Chapter 1:

10 0 0
                                        

"congrats anak" tuwang tuwang sabi ng mama ko, niyakap ako nila papa .
"Salamat mama at papa "
"Next school year anak maghahigh school kana, wala munang boyfriend ha"
"Opo pa"

Pagkatapos ng graduation namin ay pumunta kami sa may Jollibee .
It's just a simple celebration pero napakasaya ko ngayon kasi nakasama ko sila mama at papa. Lagi kasing nasa trabaho si papa kaya hindi kami madalas magkakasama. Excited na rin ako kasi magiging highschool na ako next school year. Sana madami akong maging kaibigan next school year. Kaya lang parang nakakatakot naman maghighschool. Sabi kasi nila pag highschool daw nararanasan lahat ng first e. Ano kayang first ang mararanasan ko sa high school? Siguro baka sa high school magkaroon na ko ng bestfriend. Wala kasi akong best friend e. Yung tipong mapagsasabihan mo ng mga problema saka kasama mo sa mga tawanan. Yung kaibigan na ipagtatanggol ka. Okay nga din sana kung magkaroon ako ng boy best friend e mukhang masaya yun.

Binigyan ako ni mama ng regalo na kwintas . May pendant siya ng araw. Ang ganda niya, bigla ko tuloy naalala si Felix. Kamusta na kaya siya? Nakagraduate na kaya siya katulad ko? Parehas kasi kaming nasa grade 6 na ngayon e.
Hindi na ulit kami nakauwi nila mama at papa sa may Quezon kasi laging busy si papa sa trabaho niya.
Gusto ko ng pumunta ulit sa probinsiya. Siguro mas pogi na si Felix ngayon hehe naiimagine ko Yung maamo niyang mukha . Ang pogi talaga niya e . Hindi rin naman kami nagkaroon ng communication kasi 9 years old palang kami nun at wala pa kaming mga cellphone. Hindi ko nga alam kung may cellphone na siya ngayon e.
Siguro kung doon ako nakatira sa Quezon baka magbest friend na kami.
Ano kayang sasabihin ko kapag nakita ko siya?
Maaalala niya pa kaya ako, kahit isang beses lang kaming nagkita?
Sana talaga makapunta ulit kami sa Quezon. Gusto ko din siyang mas makilala pa e.

A VERY GOOD NIGHTMARE Stories to obsess over. Discover now