinwento sakin ni Lara :P"


"Alaaaaaaah!"


"Okay lang yun noh kaba! Pede naman kitang tulungan eh!"


"Gege. Ibibigay ko."

---------------------------------------------------------------------------------------------

-Recess-


Bumaba kami ni Matteo at pumunta kami sa labas ng school. Nakita ko sya dun sa may tambayan ng mga ibang pinoy. Nahihiya talaga ako.


"Hoy! ayon sya oh!"


Tinuro nya sakin kung asan si Jr.


"Nahihiya ako!"


"Ibibigay mo lang naman eh.."


"Ibibigay ko nga, eh ano kaya mangyayare after? Tsaka may GF NA SYA!"


"Kahit na u.u kelangan nya malaman lahat pati yung nararamdaman mo."


Lumapit ako kay Jr.


"Jr, gusto ko lang sana ito ibigay sayo. Ahhmm.. okay bye!"


Umalis nako.


Nahihiya talaga ako eh! -.- Ano kaya masasabi nya!? natatakot ako sa magiging reaksyon nya. :c


&quot;PAASA&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon