Chapter 3

2 0 0
                                        

Nagising ako sa init ng araw na sumisinag sa buong kwarto ko. Naghilamos at nagtoothbrush muna ako bago lumabas sa kwarto ko. Nadatnan kong nagluluto si mama ng sinangag at itlog.

"Good morning ma"

"Good morning anak"
Umupo ka na muna riyan at magaalmusal na tayo"

Naupo na kami at nagdasal bago kumain.
Ang sarap talaga ni mama magluto ng kahit anong pagkain.Kaya lahat ng luto ni mama paborito ko e kasi ang sarap.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagnguya ng masarap na luto ni mama.
Biglang nagsalita si mama.

"Anak"
"Po?"
"Plano ko sanang dun na tayo tumira sa probinsiya natin sa Quezon, nalulugi na kasi ang negosyo natin dito anak. Nalulugi na din ang tindahan natin dahil kulang pa din ang tubo na nakukuha natin. "

"Paano po ang school ko ma?"
"Dun ka na magaaral anak"
"Sigurado na po ba kayo nay?"
" Oo anak, dun na tayo titira sa lola mo.Susubukan kong magtayo muli ng tindahan doon"
Bukas na bukas anak ay kailangan na nakahanda na ang mga gamit mo,dahil sa makalawa na tayo aalis.
"Sige po ma"

Pagkatapos naming kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan namin at saka ako pumasok sa kwarto. Natutuwa akong makakabalik na kami sa Quezon, pero nalulungkot ako kasi hindi namin kasama si papa.Sana maging maganda ang paglipat namin sa Quezon.Gusto kong makahanap ng mga bagong kaibigan.Gusto ko ding makahanap ng boy best friend madami kasi akong kaklase na mayroong mga boy best friend e. Pinagtatanggol nila yung mga kaibigan nilang babae.

Saka gusto ko na ding makita ulit si lola.Lagi akong kinukwentuhan nun e. Masayahin din Yun si lola. Laging nakangiti kahit wala na siyang ngipin hehe. Pinapagalitan din naman ako ni lola, lalo na kapag antagal kong umuwi galing sa ilog.

Nagiimpake na kami ngayon ni mama ng mga gamit namin. Isinama namin ang mga family pictures namin at mga ilang gamit sa pangkusina .Isasakay din namin sa aarkilahin naming jeep ang mga appliances namin na TV saka electric fan.Pagkatapos naming magimpake ay natulog na kami.Excited na ako bumalik sa Quezon, gusto ko ng pagmasdan ulit ang paglubog ng araw sa ilog.

Habang nasa biyahe kami ni mama,tinitignan ko ang tanawin. 12 pm kami  nagsimulang  umalis.Naabutan ko pa Yung sunset nung 4:30 habang nasa biyahe kami.Matatapos na naman ang araw na to. 6 pm kami nakauwi sa Quezon.
Nakauwi na kami sa Quezon halos 6 na oras din ang itinagal ng biyahe namin.

Niyakap ko agad si Lola pagkadating namin sa bahay niya.

"Namiss po kita Lola"
"Ako din apo, ang laki mo na. Kamusta ang pagaaral mo?"
"Okay naman po la, grumaduate na po ako sa grade 6.Next school year po magiging high school na ako"
"Hay,ang bilis naman lumaki ng apo ko.Dati baby kapa lang, ngayon ang tangkad mo na. Wag ka muna magboboy friend apo ha, baby ka pa ng family. Hindi ka pa pwedeng maging baby ng iba"
"Hay naku si Lola, alam ko naman pong ako ang forever baby niyo e.Kahit di niyo na po Yan sabihin sakin."
"Love you la"
"Love you din apo"
"Tabi po ako mamaya sa Inyo pagtulog"
"Sige apo, aayusin ko mamaya Yung higaan"


Kumain na kami pagkatapos naming itabi lahat ng mga gamit namin.
"Apo, anong grade ka na nga ulit sa pasukan?"tanong ni lola sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A VERY GOOD NIGHTMARE Stories to obsess over. Discover now