July 9, 2014
Yeaaah! Bukas na birthday ko at mag 15 nako :) excited nako ahaha! Hindi naman talaga ako mag paparty pero simpleng handa with my Family :)
Wala magawa, dito lang ako sa bahay, nanunuod, nag babasa ng News Feed sa Fb ahaha.
*1 new Message (sa Fb)*
"Hello..."
Psssh. Sino ka?
Pinidot ko ang app ng Messenger...
John Randolf B... : Hello...
Aba! nag paramdam -.- ano nanaman kaya ang kailangan neto -.-
"Hello din" - ako
Hanggang ngayon galit at nasasaktan parin ako nang dahil sa kanya. Hirap nga mag move on.
Sabi ng friend ko:
"Kung gusto mo mag move-on, wag mo syang isipin, kasi kung palagi mo iniisip, malamang hindi ka makaka MOVE-ON. Mag enjoy ka palagi tsaka kelangan mo madistract para unti unti mo sya makakalimutan..."
Yun nga ginagawa ko, pero hindi parin sya mawala e. Palagi ako nag eenjoy, pero after nun, balik nanaman sa lungkot.
Yung feeling na pinipilit mo siyang kalimutan pero hindi mangyare yun kasi nga hindi parin sya mawala sa isip mo. Pinipilit mo syang i-erase sa utak mo, pero hindi mo kaya kasi parang may feelings ka pa sa kanya.
Palage ko naaalala yung masasayang times namin. First time ko lang masaktan ng ganito. Yung ANG SAKIT NGA! Yung feeling na hindi mo maexplain kung gaano kasakit kasi nga masakit! Masakit na masakit! Aaaargggh!
Oo. Ang mga babae mabilis ma FALL. Pero mabilis din kami MASAKTAN ,tandaan nyo yan!
FOREVER PAASA.
Habang nag tytype sya sa messenger..pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ko yung secret diary ko.
Habang kinukuha ko yun, may nahulog na isang paper rose.
Nahulog sa sahig...
Nilimot ko.
Habang hawak ko yun, bigla ako napaluha.
Naalala ko bigla yung VALENTINES DAY...
Yun ang pinaka MAGANDANG memory para sakin.
Sinorprise nya ako nun.
Noong Valentines Day nya binigay sakin yung paper rose.
Talagang pinag hirapan nya yun. Kinulayan pa nya para daw maging totoong rose. In 2 days nya ginawa yun...
Sobrang Happy ko nun.
Bigla nalang kasi pumasok sa utak ko yung pinaka magandang memory sa buhay ko.
Ang sakit noh? Kasi after Valentines Day, hindi sya ulit nag paramdam sakin, tulad uli sa dati. Walang pansinan. Pag nag chachat, parang walang gana.
Bigla nalang din bumalik yan sa utak ko.
Grabeh. Sobra ako naHURT.
Palagi ko sinasabi sa sarili ko na...
nagka Mali ako. na FALL ako agad sa isang lalake na hindi pala karapat-dapat sakin.
Eh kung ganon...bakit pa tayo pinagtapo ng Tadhana?
Syempre ako din naman yung TANGA e. Umasa pako na mahalin mo sana ako.
Natulo parin ang luha ko. Palage ako naiyak kasi hindi ko parin maintindihan kung bakit ganon.
Masakit hindi dahil sa mahal ko pa e. Masakit kasi everytime na maaalala ko, it brings me back to the pain na ginawa nya sakin na hindi na maalis sa puso ko.
BINABASA MO ANG
"PAASA"
Romance"Palagi nalang nami-minsinterpret ang pagiging sweet ng isang tao. 'Yan naman talaga ang nagiging dahilan kung bakit sinasabing PAASA ang isang tao eh. Pero minsan, hindi naman talaga sila nagpa-paasa eh. Minsan, tayo lang din ang umaasa. Palibhasa...